CALOY'S POV
" caloy? " tawag nya sa'kin habang nakatingala sa malawak na kalangitan na pinapaliwanag ng buwan at ng mga bituin.
" hmm? " tipid kong sagot.
there's nothing more relaxing than sitting in front of a bonfire habang fini-feel mo yung malamig na hangin na dumadampi sa balat mo.
we're lucky kasing sobrang tahimik ng lugar na'to, wala kang ibang maririnig kundi ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan at ang boses nyang parang musika na sa aking tenga
" can't wait to see sunrise with you, my lady " nakangiti kong sabi sa isipan ko habang pinagmamasdan sya.
" which do you think is bigger? the sea or the sky? " she said.
napakunot noo ako dahil sa katanungan nya, paano ko naman malalaman ang sagot? sky? ocean!? teka!! may nakasukat na ba talaga ng mga yan?
" alam mo gutom lang yan eh! eto sandwich oh! " sagot ko sabay abot ng sandwich sa kanya.
agad nya naman itong sinalo, habang nakabusangot ang mukha nya
" hindi ako gutom. ano nga kasi? " pagpupumilit nya sa'kin.
minsan ang kulit nya talaga.
" hay!! paano ko ba sya sasagutin!? sino ba talagang siraulong tao ang nakasukat na ng kalangitan at karagatan!? meron ba nyan sa
google? " tanong ko sa isipan.agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa para i-search kung sinong tao ang nakasukat na ng mga yan at kung anong exact measurement, para lang matigil na sya.
nagmadali ako sa pag-type, habang hindi nya pa napapansin, kasi busy sya sa pagmamasid sa kalangitan
pero NO RESULT MATCHING THIS SEARCH ang tanging sagot ni uncle GOOGLE!
" i don't know, as if naman may nakasukat na ng dagat at ng kalangitan. adik kaba? " sagot ko.
tiningnan nya ako ng masama for a seconds then agad na binalik ang tingin sa nga bituing nakakalat at tahimik na nagmamasid sa'ming dalawa mula sa itaas.
" for me, sa tingin ko yung dagat " saad nya.
hindi ko alam kung anong nasa utak nya pero sige! sasakyan ko ang trip nya matahimik lang sya.
" talaga? why do you say so? kasi for me mas bigger ang kalangitan " sagot ko as i lay beside her.
wala lang, feel ko lang tumabi sa kanya and gusto ko ring maramdaman kung ano ba yung feeling na nakatingin ka sa kalawakan, habang nakahiga sa milyon-milyong buhangin.
for sure may limit ang oceans kahit pa sinasabing 5% palang ne'to ang napupuntahan ng tao, what more ang galaxy hindi ba? sure na sure ako na wala pa sa 1% ang napupunta ng tao, kaya kung susukatin mo..... mas malawak talaga ang kalangitan
(Insert: terrified by katharine mcphee)
" the sea is bigger " ulit nya dahilan para mapatingin ako sa gawi nya and i saw her face became serious.
YOU ARE READING
I've met your SOUL
FanfictionIKAW, SYA AT AKO.... ano nga bang laban ng salitang AKO kung ang nasa pagitan ng salitang IKAW AT AKO ay kamatayan? may pag asa pa kayang makabuo ng TAYO? kung sa bawat pag tangis mo, sa bawat ngiting binibitawan mo ay SYA ang nasa tabi mo. it was...