CHAPTER 26

200 9 0
                                    

CED'S POV



" hindi kana papasok simula bukas! start packing your things dahil sa canada kana mag-aaral! tapos ang usapan! " galit na sabi ni dad.




" what!? but dad------- " sagot ko na agad nyang pinutol.





" wala nang pero-pero! sinagad mo na akong bata ka, ngayon palang puputulin ko na yang sungay na pinapatubo mo "





wala na akong nagawa para pigilan sa pagtulo ang mga luha kong, kanina pa nangingilid sa mga mata ko




" dad! stop being unfair! wala naman akong ginagawang masama, its just sobrang malas lang talaga ng araw ko ngayon. i---i was on my way home nang mabangga ko si lola sa parking lot ng school namin so, i rushed her sa hospital. luckily nothing bad happened to her, but hindi kaya ng konsensya kong iwanan sya nang wala man lang malay and....... " pagpapaliwanag ko, but then i paused





" and what!? still trying to composed another lie in your godd*mned
head!? "





" i'm not lying dad.... nang magising sya she blackmailed me, k--kakasuhan nya daw ako. i.i was afraid kaya sinamahan ko sya, sa batangas. i didn't know where it is pero ang alam ko part ng batangas ang lugar na yun " dagdag paliwanag ko.






" sumama ka sa taong hindi mo kilala!? your taking a law course and yet natakot ka sa simpleng pagbabanta!? anong katangahan yan!? "





" its because i'm afraid na baka pag nalaman nyo ni mommy. baka... baka magalit kayo, that's why i took the chance to fix my mistakes. my own mistakes. lolo dada said if there's a chance to fix your problem dapat gawin mo para hindi kana makaabala sa iba diba? " sagot ko.





nakayuko pa rin ako at patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko





hanggang sa maramdaman ko nalang ang mainit na kamay na dumampi sa kanang balikat ko






" wag ka nang yumuko apo, wala kang kasalanan..... " ani ng taong kanina ko pa, hinihintay






" l.lola? bakit gising pa po kayo? " humihikbi kong tanong, but lola ck didn't answer me






" chime anak, patulugin mo na ang apo ko. magpahinga ka na rin at bukas nyo na tapusin 'to, kapag malamig na ang ulo mo " ani ni lola kay daddy.






" mom, magpahinga na kayo, anong oras na po oh! hayaan nyo na akong disiplinahin ang batang yan " galit pa ring sagot ni dad.






" anak, mali ang paraan mo sa
pag-didisiplina sa mga apo ko. tinuturuan mo lang silang matakot sayo at hindi mo gugustuhin ang consequences ng ginagawa mong 'to "





isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ni daddy, na mas lalong nag pakaba sa'kin





madadamay si lola sa galit ni dad sa'kin, kung hindi ko pa sila pipigilan





" mommy, ako ang padre de pamilya ng pamamahay na'to kaya ako ang masusunod at rules ko ang dapat sundin ng mga apo nyo. kaya please mom, magpahinga nalang kayo " tugon ni daddy.





" ke padre de pamilya, haligi ng tahanan o kahit pintuan ng tahanan ka pa. hangga't nabubuhay ako, ako! ang masusunod dito anak, dahil kahit anong gawin mo nanay mo pa rin
ako " ma-awtoridad na saad ni lola.





ganito talaga si lola magsalita kahit noon pa, kaya kahit si lolo dada napapatahimik nya with just a simple sentence at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan yun






I've met your SOULWhere stories live. Discover now