CELINE'S POV
" ano ba namang klaseng hospital 'to!? bakit walang cctv dito!? " reklamo ni daddy
" tama! bakit walang cctv!? " ani ko naman, while palakad-lakad sa palibot nila.
" pasensya na sir, nagkataon na sira ang cctv ng gabing yun. pero wag po kayong mag-alala ginagawa po namin ang lahat para mahanap yung sasakyan na bumangga sa anak nyo "
sagot ng isang matangkad na lalaki na nakasuot ng black polo-shirt, slacks at may sukbit-sukbit na baril sa tagiliran" dapat lang!! habang yung anak ko 50/50 dahil sa ginawa nya! tapos yung hay*p na yun, malayang nakakapagliwaliw!? papatayin ko sya! papatayin ko talaga ang g*gong yun! " galit na sigaw ni daddy.
" dad! kumalma ka muna " pigil ni mommy sa kanya
" tama si mommy, dad! kumalma ka, baka kung mapaano ka nanaman " eksena ko
para akong hangin lang na malayang nakakakilos sa maliit na espasyo ng kwartong 'to
malayang nakakapagsalita at nakakasabat sa mga pinag-uusapan nila
ang masakit lang is...... hindi nila ako marinig, hindi ko sila mahawakan at hindi ko sila mayakap
" hindi po ba natin pwedeng imbestigahan yung mga sasakyan na naka-park nung gabing yun? kahit yung mga sasakyan lang na nandoon nang mga oras na yun " seryosong sabi ni kuya
" nagawa na po namin yan, pero wala po talagang nakakita sa mga nangyari. wala ring palatandaan kung anong sasakyan ang bumangga sa kanya " sagot muli ng lalaki
napa-isip naman ako bigla
" palatandaan?.......... " ani ko.
" kung ganun! paano natin malalaman kung sino yung lintik na may gawa nyan sa anak ko!? " sabat ni dad.
" sir, ginagawa na po namin ang lahat. lahat ng pwedeng anggulo na makakapag-turo sa may sala, masusi naming tinitingnan kaya wag po kayong mag-alala " muling sabi ng lalaki.
nagulat naman kaming lahat nang bigla suntukin ni kuya ang pader
" hay*p na taong yun!! " he said.
" carlo anak, hindi makakatulong ang galit mo sa sitwasyong 'to. ang tanging magagawa lang natin ay kumalma at maghintay " pag-aalo ni mommy sa kanya.
" mom, paano ako kakalma? 50/50 ang kapatid ko, tapos wala man lang makapagturo kung sino ang may gawa nyan sa kanya!? makakatulong ba talaga yang mga yan!? "
sabay na napayuko ang apat na
naka-unipormeng lalaki" ma'am, sir--- kailangan na po naming umalis, pag may nakuha po kaming impormasyon agad po naming sasabihin sainyo "
pag-papaalam ng isa sa kanila." sige po, kayo na pong bahala " tugon ni mom.
tumango lang ang lalaki at agad na lumabas ng kwarto
YOU ARE READING
I've met your SOUL
FanfictionIKAW, SYA AT AKO.... ano nga bang laban ng salitang AKO kung ang nasa pagitan ng salitang IKAW AT AKO ay kamatayan? may pag asa pa kayang makabuo ng TAYO? kung sa bawat pag tangis mo, sa bawat ngiting binibitawan mo ay SYA ang nasa tabi mo. it was...