CELINE'S POV
" babalik.... or not? "
" babalik or not? "
" babalik..... not? grabe!! ang boring! kailan ba sya babalik? " saad ko.
ilang oras na akong walang magawa kundi ang maghintay ng susunod na mangyayari, maghintay kung kailan sya babalik--- habang nagpupunit ng papel while saying BABALIK OR NOT instead of saying HE LOVES ME OR NOT.
" hay! " buntong hininga ko.
ang hirap pag hindi mo hawak ang life decision mo
" may life decision ka pang nalalaman, hindi ka naman buhay celine! ghost ka nga diba? " pagkontra ng isipan ko, kaya isang buntong hininga nanaman sana ang pakakawalan ko pero naudlot ito nang
" sh*****tttt!!!! " sigaw ko.
napahawak nalang akong bigla sa dibdib ko, dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko
i was sitting peacefully sa gutter ng parking lot nang bigla nalang paharurot na dumating ang isang sasakyan at nabangga nya ako..... literal na nabangga nya ako!
" damn! kung tao pa rin ako hanggang ngayon, malamang kanina pa ako 50/50 sa hospital! bakit ba may mga ganitong tao!? willing talaga silang pumatay just because nagmamadali sila!? " galit na ani ko sa isipan ko
agad akong tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at agad na naglakad papalapit sa sasakyan ng taong yun
sa bawat hakbang ko papalapit sa sasakyan na yun, ay sya namang dami ng pag patay sindi ng ilaw na malapit sa'kin
" aba'y! siraulo kang driver ka ahh!! can't you see!? may taong nakaupo dito!! magpa-park ka pala so, bakit hindi ka man lang nag-minor!? paano ka nakakuha ng license kung ganyan ang mindset mo! anong tri-------- " galit kong sigaw
pero natigilan ako at agad na napaluhod dahil sa sakit na nararamdaman ko
" ouch!!! " daing ko sabay sapo sa ulo ko, kasabay ne'to ang isang matinis na tunog na nagmumula sa kung saan
" a..anong nangyayari!? " tanong ko sa sarili, sa kabila ng pain na nararanasan ko
hindi ko maintindihan, pero unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko at ang pagbagal ng paghinga ko
" b..bakit!? a..anong nangyayari sa'kin.... bakit ang hirap huminga!? m.mom!! h..help!! " huling katagang binitawan ng isip ko bago tuluyang magdilim ang madilim ko ng paligid
" celine! anak!! please lumaban ka "
" anak! nandito lang si mommy, please lumaban ka naman "
katagang paulit-ulit kong naririnig, kaya napadilat ako ng mga mata
" m..mom? a..anong------paanong? paanong nakarating ako d..dito!? " taka kong sabi, hanggang sa naagaw ng ilang mga taong nakaputi ang atensyon ko

YOU ARE READING
I've met your SOUL
FanficIKAW, SYA AT AKO.... ano nga bang laban ng salitang AKO kung ang nasa pagitan ng salitang IKAW AT AKO ay kamatayan? may pag asa pa kayang makabuo ng TAYO? kung sa bawat pag tangis mo, sa bawat ngiting binibitawan mo ay SYA ang nasa tabi mo. it was...