CED'S POV
" sa bahay ang tuloy ha! hindi sa kung saan saan " mapang-asar na sabi ni yeshua, na may nakakalokong ngiti
" hey! mr.! ayusin mo yang kaibigan namin! kinuha mo yan ng buo kaya ibabalik mo syang buo or else... " ani naman ni madeline.
napa-face palm nalang ako sa kahihiyan
" hahahaha! noted! ho mga sisters, don't worry sa bahay ang tuloy namin at promise isasauli ko sya sa inyo ng buong-buo.... " nakangiti syang tumingin sa'kin
" pero baka walang ulo " he added. Adik rin!!
" tigilan nyo na nga yan! para kayong mga sira! Hindi pa ba tayo aalis? " irita kong sabi.
pero hindi ko akalaing mas mapapahamak pa ako, dahil sa katagang binanggit ko
" ay? nagmamadali? hahahaha "
pang-aasar pa ni yeshua." ahem! gusto na bang masolo? " gatong ni madeline. natatawa lang ang lalaking kasama ko sa kanila, but not me.
" aalis ba tayo or tatawa ka nalang jan? umaandar ang oras " seryoso kong sabi.
" masyado ka namang hype! kumalma ka lang kaya and why don't you just go with the flow? mahirap na pag kinalaban mo ang oras baka magaya ka kay lola " nakangiti nyang sabi.
" ayy? hahahahaha wala pa nga
nag-aaway na agad " sabat ni madeline. kaya tinaasan ko sya ng kilay" sabi nga namin aalis na kami hahahaha, ingat kayo guys! love yah ceddy! " saad ni yeshua, sabay hila kay madeline
AFTER MAKAALIS NUNG DALAWA, TUMULOY NA RIN KAMI SA PUPUNTAHAN NAMIN....
and as i expected. ilang minuto kaming binalot ng katahimikan
" ganyan kaba talaga? " out of nowhere nyang tanong.
" what do you mean? " hindi ako tumingin sa kanya. Masaya kong winawaldas ang atensyon ko sa pag scroll up and down sa phone ko
" tahimik? kung titingnan ka parang hindi naman? feeling ko nga party goer ka eh " ani nya.
" sorry, but i'm not here to answer your personal question. sasagot lang ako if related ang tanong mo kay lola, kay lolo dada at kay celine "
napansin ko ang pag-ngiti nya mula sa peripheral vision ko, kaya medyo nakaramdam ako ng inis
" okay? sabi mo eh! " ani nya. tapos bigla syang tumahimik, kaya bigla ring pumasok sa utak ko yung tanong ko sa kanya kanina
" so, bakit nga domingo? sino ang napangasawa ni celine? " out of nowhere kong tanong.
" is that a personal question? " kunot noo nya akong tinitigan.
Deep breath!!!
Deep breath lang ced!!

YOU ARE READING
I've met your SOUL
FanfictionIKAW, SYA AT AKO.... ano nga bang laban ng salitang AKO kung ang nasa pagitan ng salitang IKAW AT AKO ay kamatayan? may pag asa pa kayang makabuo ng TAYO? kung sa bawat pag tangis mo, sa bawat ngiting binibitawan mo ay SYA ang nasa tabi mo. it was...