CELINE'S POV
(PLAY: ako nalang sana by mark carpio)
" tama na yan, tigilan nyo na si
celine " sita ni ate kyle sa kanila" no, it's okay ate kyle. gusto ko yung ganitong topic " nakangiti kong tugon, but deep inside
SH*T! ANG SAKIT!
mapag-uusapan nanaman ang mga bagay na walang kasiguraduhan at tanging utak ko lang ang may alam ng lahat.
" pero mas mabuti na'to, kesa magkulong sa bahay " saad ko sa isipan.
" so, hinihintay mo pa rin talaga? " ani ni buding
mabait si john vic, gwapo, matangkad..... kung tutuusin sya talaga yung ideal guy na hinahanap ng mga kababaihan, but not for me.
ilang taon nya na akong nililigawan. ilang beses ko na rin syang binusted, pero hanggang ngayon consistent pa rin sya sa pagpapakita ng magandang motibo sa'kin and sa family ko
" oo? ewan ko ba, gusto ko kasing malaman muna lahat bago pumasok sa isang relasyon "
" your existence, just you. makes me happy " rinig kong sabi, kaya napapikit ako ng wala sa oras
he'to nanaman! naririnig ko nanaman ang familiar na boses nya
" pero paano kung hindi talaga sya nag-e-exist? paano kung nadadala ka lang pala ng emosyon mo dahil sa accident na nangyari sayo? " seryosong sabi ni deng.
" meaning hindi ka na talaga
mag-aasawa? kaya mo yun? tatanda kang dalaga ganun? " buding said." bakit naman hindi? anong problema sa pagiging single forever aber!? hindi ko naman kayang pilitin ang sarili ko kay john, kasi kahit anong gawin ko wala talaga akong maramdaman sa kanya. ayoko syang saktan, kasi hindi nya deserve yun "
" ayaw mong saktan tapos binusted mo ng ilang beses? hindi mo ba ideal guy si john? kaya ka ganyan sa
kanya? " out of nowhere na sabi ni carly, na nagpa-smirk sa'kin" kaya ko sya binusted kasi ayokong paasahin sya, in that way kasi parang mas masasaktan lang sya. base sa looks? well, gwapo naman talaga, ideal guy ng karamihan, for sure! pero hindi sya yung hinahanap ko "
" iba ang hinahanap ng puso't isip ko " bulalas ng isipan ko.
" ano bang hanap mo? sabihin mo na at ihahanap na kita " sabat ni buding
maliit ang mukha, singkit yet nakakaakit na mga mata at mga ngiti nyang nagpapabilis ng tibok ng puso ko
" ang gwapo mo " out of nowhere kong sagot na ikinakunot ng mga noo nila
hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. biglaan ang lahat! ni-hindi ko man lang iniisip ang katagang yan, kaya bakit sya lalabas sa bibig ko ng ganun-ganun nalang?
" huh? "
" ano daw? "
" teka lang ha! parang nag-iimagine si ate girl "
YOU ARE READING
I've met your SOUL
FanfictionIKAW, SYA AT AKO.... ano nga bang laban ng salitang AKO kung ang nasa pagitan ng salitang IKAW AT AKO ay kamatayan? may pag asa pa kayang makabuo ng TAYO? kung sa bawat pag tangis mo, sa bawat ngiting binibitawan mo ay SYA ang nasa tabi mo. it was...