chapter one.

136 22 3
                                    

CHAPTER 1:

[Chapter Song: You'll be okay by A Great Big World]

Last day, Day 1: Aviengail Brille

"Ms. Zamora we're doing our best to treat your cancer, if you'll wait patiently, we can get rid of that." Hindi ko alam kung nakailang pilit na sya sakin na manatili dito, ngunit buo na talaga ang pasya ko.

"Doc, you already did your best to cure me. Buong buhay ko ay dito na ako tumira sa ospital na 'to, my mom died without me in her side and now my dad--"

"I know, but its for you to get better. Please understand them." Napahinga naman ako ng malalim sa sinabi nya.

"I understand, but I already made up my mind. I want to enjoy the remaining time of my life, so if the death finally greet me one day, I will never have any regrets."

Tumayo ako at nagpaalam sa kanya. Alam kong labag pa din sa loob nya ang ginagawa ko pero ano nga bang magagawa ko? I'm dying and I can't do anything about it, ginawa na nila lahat ng makakaya nila kahit paulit ulit at pabalik balik. Palala lang ako ng palala, kaya kahit sa konting oras gusto ko naman maramdaman na nabubuhay ako, na nageexist ako sa mundong to.

Lumapit ako kay nurse sandra at pinahid ang luha nito, nginitian ko naman sya para pagaanin ang loob nya.

"Hindi mo naman na kailangan gawin to e! Masaya naman mabuhay sa ospital ah, madami ka ding kaibigan dito! Paano na ako." Maktol nya.

"Because doing this makes me feel alive. Ang tagal na nating magkasama, hayaan mo naman akong makasama ang mundo." Nginitian ko sya at kinuha ang 2 maleta na nakahanda para sa pagalis ko.

"Dalawin mo ako dito ha, ano ba yan! Pakiramdam ko ay ako ang may sakit sa ating dalawa."

"I promise to myself that I will only come back if death finds me." Lalo lamang syang napaiyak sa sinabi ko. Hindi ko naman sya masisisi, ilang taon na kaming magkasama sa ospital na ito kaya tiyak na malungkot nga sya dahil sa pagalis ko.

Huminga ako ng malalim bago ko ihakbang ang paa ko ng tuluyan sa labas ng ospital. Humarap ako dito ng may ngiti sa labi.

"I finally accepted my fate." I smiled while my eyes are on the tall building of the hospital that becomes my home for almost 10 years.

My heart is so thankful despite of everything. People behind this hospital taught me how to be brave, they're like a parents who would do anything for his child. Leaving those people deeply hurt my heart, but for now I will choose to be with myself. I want to be happy for the first time, I want to feel alive and I want to do what a normal people do.

Dumating ang sundo ko para ihatid ako sa condominium ng tutuluyan ko. Handa na akong harapin ang totoong buhay pero sa palagay ko ay hindi ko pa kakayanin na umuwi ng bahay.

"Auntie?" Sagot ko ng makita ang pangalan nya sa screen ng cellphone ko.

"Sigurado ka ba na hindi ka muna uuwi sa bahay? Matagal na akong magisa dito simula ng mawala ang mom mo habang ang si mateo naman ay--"

"Auntie, I will come home someday, when I'm ready. I hope you'll understand."

"I understand sweetie, just take care of yourself okay? Call me when you need anything, okay? I love you."

"I will, I love you too." Ibinaba ko ang tawag at tumingin sa labas ng sasakyan.

Naninibago ang mata ko sa mga nakikita kong nagtataasan na building. Sampung taon din akong nabuhay sa ospital, puting kwarto, mga dextrose at ibat ibang apparatus ang nakikita ko. Kada dadaan ko sa hallway ay mga taong nakahospital gown o hospital dress ang makikita mo. Walang araw na hindi ka makakarinig ng iyak sa bawat ward, hindi katulad dito sa labas, ibang iba. Nakakapanibago, nakakamangha.

The Bravest SoulWhere stories live. Discover now