chapter seven

48 10 0
                                    

CHAPTER 7:

note: this is the new chapter 7. clarification, i didn't delete the first one, naurong lang sya. anyways, hindi naman mababago takbo ng story and anyways, happy reading!

[Chapter Song: Ordinary Day by Melanie Penn]

Day 23:

"Magluto kana lang kasi, diba mahilig ka naman 'don." I rolled my eyes and glared at him. Seriously? Inuutusan nya na talaga akong magluto ngayon.

"Ayoko nga, Yzien. Mag-order kana lang ng food, nakakatamad kaya!" reklamo ko dito at ibinalik ang tingin ko sa TV.

Ewan ko ba dito, simula nang makauwi kami galling batangas parang nagbago. Sinusungitan nya pa din ako minsan pero madalas ay hindi na, mas madalas nya na nga akong asarin ngayon. Madalas pa syang napunta dito sa unit ko para makinuod o kaya ay magbasa ng libro. Mabuti sana kung ganon lang ang ginagawa nya, kaso lagi nya akong inuutusan na ipagluto sya. Akala nya ata anak ko sya.

At the bright side, mas maayos na nga siguro 'yon. Napapadalas na din kasi pagkukwento nya tungkol sa kanya, more on tungkol sa kanilang dalwa ng ex-fiancée nya o di kaya ay tungkol sa tatay nya. Mas maayos na 'yon na nasasabi nya yung mga iniipon nyang sakit kesa naman kinikimkim nya.

Parehas naman kaming napaharap sa pinto ng makarinig ng katok dito.

"Mag-oorder ka din naman pala nakikipagtalo kapa," giit ko saka tumayo papunta sa may pinto.

"Hindi naman ako nag-order?" nagtatakang tanong nya kaya naman napakunot ang noo ko. Nagkibit balikat nalang ako saka nagtungo sa pinto. Akala naman nya paniniwalaan ko sya na hindi sya nagorder e kanina pa nga sya reklamo ng reklamo.

"Abri!!" nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang nasa harap ng unit ko.

Hindi ko inaasahan ang pagdating nya. Lagi naman din kaming nagkaka-text pero hindi nya nabanggit sakin napupunta sya, saka isa pa, paano nya nalaman ang address ko.

"Nurse Sandra!!" binigyan ko sya ng mahigpit na yakap, nagtatalon pa kami na parang bata. Kahit paano ang namiss ko din sya, lalo pa at sana'y akong sya lagi ang nasa tabi ko.

"Kamusta kana? Ayos ka lang ba?" hinawakan nya ang balikat ko habang pinapaka-titigan ang kabuo-an ko, tinitingnan siguro kung ayos lang ako.

"Ayos lang ako, masaya nga dito e. teka, paano mo nalaman na nandito ako?" pabiro nya naman akong hinampas sa braso ko habang natatawa.

"Hindi mo ba muna ako ipapakilala sa boyfriend mo? Grabe, ilang araw ka palang nakakalabas pero may boylet kana. Samantalang ako, 25 years ng pagala gala wala pa ding mapikot." Napalingon naman ako sa likod ko, oo nga pala nandito si Yzien sa unit ko. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa aming dalwa, komportable pang nakaupo sa sofa habang suot suot ang jogging pants at black shirt nya.

My brows furrowed, did she think he's my boyfriend?

"Hindi ko sya boyfriend, kapit-unit lang."

"Sus, may kapit-unit ba na ganyan. Tara na, lalamig pa 'tong pagkain na dala ko." Walang pasabi sya pumasok sa unit, talagang nagderetsyo pa sya sa kusina para siguro ayusin ang pagkain na binili nya.

Napansin ko naman ang pagtitig ni Yzien sa kanya kaya maloko ko syang tiningnan. Pinandilatan nya pa ako ng mata saka muling ibinalik ang tingin sa libro na binabasa.

"Gusto mo ba ilakad kita sa kanya?" bulong kong sabi sa kanya. Mariin nya akong sinamaan ng tingin, pabiro nya pang inihataw sa akin ang libro na hawak nya.

The Bravest SoulWhere stories live. Discover now