chapter nine

34 8 2
                                    

CHAPTER 9:


[Chapter Song: Safe and sound by Taylor Swift]


Day 26:


"HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO AKO NAG-AALAA SAYO!?" Ramdam ko ang galit sa boses nya ng makadating ako sa condo.

Naabutan ko na lamang na gulo gulo ang gamit dito habang ang ibang bagay ay basag na.

I hung my head down, trying not to cry. Ayokong pinagtataasan ako ng boses dahil nanghihina ako, pero naiintindihan ko sya. Nagaalala lamang sya.

Pauwi na sana kami kagabi ngunit inabot kami ng malakas na ulan sa tagaytay kaya naman nagpasya na lamang kaming tumuloy sa hotel malapit doon para magpalipas ng gabi. Pagkagising naman namin ay natraffic kami sa daan kaya tinanghali na kami ng uwi sa condo.

"I'm sorry auntie." Ito na lamang ang tangi kong nasagot sa kanya habang sya ay nakatayo malapit sa kusina habang hawak hawak ang isang baso ng tubig.

"Aviengail, hindi mo ba talaga maintindihan ang kondisyon mo!? Pinayagan kitang lumabas ng ospital, oo. Pero naiintindihan mo ba kung gaano kadelikado sayo ang mundo!? Paano kung bigla ka nalang mawalan ng malay ng hindi namin alam!? Paano kung mamatay--" ngumiti ako at humarap sa kanya.

"Atleast naging masaya ako, kung namatay ako kagabi magiging masaya pa din ako."

"Aviengail!!" Nagulat ako ng mabasag nya ang hawak nyang baso dahil sa sama ng loob.

Ano bang magagawa ko? Yun ang totoo at wala ng makakapagpabago non.

"Auntie lets stop this, please. Lets stop hoping na gagaling pa ako dahil hindi na nga, hindi na nga ako gagaling, mamatay na nga ako. So please hayaan nyo na akong lumaya at gawin lahat ng gusto, please."

"Hindi mo ba talaga naiisip ang mga taong nagmamahal sayo!? Ang mga taong umaasa sa pagbabalik mo!? Paano nalang ako, ang tatay--"

"E ako? Auntie paano naman ako? Buong buhay akong lumalaban sa sakit na to. Paano naman po ako na gusto pa din maging masaya kahit ang huling naiisip ko sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay baka hindi na ako magising pa kinabukasan? Paano naman po yung mga pangarap ko kahit habang dumadaan ang araw ay lumalapit ako sa kamatayan?"

"Aviengail its not what I mean--"

"Kada gabi ay humihiling ako na sana bigyan pa ulit ako ng isang bukas dahil madami pa akong gustong gawin. Gustong gusto ko pa mabuhay, pero ano nga bang magagawa ko kung ito na ang nakatadhana sakin?"

Bawat lumalabas sa bibig ko ay parang bato na nagdadagdag bigat sa dibdib ko. Ayokong makitang ganito si Auntie pero ang sakit sakit na din kasi, ang hirap hirap na.

"Aviengail, mahal na mahal kita at kada naiisip ko na iiwan mo na din ako, para akong sinasaksak ng paulit ulit. Paano ko magagawang tanggapin?" alam ko, alam ko.

"It also hurts me so bad thinking that someday I need to leave you and dad. Hindi ko alam kung paano kayo iiwan, dahil hindi ko naman talaga kayo kayang iwan. Doble ang saksak sa puso ko sa tuwing maiisip ko na masasaktan kayo kapag nawala na ako."

"I'm sorry sweetie, Auntie is really sorry." Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"I want to rest."

Pinahid nya ang luha nya at tumango sakin. Naiwan akong nakatulala ng tuluyan syang makalabas ng unit ko.

Niyakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa kawalanan. Nagsimulang bumigat ang pakiramdam ko ngunit pinagsawalang bahala ko lang ito.

Napatingin ako sa pinto ng makita si Yzien na malungkot na nakatingin sakin. Nginitian ko nalamang sya at nagiwas ng tingin.

The Bravest SoulWhere stories live. Discover now