chapter eight

36 8 0
                                    

CHAPTER 8:

[Chapter Song: Another Day by Patent Pending]

Day 25:

I immediately run in my door when I hear knock on it.

"Uhm, hi!?" I awkwardly smile, she's standing right infront of my door. Judging her looks alam kong mas matanda sya sa akin ng ilang taon.

"Hello?" Bati ko dito.

"Im new here, dito ako nakatira oh! I baked some cupcakes, I hope you'll like it hehe."

"Ohh thank youu so much!" My lips form 'o' because of happiness to see a dozen of unicorn cupcakes.

"You're always welcome! If you need anything just knock on my door, okay!?"

"Yeah, thank youu!"

"Welcome, friend!" Sabi nito at tumakbo papasok ng unit nya.

Ang bait naman nya, ngayon palang kami nagkakakilala binigyan nya na agad ako ng cupcakes.

Dahil sa dami nyang ibinigay sa akin ay naisipan kong ilipat sa isang plato ang iba. Dadalhin k okay Yzien 'tong isa total mahilig sya sa ganito.

Kakatok palang sana ako sa unit nya nang makarinig ako ng sigawan sa loob nito.

"Hanggang kelan mo ba ikukulong ang sarili mo dito!? Hindi kaba talaga naawa sakin!? Umayos ka naman dale, ayusin mo ang sarili mo!"

"You don't understand my feelings ma, please just go. I want to be alone."

"Hindi ko naiintindihan!? Nawalan ako ng asawa at ngayon sa kakaganyan mo hindi ako magtataka kung pati anak ay mawalan na ako. Sige kung yan ang gusto mo, sige. Wag ka ng din bumalik bilang anak ko."

Napatigil ako sa nakaawang na pinto ng unit ni Yzien ng marinig ang sigawan nila ng nanay nya. Ilalapit ko pa sana ang tenga ko ng bigla na lamang bumukas ang pinto, galit na sumalubong sakin ang ina nya.

Tinitigan muna nya ako at sinamaan ng tingin bago lagpasan ako.

"Just give him a time. He needs a lot of time to heal, Ma'am." Napatigil sya sa paglalakad at lumingon sakin.

"What!? Who are you?" Iritableng sabi nya.

"Napakasakit mawalan ng asawa, dahil parang nawala na din ang kalahati ng pagkatao mo. Ano nalamang kaya ang nararamdaman nya na nawalan ng ama, kaibigan at minamahal habang ang ina na inaasahan nyang iintindi sa kanya ay wari'y unti unti na din nawawala sa kanya? Gaano kaya kasakit para sa kanya ang mawala lahat ng pinapahalagahan nya." Napaiwas sya ng tingin sa akin habang nananatiling nakikinig.

"Maaaring naranasan nyo ang sakit ng ina na nawalan ng asawa, pero hindi nyo naranasan ang anak na nawala ang lahat sa kanya. I hope you'll understand and give him time without leaving him. Kung pati kayo ay mawawala sa kanya, sino na lamang ang kakapitan nya para lumaban?"

Pumasok ako sa unit nya at iniwan ang nanay nyang tulala lamang dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Patawadin sana ako ni Lord sa pagiging pakailamera at pagsagot ko sa matatanda.

"Hoy! Its bad for your health alam mo ba yon?" hinablot ko dito ang hawak nyang beer at pinalitan ito ng cupcake na dala ko.

"What are you doing here?" He just give me his usual cold look. Akala mo naman hindi basta basta napunta sa unit ko.

"Attitude ka boy? Ikaw na nga dinalhan ng cupcakes e."

"Ayoko baka may lason." Napaharap naman ako sa kanya at hinampas ang braso nya.

The Bravest SoulWhere stories live. Discover now