CHAPTER 4:
[Chapter Song: Rose-colored boy by Paramore]
Day 9:
It was 9 in the morning when I decide to take a bath after cleaning my room. I'm about to eat my fruits when I heared a loud smash of glass.
"WHAT!? AFTER WHAT YOU DID!?" Rinig kong sigaw ni Yzien sa kwarto nya nang lumabas ako sa may balcony. Bukas ang balcony nya kaya naririnig ko ang sigaw nya.
"LET ME EXPLAIN OKAY?!"
"Let you explain!? Explanation huh? Well, I DON'T WANT TO HEAR YOUR FUCKING EXPLANATION!" Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang mura nya. Galit na galit ang boses nya at parang kahit anong oras ay sasabog sya.
Napatingin ako sa loob ng condo ko at naghanap ng magagamit dito para mabaling sa ibang bagay ang atensyon nya. Napalunok ako ng makita ang hagdan na naiwan dito nung magaayos ng ceiling.
Hindi ako sigurado sa gagawin ko at alam kong magagalit sya sakin pero concern lang naman ako no, baka mamaya makapatay sya. Alam ko din na kasalanan ang makinig sa usapan ng iba, oo na kasalanan na.
"Guide me, oh Lord please." Bulong ko ng ipatong ko ang hagdan sa dulo ng balcony ko at balcony nya. "Shit, I'm dead."
Nangangatal ang paa ko habang tumatawid dito. Bakit ba kasi napaka pakialamera ko? Hindi ako mamatay sa cancer e kundi sa mga kalokohan na ginagawa ko.
Napahawak ako sa dibdib ko ng tuluyang makatawid sa balcony nya.
"JUST LEAVE OR I WILL KILL YOU BOTH!" Nanlaki ang mata ko at napatakbo sa loob ng kwarto nya.
Kung ganon nasa may sala pala sila naguusap. Inayos ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim bago tuluyang lumabas dito.
"H-hey babe, what wrong ba ang ingay nyo." Napatingin naman silang dalwa sakin ng lumabas ako. Napatingin ako kay Yzien na ngayon ay nagtatakang napatingin sakin. Napadako naman ang tingin ko sa kamay nya.
"Omaygadd! What happen to your hand!? Wait wait, sobrang daming bubog, wag kang aalis dyan." Sabi ko ng mapansin ang dugo sa kamay nya habang may bubog sa sahig. Lumapit din agad ako sa kanya at inilapit ang tsinelas nya.
"W-Who a-are you?" Tanong nung babae na kausap nya.
"Hulaan mo." Sabi ko sa kanya.
"Yzien sino sya!?"
"Why do you care?" Matapang na tanong nya habang nakatingin pa din sakin bago tumingin sa babae.
"BECAUSE I LOVE--"
"SHUT THE FUCK UP! Leave, you're disrespecting my girl." Galit na sabi nito at humarap sakin. Napalunok naman ako ng makita ang galit na galit nyang mata.
"Y-Your what?"
"His girl." Matapang kong sagot dito. Patawadin sana ako ni Lord sa pagsisinungaling kong ito.
Umiiyak ang babae habang padabog na umalis. Napahinga naman ako ng malalim ng tuluyan na syang nakaalis.
"Paano ka nakapunta dito?" Baling na tanong nya sakin kaya alanganin nalang akong napatingin dito habang sya ay dali daling pumasok sa kwarto nya.
"Did you just--" dahan dahan akong tumango sa kanya ng makarating kami sa balcony kung saan nya nakita ang hagdan na magkadugtong patungo sa kwarto at kwarto ko.
"Hehe" tangi kong sagot sa kanya.
"What the heck are you thinking abri!?" I sighed at him.
YOU ARE READING
The Bravest Soul
Short StoryTwo different rooms and a two different balconies. Two different kinds of people, one wanted to live and one wanted to die. What would happen if life meets death? Will they be able to change their mind, if the other one already accepted her fate? T...