chapter three.

55 14 0
                                    

CHAPTER 3:

[Chapter Song: Hold my hands by Jess Glynne]

Day 6:

"AAAHHHH!!" napabalikwas ako ng bangon at tumakbo papunta sa katabing unit ng condo ko at kinatok ang pinto nito. "HELP ME! HELP ME!!"

"Ano nangyari!?" Sumalubong sa akin ang gulat nyang mukha, hindi ko napigilan ang sarili kong lumapit sa kanya habang ang kamay ko ay nangangatal.

"S-Sa kwarto k-ko--" hindi nya ako pinatapos sa pagsasalita at agad na tumakbo sa loob ng condo ko.

Nanatili lamang ako sa loob ng condo at hinintay syang makalabas ng aking kwarto

"Wala naman ibang tao dito ah?" naguguluhan nyang sabi habang iginagala ang mata sa loob ng unit ko. Akala nya ba tao yung dahilan kung bakit ako sumigaw?

"Hindi ko naman sinabi na may tao, there's a... there's a cockroaches in my bed!!"

"Ipis!? Para sa ipis binulabog mo ako?" hindi makapaniwalang sabi nya.

"It looks scaryy!! Gumapang pa sya sa mukha ko aaahhh!!" Sigaw ko muli ng maalala ang paggapang nito sa mukha ko. Aalis na sana sya ngunit hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya. "Hey don't leave me here, alisin mo muna yung ipis pleaseee"

Inalis nya ang hawak ko sa braso nya at kinuha ang walis na nasa may pinto. Galit syang bumalik ulit sa kwarto habang ako'y nanatili lamang sa sala.

Bumalik sya habang hawak ang ipis sa kamay nya. Oo, sa mismong kamay nya! Akala ko ay ihahagis nya ito sa akin buti na lamang at itinapon nya na ito. Dali dali naman akong lumapit sa kanya at dinala sya papunta sa maliit na kusina at nilagyan ng hand wash ang kamay nya.

"Nakakain ka na?" Tanong ko habang nakatitig sa kanya, umiling lamang sya sakin.

"Babalik na ko." Walang ganang usal nya.

"No, intayin mo ako ipagluluto kita!" Pigil ko naman sa kanya habang hawak hawak ang braso nya.

"I have no appetite."

"Just let me cook for you, its one of my bucket list." Sumimangot ako sa kanya at dali dali ding ngumiti nang makita syang padabog na umupo sa mini bar ng kusina. "Nakain kaba ng carbonara? I need something creamy e."

"Bahala ka." Masungit na sabi nya kaya naman tinalikudan ko sya.

Isinalang ko ang tubig at hinintay itong kumulo. Naupo muna ako sa harap nya habang sya ay nilalaro lamang ang cellphone nya.

"Do you want some milk?" Umiling naman sya sakin.

"Bawal sakin ang caffeine kaya wala akong kape, how about tea? Do you want tea?"

"Give me water." Sabi nya ng hindi manlang ako tinitingnan.

Tumayo ako at kumuha ng tubig habang kinuha ko ang sarili ko ng gatas. Nakita ko naman ang chocolate na nasa ref kaya kinuha ko ito at iniabot sa kanya.

"Nawawala yung sakit na nararamdaman ko kapag kumakain ako ng chocolates. Dati ay may nakahanda nang chocolates sa kwarto ko pagkakatapos ng chemotherapy ko. Sana ay makatulog din ito sayo." Nginitian ko sya ulit bago sya talikudad.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na din ako sa pagluluto. Bago maghain ay gumawa muna ako ng orange juice gamit ang fresh na orange syempre.

"Lets eat!" Sabi ko dito at inilapag ang pagkain sa harap nya. Tinitigan ko naman sya at inintay ang magiging reaksyon nya, natigilan naman sya sa pagsubo. "Kamusta? Masarap ba."

The Bravest SoulWhere stories live. Discover now