CHAPTER 5:
[Chapter Song: Breath by Lauv]
Day 13.
"Are we really going to a themed park!?" excitement runs in my blood when he told me we're going to enchanted kingdom, a themed park.
"Abrille, sampung beses mo na tinanong yan sakin. You see, we're on our way to enchanted kingdom." Napaharap naman ako sa labas ng sasakyan at tama nga sya, nasa biyahe na kami. Kitang kita ko na mula dito ang mataas na ferris wheel kaya di ko mapigilan ang saya ko.
"Omggg! I'm so excited, its one of my bucket list!!"
"And that's the reason kung bakit tayo pupunta don."
"Paano mo nalaman yung bucket list ko?" humarap sya sa akin at sinamaan ako ng tingin.
"Tinanong mo ako noong isang araw kung pwede kitang samahan." I scratched my forehead, I almost forgot how many times I asked him to be my companion.
►►►
"Woahhh! It looks magical."
We finally get there and stop for a moment para titigan ito. Madaming tao ang nakapila, ang iba ay kasama ang pamilya, kaibigan o kasintahan nila. May ngiti sa kanilang labi habang unti unti sila nakakapasok sa lugar na yon, para bang kapag tumawid na sila sa gate na yon ay magbabago ang buhay nila.
"Tara na." inilagay nya ang parehas nyang kamay sa bulsa nya, patakbo naman akong lumapit sa kanya ng mauna sya sa paglalakad.
Napangiti ako sa braso ko ng makita ang stamp na nilagay dito.
Una kong nasilayan ang photobooth dito, napangiti ako ng makaisip ng ideya.
"Hey let take a picture first para hindi pa ako haggard."
"Ikaw nalang." Hinawakan ko naman sya sa braso at kinaladkad patungo sa photo shop.
"You need a remembrance para kapag nawala na ko, hindi mo ako mamimiss." I softly chuckled.
"As if mamimiss kita." I rolled my eyes jokingly, well that's a good news. Mas mabuti ng hindi nya ako mamiss kapag tuluyan na akong nawala.
"Eh I'm pretty sure you'll miss me when I'm gone." Biro ko pa sa kanya. Akala ko ay magrereklamo pa sya pero hinayaan nya na akong gawin ang gusto ko.
Kung ano anong pose ang ginawa namin. Akala ko ay panay poker face lamang ang gagawin nya pero nang magtagal ay nagwacky na din sya.
Tawa kami ng tawa habang tinititigan ang iba naming mukha na ang papangit. First time kong narinig ang tawa nya kaya naman napatitig ako sa kanya, napansin nya ata ang pagtitig ko sa kanya kaya napaubo sya at ibinalik ang seryoso nyang mukha.
"Alam mo, you look great when you're happy." Usal ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"W-What are you saying." Nagiwas sya ng tingin, naiilang ata.
"I'm dead serious! But don't force yourself to be happy if you feel like you're not. Maging masaya ka kung masaya, maging malungkot ka kung malungkot ka. Hindi naman kasalanan ang pagiging malungkot." Naramdaman ko ang hawak nya sya ulo ko kaya tinabig ko ang kamay nya.
"Hey don't do that, baka malaglag ang wig ko."
"You're wearing a wig? But it looks natural on you."
"Syempre, maganda ako e." He smirked. "OMG! Carousel!" Patakbo akong nagtungo kung nasaan ang carousel. "Sakay tayo! Sakay tayo."
"We're not kid anymore." Singhal nya.
YOU ARE READING
The Bravest Soul
Short StoryTwo different rooms and a two different balconies. Two different kinds of people, one wanted to live and one wanted to die. What would happen if life meets death? Will they be able to change their mind, if the other one already accepted her fate? T...