chapter six

49 9 0
                                    

CHAPTER 6:

[Chapter Song: We'll be okay by With Confidence]

Day 17:

"Run in a castle?"

Nagkukwentuhan kami habang pabalik sa condo, lumabas kami at pumunta sa convenience para bumili ng ice cream kanina.

"Oo. Gusto ko kasi matry tumakbo sa abandonadong palasyo na parang prinsesa habang naka-apak lamang ang paa." Nakangiti kong sabi sa kanya. Naiimagine ko tuloy ang sarili kong ginagawa 'yon, it was my childhood dreams kaya siguro hindi ko makalimutan.

Noong bata kasi ako ay lagi akong nakakapanuod ng mga princess movies, gustong gusto ko yung part na tumatakbo sila sa matataas na hagdan. Minsan nga ay sinubukan ko yon sa hagdan ng ospital ngunit napagalitan lamang ako ng mga doctor ko.

"You're so weird." Naiiling nyang sabi at umuna sa paglalakad habang inuubos ang ice cream nya.

"I know, tsaka wala namang castle dito sa pilipinas kaya imposible yon lalo na at hindi din ako papayagan ni Auntie na lumabas ng bansa." Napatigil naman sya sa paglalakad dahilan para mabunggo ako sa likod nya. Naoahawak naman ako sa nook o, medyo masakit ha.

"Actually, merong abandoned castle dito sa pilipinas." My eyes get widened

"Talaga!?"

"Yeah, sa batangas."

"OMG! I want to go there!" Masyado akong naexcite ng marinig yun sa kanya kaya naman nabitawan ko ang hawak kong ice cream at kumalat sa aking damit. "Hehe." Napasama naman ang tingin nya sa akin.

"Tsk, alright lets go there." Nanlaki naman ang mata ko ng marinig yon mismo sa kanya.

Nakakabigla na sya mismo ang nagsabi ng ganon, madalas ako pa ang pumipilit sa kanya para lang samahan ako.

"Talaga? Sasamahan mo ko?"

"Pag hindi kita sinamahan kukulitin mo lang ako, kaya sasamahan na kita."

Sabagay, may point sya don.

"Then lets go now!"

"W-What? As in right now?" Tumango naman ako sa kanya. "Nababaliw kana ba abri? Wag muna ngayon." Napasimangot naman ako sa kanya at inalis ang hawak ko sa braso nya.

"Kung hindi ngayon kelan? Yzien, I'm not sure if i'll be able to wake up tommorow thats why I'm doing everything to be happy and enjoy my every day like its my last day." Napapikit naman sya at napahimas sa ulo nya.

"Fine lets go there now. But can we just take a bath first?" Napatingin ako sa aming sarili at napatawa ako nang makita kung gaano kami kadungis.

"Alright, lets go!" Sigaw ko at hinala sya papasok.

Pagkapasok ko sa loob ng unit ko ay agad kong binuksan ang cabinet ko para maghanap ng isusuot ko.

Ilang taon man akong nanatili sa ospital, mabuti nalang talaga at lagi pa din akong binibilhan ng damit ni Auntie, kahit madalas ko lamang itong isuot kung may okasyon.

Napatigil ako sa paghahanap nang mapadako ang tingin ko sa white sleeveless na dress, lagpas tuhod ang haba nito sa akin. Napangiti ako ng mapait ng maalala na ito nga pala ang huling regalo na naibigay sakin ni mommy.

Matapos maligo ay inayos ko ang buhok ko. Mabuti nalang talaga at maganda ang wig na nabili ni Auntie kaya hindi halatang naka wig lang ako. I still look pale and sick but its I look different whenever I wear this.

The Bravest SoulWhere stories live. Discover now