*****
“Winnie the pooh! Na sayo ba ang gitara ko?” kinatok pa ako ni kuya habang nasa banyo. “oo bakit?” habang naliligo pero hindi na ito sumagot kaya pinagpatuloy ko ang paliligo ko. Ewan ko ba.. Simula ng dumating ako sa bahay ay naligo ako feeling ko kasi ang banas. Binanas ako sa nakita ko kanina! Imposible nya talaga ako magustuhan kasi naman napaka unfair ng tadhana eh! Bakit kasi hindi nalang kami magkasabay pinanganak.. Eto na naman ang feeling na’to. Naiiyak na naman ako pag naiisip ko ang mga nakita ko kanina.
Hays! Kaya ko’to! Please lang brain.. Itigil mo muna pagiisip sa kanila kaya pinahiran ko ang mga luha ko at pinagpatuloy ang paliligo. Nakatapis lang ako ng magpunta sa kwarto yun na kasi naka sanayan ko. Simula kasi ng nadulas ako sa banyo habang nagsoshort ay hindi na ulit ako nag tangka magbihis sa banyo kundi sa kwarto nalang lagi.
Pagbukas ko ng kwarto ay nagdire-diretso ako sa loob para maglotion. Habang naglolotion ay bumukas ang pinto pinabayaan ko lang baka kasi alin man kay kuya o nanay.
*bogsh*
Napalingon ako at nagkagulatan pa kami “a-anong ginagawa mo dito?! ” napahawak ako ng mahigpit sa towel na nakatapis lang sa akin ngayon. Ito naman ay nakabawi na ng pagkagulat at napatungo naman ito na parang nahiya “a-ah.. A-ano..” nauutal na sabi nito na hindi makatingin sakin at napahawak nalang ito sa batok nito at napahimas.”ANO?!” tanong ko dito kasi naman sino bang hindi magugulat dito eh nakatapis lang ako ng towel.
“haist! Wag ka sumigaw!baka marinig tayo ng mama at kuya mo kung ano pa ang isipin! ” biglang tumalikod ito sa akin. “ano.. Hindi ko alam na nandito ka! Sabi kasi ng kuya mo nasa banyo ka daw hindi ko naman alam na nandito kana kaya dire-diretso ako dito para kunin ang gitara.” mahabang explenasyon nito habang nakatalikod parin “atsaka… Bakit kasi hindi ka sa banyo nagpapalit?! Pano kung ibang tao ang nakapasok dito tapos ganyan ang ayos mo? !” naiinis na sabi pa nito.
“eh! Pakialam mo ba? Umalis ka na nga!” dali dali naman nitong dinampot ang gitara at haharap na sana. “te-teka! Wag ka muna haharap!takpan mo muna ang mga mata mo!” tarantang sabi ko dito.
“hiast! Pano naman ako makakakita kung tatakpan ko mata ko? Aber?! Feeling naman nito! Flat naman.. ” pagsusungit pa nito. “eh naka towel lang ako noh! Sira ka ba?!at a-anong sinabi mo?! F-Flat ako?! Ang kapal ng mukha mo! ” parang naghi hysterical ako sa kinatatayuan ko ngayon kaya binato ko ito ng unan sa asar ko dito! Huh?! Flat? Isampal ko sa kanya ito eh!. “tsk! Wag ka magalala hindi kita pinagnanasaan!” sabi pa nito at naka tungong naglalakad papunta sa pinto. “sa ulit ulit… Wag ka magbibihis sa kwarto! At ilock mo pinto!Flat!” pahabol pa nito bago makalabas ng pinto at sinara ito. Eh malay ko bang nandito ka? Eh bakit di ka kasi kumakatok bago ka pumasok? Bwisit na yun!
Napahigit naman ako ng hininga sa nangyari. Jusko! Kaya nga ako naligo kasi binabanas ako.. Tapos ngayon pinagpapawisan ako! Mapapatay ko talaga si kuya! Pinapasok pa si jesthle sa kwarto ko! Kung kailan ayaw ko syang makita at heto kani kanina lang kasama ko habang nakatapis ng towel.. Joke ba to? Lord? Anong kasalanan ko para ilagay mo ako sa kahihiyan? Sinaktan mo nga feelings ko kanina.. Nilagay mo pa ako sa kahihiyan.. Huhuhu.
Bago ako magbihis ay humarap muna ako sa salamin.. Flat ka daw? Kaya tiningnan ko ito.. Hmp! Hindi naman eh! Kahit hawakan pa nya ito noh! Hahaha pero charot lang noh! Ano sya? Sinuswerte?! Humanda sya sakin!
After ng insidente kanina ay heto at kaharap ko sya sa hapag kainan habang nakain at katapat ko pa sya. Ni hindi kami nagtitinginan ngayon kasi galit parin ako dito at sa kahihiyan na nangyari kanina. Hays!
“ang tahimik naman natin!” reklamo ni nanay. “kwentuhan nyo naman ako sa event na nangyayari sa school nyo?” pangungulit ni nanay samin.
“okay naman po nay! Malaki naging income namin!” sabi ni kuya tapos tumingin naman sila sakin. “a-ahem.. Kami din po!” sabi ko at pinagpatuloy ang pag kain. Sa totoo lang nawawalan ako ng gana kumain pag naalala ko ang nangyari kanina. Tumingin sakin si jesthle at inirapan ko lang ito.
“eh! Para saan naman ang gitara?” sabi pa ni nanay napansin nya siguro na nandito sa baba. “ah.. Magcocompose lang po kami ng kanta ni pareng jesthle” sabi pa ni kuya sabay tinginan nila kuya at kumindat pa ito kay jesthle.
“aba! May liligawan ba kayo?” pag uusisa pa ni nanay. “ah.. Ano po.. Wala lang po nay” sabi pa ni jesthle na nahihiya. “ anong wala?! Sasamahan ko itong manligaw nay!natotorpe eh!” tudyo pa ni kuya kay jesthle na kinapula ng mukha tapos nagiwas ng tingin sakin. Tsk! Bad timing talaga na kumain pa ako ngayong gabi!
binitawan ko ang kutsara at tinidor at tumayo “aba! Tapos kana ba na kumain?” nagulat siguro sila sa pagtayo ko bigla. “tss.. Busog na po ako!” at bago ako umalis ay tiningnan ko pa si jesthle at inirapan ito! Bwisit to! Pumunta na naman dito sa bahay para pasikipin ang dibdib ko. Pag pasok ko ng kwarto ay dali dali ako sumubsob sa kama at umiyak.
Alam ko na di ko pa dapat maramdaman ito kasi bata pa ako at pagaaral muna dapat ang inaatupag ko. Pero hindi ko talaga mapigilan magmahal at masaktan.. Kaya anong gagawin ko? Ang iwasan ang lahat? Sa papaano? Eh simula bata ay parte na sya ng pangaraw-araw ko! Ayaw ko na talaga syang magustuhan! Nasasaktan lang ako.
Kesa magmukmok ay nagbukas nalang ako ng facebook.nagdiretso agad ako sa inbox ko,may notification ng message. Puro message lang ng mga kaibigan ko para sa pag aayos namin bukas sa mga paninda..Tapos nag chat na naman yung spiderman.
: nakita kita.. Mukha kang malungkot
:okay ka lang ba?
:mukhang hindi.. Hindi kasi Nagbubukas ng fb eh.
Eto yung mga nabasa ko.. Sino ba talaga ito? Kaya nireplyan ko sya.
: sino ka ba talaga?
Maya maya ay nakikita ko na nagrereply ito.
: malalaman mo din pagdating ng tamang panahon.
Aba! Pa suspense ang koya mo..
Me: eh anong kailangan mo?
SpiderMan: hmm.. Gusto lang kita na mas makilala pa.
Hala? Ibig sabihin magkakilala kami? Sino ba talaga ito?
Magrereply pa sana ako ng may nagmessage pag tingin ko ay si jesthle. bubuksan ko ba o hindi? Ikiclick ko na sana para basahin ng pigilan ng kabilang kamay ko ang isang kamay ko. Diba? Iiwasan mo na sya? Tama! Kailangan iwasan ko na sya.. Kaya mag lalogout na ako para kunyari di ko nabasa. Bahala sya sa buhay nya! Kung kailangan na iwasan ko sya ay iiwasan ko nalang muna sya para mawala na ang sakit sa dibdib ko..
Papikit na ako ng may marinig ako na may namamaltok ng bintana.. Sino ba ito?! Nakakainis naman ito! Kaya napatayo ako para silipin kung sino. Nagulat nalang ako na si jesthle pala ang namamaltok, napatingin na sya sa akin ngayon at nangungusap ang mata “bakit?” siguro naman Naiintindihan nya sinabi ko. Hindi parin ito natitinag sa pwesto nya at sumasagot sa tanong ko kaya tinitigan ko lang ito. Ano? Magdamag nalang ba kami magtititigan? Pag bumaba naman ako malalaman agad ni kuya kasi katapatan ko lang ito ng kwarto tapos si mama sa baba natutulog. Naisip siguro nya kaya nagpaalam na ito sa pamamagitan ng pag mwestra nya ng kamay na aalis na sya at nagwave pa.
Sa totoo lang? Ano ba talagang trip ng taong yun? Namamaltok sya ng bintana para makipagtitigan ng 15 mins.? Anong nasa utak kaya ng taong yun?
Nakahiga ako para isipin kung ano ba talaga ang gusto ipahiwatig ng mga mata nito? Nagsosorry ba ito o ano? Tss.. Makatulog na nga.. Siguro di pa sasapit ang bukas luka na ako kakaisip!
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend
HumorAre you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt?