*****
Halos lahat kami ngayon ay puputok ang tyan sa busog after namin kumain ng madami.
“ano? Hindi na ba kayo kikilos para magswimming?” sabi ng mga boys na nagaaya na maligo. Lahat kaming mga girls ay nakatingin lang sa kanila habang nakaupo ngayon habang himas ang mga tyan. “boys! Kayo nalang muna” sabi ni ate buena sa mga ito.
Habang pinagmamasdan namin ang mga boys na naghuhubad ng pang itaas na suot nila ay halos lumuwa ang mata ni bakla. “girls? Siguro need na nila ako don?” sabi ni beks habang tinatanggal ang balabal sa kanyang katawan. “beks! Mahiya ka nga!” si she na natatawa na nahihiya habang nakatingin sa dalawang babae na sina juliet at ate buena. “hay naku! Okay lang yan girls..” sabi ni juliet samin at ngumiti ito kay beks.
“ay friend na tayo girl!” sabay lapit nito kay juliet at nakipag apir pa dito. “yang mga yan kasi KJ!” sabay irap samin na kinatuwa lang namin imbes na magalit dito. “OA mo ah!”sabi ni deo at tumayo ito para higitin si bakla, pagkahigit dito ay tinanggal nito ang balabal sa katawan at tinulak ito papunta sa mga boylets na naglalaro na ngayon “oh! Yan gusto mo diba? Manawa ka!” pahabol na sabi nito kay beks. Nag flying kiss lang ito samin bago humayo papunta sa mga pulutan nya hahaha….
“oh? Di pa ba kayo magaayos? Tara na din maligo?” sabi ni juliet samin. “a-ah.. Hehe mauna nalang po kayo” sabi ni bes sa dalawa at umalis na din ang mga ito. “tss.. Hindi pa ba sila ayos ng lagay na yun?” si bes na bumulong sakin pagkaalis nung dalawa. Nagkibit balikat lang ako dito at napatawa sa mukha nito na nakamangot na. “gusto ata ng mga iyon naka swimsuit din tayo?eh di sila na ang magandang katawana! Bwisit!” dugtong pa nito habang naka cross arm pa.
“alam mo she.. Hayaan mo nalang sila ang sexy naman talaga nila eh!” si deo habang parang namamalakpak pa. “mukha kang manyakis tingnan ngayon!” si she na pinandilatan pa ito. “oo nga! Dun ka na nga! Shoo…” bugaw ko pa dito palayo samin.
“grabe kayo sakin! Bahala na nga kayo.. Makikisaya na ako sa kanila!” at nagtatatakbo ito habang hinuhubad ang damit patakbo sa mga nagkakasayahan na ngayon. “tsk! Muntanga lang!” si bes na naasar sa inasal ni deo.
Habang nagsasaya sila ay naglibot libot lang kami ni she sa resort habang nagpipicture. Sinusulit muna namin ang ganda ng lugar bago ang maligo sa dagat. Sa sobrang ganda ng lugar ay namangha kami ni she, kung ano ang nariresearch namin dati sa resort ng batangas ay ito ding nakikita naming ganda ngayon habang naglilibot.
Pagkatapos namin manawa sa pagikot sa resort ay bumalik na kami para makaligo na sa dagat. Hindi namin alintana ang init na tumatama sa aming mga balat habang nagsasaya kami. “oh! Kumpleto na ang girls.. Magvolleyball na tayo!”masayang sabi ni kuya jasper. Tig anim kami per grupo ngayon na nakahanay na, kasama namin sa grupo si beks at deo.
“eto na naman!” bulong ko kay she.. “okay lang yan bes! Tayo tayo lang naman dito eh! Pag natamaan ka hindi nakakahiya! Hahahaha” tawa pa nito sakin. Ano? Nang aasar ba ito sakin? Badtrip talaga!
Habang naglalaro kami ay okay naman.. Kahit hindi kami masyado marunong ng mga babae maglaro ay nakakapuntos parin ng pachamba nga lang hehe.. Kabila ang nakapuntos kaya sila ang magseserve ngayon pag serve ni kuya harry ay natamaan sa mukha si juliet na kinagulat naming lahat. Nakahiga na ito sa buhangin sa sobrang lakas ng tama nito sa mukha “ahhh!!!” tili namin sa kabiglaan.
Nagmadali lumapit sina kuya pero mas maagap na nakakilos si jesthle. “juls.. Okay ka lang ba?” natatarantang sabi nito kay juliet habang tinatapik ang pisnge, hindi ito nagresponse kaya nagmadali ito na buhatin si juliet papasok ng rest house. Lahat kami ay nakasunod lang habang nag-aalala, pinaypayan namin ito para magising baka kasi nakadagdag ang init kaya hanggang ngayon walang malay ito.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend
HumorAre you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt?