Chapter 2♥️💜

24 3 1
                                    

*bell ringing*

Yes! Uwian na din!

Tumingin ako kay she na nagaayos na din ng gamit at napatingin din sya sakin. Sumenyas ako na kumain kami sa tusok-tusok at lumaki ang ngiti nito na halata mong gustong gusto din nya.

Magkasabay kami maglakad para makapunta sa kainan na gusto namin. Gusto ko kumain ng proben at sya naman ay kwek-kwek.

Nakipagsiksikan kami sa mga kapwa estyudante namin na nagkakagulo na din ngayon makakain lang ng gusto nila. Kukuha na ako ng proben ng may kumuha ng dadamputin ko.. Pagtingin ko si..

J-JESTHLE?! Anong ginagawa nya dito? Tumingin sya sakin at sinamaan ako ng tingin.

"kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala!ni hindi ka nagpaalam!"medyo pagalit na sabi nito.

Halos lahat nakatingin na samin habang nakain. Si she naman nagulat din ang reaksyon habang kagat kagat ang kwek-kwek.

"H-huh?! Hehe.." parang natatae na sabi ko dito.. Kasi bakit sya nandito? Luminga linga ako pero wala naman si kuya.

"tsk! Wala ang kuya mo kung sya ang hinahanap mo. Ako daw muna sumundo sayo pero nandito ka!" masama parin ang tingin nito sakin.

Eh malay ko ba na ikaw ang susundo!

"ah! Hehe.. Kakain lang kami ng kwek-kwek k-kuya" parang gusto ko masuka sa pagsabi ko ng kuya.. Jusko!

"b-bilisan mo." hindi na ito nakatingin kaya nagmadali ako na kumuha ng proben at kinain to. Ang sarap talaga nito! Sarap na sarap ako kumain ng mapansin ko na nakatingin to sakin.

"gu-gusto mo?" ano ba yan... NaNabubulol ako.

Umirap lang to sakin. Tsk! Kakainis talaga to! Minsan mabait, kadalasan Hindi!

"bes, tapos na ako... ang sarap ng kwek-kwek talaga ni mang kanor!" nakangiting sabi nito sakin na sarap na sarap..

"teka! Last nalang ito.. Ang sarap eh!" gayak na kukuha pa ako ng marinig ko na may nagsalita.

"kaya nanaba eh! Tss.." kahit mahina.. Rinig na rinig ko na sabi nito..

"ah hindi na pala.. Busog na pala ako." sabi ko kay bes na nakasad face. Kasi naman eh! Sino naman gaganahan na may maririnig kang ganong salita diba?!

"magkano po manong?" tanong ko habang hinahanap ko ang wallet ko.

"20 pesos lang ineng.." nakangiting sabi nito sakin.

Dudukot na ako ng pera ng may nakita akong nagabot ng pera pagtingin ko si jesthle..

"huwag na ku-kuya.. Eto oh.. Bayad ko!" inabot ko sa kanya kasi tinanggap na ni mang kanor yung bayad kaya sa kanya ko babayaran.

"tsk! Bilisan mo na!" tumalikod nalang sakin ito ng hindi tinatanggap ang bayad ko at naunang maglakad samin.

"uy! Ang sweet naman nya!" kinikilig na sabi ni she sabay hampas sa braso ko.

"alin ang sweet don?! Eh ang suplado nga lagi non sakin eh! Diba bwisit?" nakabusangot na sabi ko dito..

"kahit na! Basta para sakin.." sabay turo nya sa sarili nya. "sweet ang ginawa nya sayo! Yiiii" kinurot kurot pa ako nya sa bewang,hanggang sa makarating kami sa bike ni jesthle na nakaparada sa lilim ng puno ng school namin.

"salamat bes! Alis na ako.. Yiii! Bagay kayo!"pabulong na sabi nya sakin at may pahabol pa na kurot sa bewang ko. "kuya jesthle! Alis na po ako.." kumaway pa to habang pasakay ng kotse nila "ingatan mo puso ni bes ah?!" sabay sara ng pinto ng kotse nito.. Bwisit ka talaga sheryl ann!!!!!!

Naiwan kaming dalawa ngayon at eto.. Pulang pula parin ako sa kahihiyan. Kalma lang kalma.. Bago ako humarap kay jesthle para hindi nya ako mahalata na namumula..

"a-ano.. Wa-wag mo na intindihin yung sinabi ni she"nabubulol ako sa lakas ng kabog ng puso ko..

"tss.. Sakay!" nakita ko nalang na nakasakay na eto sa bike nya. Susme! Eto na naman yung feeling na mapapalunok ako. Umangkas ako sa bike nya sabay hawak sa bewang nya este sa damit lang pala niya. Yung bike kasi ni kuya ang angkas ko ay sa hulihan habang nakatayo lang unlike sa bike ni jesthle na parang pang korean novela ang style.. Basta yun na yun basta nakaupo yung dating.

Nagstart na sya tumipa ng bike ng biglang magpreno to kaya napahawak ako sa bewang nya ng mahigpit at nagsungasob ang mukha ko sa likod nito.

"tshskskalaanzhzbsh"

May sinabi to na hindi ko maintindihan. "ano sabi mo ku-kuya?" hindi to umimik subalit nagbike na ulit eto ng hindi naimik sakin.

Late ko na narealize na sa bewang nya ako ngayon nakahawak kaya ng tatanggalin ko ulit eh nagpreno ulit to.. Kaya hindi ko na inalis at pinabayaan nalang na nakahawak sa bewang.

Oh my gosh!!!!! Ang bango bango nya talaga.. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko lagi pag nasa harap ko sya o nasa malapit lang. Hays..! Bakit kasi hindi nalang magkasing age kami eh?!

Habang nagdedaydream ako ay nagpreno eto sa may kanto samin at inayos nya ang pagkakahawak ko sa bewang nya.. Kundi binalik nya eto sa pagkakahawak sa damit nya..

Hays.. Bakit? Hanggang sa makarating na ako samin ay natanaw ko agad sa gate namin si kuya.

"oh pare! Muntik na kayong gabihin ah? Wag mo sabihin na.. Dinate mo kapatid ko?!" bungad ng kuya ko samin.

"sinipa ko agad si kuya sa paa ng matigil ito!" nakakahiya talaga si kuya!

"hahahaha... Chillax sis! Hindi naman ako maniniwala.. Hahaha hindi ka tipo ng kaibigan kong ito kasi ganto ka!" sabay piggy nose nya sa ilong nya..

"alam mo kuya! Panira ka talaga ng araw!"magwowalk-out na sana ako kaya lang naisipan ko na sipain ito ng malakas ng makaganti sabay takbo.

Ngunit imbis na mainis sakin ay tumawa pa ito ng malakas.. Na lalong kinabwisit ko! Jusko! Sino bang pwedeng makipag swap ng kapatid?! Makikipagswap agad ako! Now na!!!!

My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon