Chapter 19❤️💜

14 3 0
                                    

After 3 years...


Nagising nalang ako na hanggang ngayon ay nakikita ko parin sa panaginip ang mga nakaraan. Hanggang ngayon kahit anong takas ko sa nakaraan, sa panaginip ko lagi akong hinahabol. Nakaupo ako ngayon sa kama habang nakahawak sa ulo ko.

"ano ba Win! Tatlong taon na ang lumipas hibang ka parin sa kanya! Wag ka magpaepekto sa panaginip mo okay?"ganito ako lagi kinakausap ang sarili ko after managinip. Lately, Madalas nalang ako managinip ng nakaraan ko,hindi kaya dahil magkikita na naman kami ngayon? Kakaisip ko siguro kung pano ko sya iiwasan kaya napapanaginipan ko sya madalas?

After ko grumaduate ng highschool ay napagdesisyunan ni nanay na sa isang school nalang ulit kami ni kuya magsama para daw may bantay ako. Kahit ilang taon na lumipas ay ganon parin si kuya.. Bata parin kung ituring nya ako. Nakakatawa man isipin at minsan nakakainis ay naiisip ko nalang na sweet si kuya.

Pumayag ako na sa school din ni na kuya ako magaral kasi wala din ako magagawa. Tumanda man ako nandito parin si kuya na asungot sa plano ko. Nang malaman nya na gusto ko sa ibang school magaral ay kinausap nya agad si nanay para wala na akong magawa.


Bumaba ako sa kama at pinagmasdan ang sarili ko, tunay nga yung kasabihan na kapag nasaktan.. Lalong gumaganda. Namayat ako.. As in yung payat ko ay bumagay naman sakin hindi ko intensyon na magpapayat bigla nalang ako nagkaganito. Siguro nakisama ang katawan ko sakin simula nung nasaktan ako. Medyo namuti din ako at straight na straight ang buhok ko na halatang buhay na buhay. Madalas din ako napupuri ng mga kaibigan kong baliw at mga classmates ko na blooming daw ako. Weh? Di nga? Hahaha... kaya unti unti ko din napansin ang pagbabago sa akin.

"ikaw! Magbehave ka ah? First day mo ngayon sa college bilang isang HRM student.wag kang gagawa ng kapalpakan ah?! Pati pag nakita mo si ano.. Ay basta yun na yun.. Wag kang kakabahan ah? Wag matataranta! Hayaan mo lang na parang walang nangyari" kinakausap ko ang sarili ko habang nakaharap sa salamin.

"anak! Kailan ka pa naging luka?" nagulat ako ng biglang sumulpot si nanay sa likuran ko. "nay! Ano ba! Mamatay ata ako sa nerbyos eh!"Maktol ko dito habang tatawa tawa sakin.

"patingin nga ako sa dalaga ko.." at inikot ikot pa ako nito. "hay! Ang laki mo na anak..namimiss ko nung bata ka pa habang karga karga kita" malumay na sabi ni nanay habang hinahaplos ang mukha at buhok ko. "yan na naman si nanay!" yinakap ko naman ito kasi alam ko na naglalambing lang si nanay sakin kahit na araw araw nito akong binubungangaan.

"oh.. Sya magayos kana.. Baka malate ka!first day mo pa naman sa pagiging kolehiyala mo. Naku! Kung nandito lang ama nyo siguradong matutuwa yun!" sabi nito sakin habang nakaupo na ngayon sa kama ko na nakangiti pa sakin.

"opo ma! Atsaka si papa miss ko na po sya.." sabi ko kay nanay habang naghahanap na nga damit ko. "sya.. Magasikaso kana at akoy nagaayos pa ng umagahan nyo ng kuya mo" lumabas na ito ng kwarto kaya nagmadali na ako maligo at magayos bago kumain ng umagahan.

Kumakain na si kuya at nanay ng madatnan ko sila "bilisan mo ng kumain.. Susunduin tayo ni harry" sabi nito habang sunod sunod na sumusubo ng pagkain. Mukhang nagmamadali si kuya kaya inilang subo ko nalang din ang pagkain ko. Saktong katatapos lang namin magtoothbrush ni kuya ng marininig namin ang busina ng kotse ni kuya harry.

"wow! Ang aga nyo ah!"bati nito kay kuya "oh.. Ikaw din pala? Good morning!" napansin nya ako ng kumuway ako sa kanya. "good morning din kuya! Makikisabay na din po ako" sabi ko dito, sa lahat ng tropa ni kuya ay kay kuya harry lang ako hindi ilang kasi naman ang nice nice nya lagi sakin eh.

"magkaiba ang schedule natin kaya bumyahe ka nalang mamaya paguwian na"sabi ni kuya sakin,oo nga pala hindi na katulad ng highschool na nagbabike lang kami ni kuya. "opo! Kaya ko na naman bumyahe magisa pauwi" sabi ko dito habang nakatingin sa labas para pag masdan ang paligid. Wala pa nga pala kaming uniform kaya freestyle kami ng 2weeks.

My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon