Chapter 29❤️💜

22 4 0
                                    

MBB29

Nakarating kami sa school na pangiti ngiti naman ito kaya pagstop na pagstop ng sasakyan sa parking ay nagmadali ako na tinanggal ang seat belt at nagmadali umalis sa kotse sa sobrang kahihiyan ko kanina.

Naglalakad na ako ng bahagya ng mahagip nito ang kamay ko at biglang lumapit sakin “aalis ka agad? Wala man lang bang goodbye kiss?” pangaasar nito sakin kaya winaksi ko ang kamay naming dalawa para matanggal sa pagkakahawak nito “bwisit ka talaga!” mariin na sabi ko dito at naglakad ng mabilis makaalis lang sa kahihiyan na tinamo ko dito. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ito ng pagak na tumatawa na lalo kong kinabilis ng paglalakad.


“bes!” sabay kapit nito sa braso ko. “grabe ka naman! Para akong aatakihin sa pang gugulat mo sakin!” sabi ko dito na naasar.

“anong nangyayari sayo? Bakit ang pula ng mukha mo?!” nagulat ito ng makita ang mukha ko. Tsk! Anong idadahilan ko? Hindi pwedeng malaman nito.. Nakakahiya!”a-ah.. E-ehehe.. Ma-mainit kasi!” nagkakandabulol ako sa harap nito. Napatingala naman ito at biglang humarap sakin at ngumiti. “oo nga noh.. Teka may pamaypay ako dito” at kinuha nito sa bag ang pamaypay at binigay sakin.. Buti nalang naniwala ito sakin. Hays! Ang hirap talaga gumawa ng dahilan pag biglaan!


Pagdating namin ng room parang may concert ng KPop.. Halos lahat korean ang kinakanta mapababae o mapalalake.. Kaya napatawa naman kami ni bes sa mga ito at nakiusisa sa concert ng mga ito.

“oh.. Diba? Ang galing? Ako nagturo sa mga yan!” proud na bungad samin ni joy. Nagkatinginan naman kami ni she at napailing nalang. Ang laki ng impluwensya nito pagdating sa kpop, kahit mga boys nakikisabay din. Jusko! Hahaha..

“oh eto ang lyrics.. “ abot samin ng tig isang papel ni joy. “aralin din ninyo yan para pag pumunta ang BTS dito ay manonood tayo ng concert!” tili na sabi nito samin at bumalik sa mga grupo na kumakanta.



Hala?! Ano kaya yun?

Napabuntong hininga naman ako ng maalala ko na math ang first subject namin. Malulugaw na naman ang utak ko!

Hindi nga ako nagkamali kasi nalugaw na naman ang utak ko. Grabe! Pano kaya napagtatagumpayan ng mga engineerings ang math? Kung ako sa kanila siguro nasuka na ako. Naawa bigla ako kay kuya pero buti nalang at matalino ito..kaya hindi problema nito.

Ngayon ko lang naisip na sina kuya at mga tropa nito ay hindi magkakacourse kaya bigla akong humanga sa samahan ng mga ito na nakakapag get together lagi. Ang naiba lang ng course ay si kuya na civil  at si jesthle na business management ang kinukuha nito at the rest ay architecture ang kinuha.

Habang naglalakad kami papuntang GYM para sa P. E ay tuwang tuwa naman si bakla sa nalaman samin nung absent sya. “grabe naman! Kung ako sa inyo.. Binigay ko na number ko!”kilig na kilig na sabi nito. “kayo naman! Wag na kayo maginarte! Kaya wala pa kayong nagiging jowa eh!” sermon nito samin.

“bakit? May jowa ka na ba kung makapagsalita ka?” supalpal ko dito na kinatawa ng mga kaibigan namin. “ A-ah.. Eh wala nga.. Pero.. Haller! Anong age na natin noh!” sabay irap nito samin.


“alam mo ricardo! Mag aral muna tayo ah! Bago landi!” at inakbayan ni deo si rica. Pilit nito na tinatanggal ang braso ni deo sa balikat nito “alam mo tanggalin mo na ang braso mo kung ricardo lang din itatawag mo sakin!” asar na sabi nito habang naglalakad silang magkatabi ni deo. hindi naman nagpaawat si deo kaya hanggang sa makarating kami ng gym ay ganon parin ang dalawa.


“wow! Ang daming tao!” react ni joy. Kasi halos mapuno ang gym ngayon.. Anong meron? May laro ba ngayon?. Napatingin kami sa mga naglalaro ng basketball ngayon. “hmm.. Interesting!” tudyo sakin ni bes habang nakatingin kay harry at jesthle na naglalaro ng basketball.

My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon