Naalimpungatan naman ako sa mga boses na nagbubulungan kaya pagmulat ng mga mata ko ay napasigaw naman ang mga ito “BES!!!” sigaw nung tatlo na nag-aalala ang mga tinig.
Ano ba nangyari? Bakit ako nakahiga ngayon? Tatayo na sana ako ng mapabalik ako ng higa kasi sumakit ang ulo ko.. Tila naalog ang utak ko.
“wag ka muna kumilos!”
“oo nga! Wag mo biglain ang katawan mo!”
“ano ba kasi nangyari sayo kaninan?!”
Putak sakin nung tatlo, nakakarindi naman ang mga ito! Lalong sumasakit ang ulo ko eh!
“wag kayo sabay-sabay kung magsalita! Lalong sasakit ang ulo nya eh!” nagulat ako sa nagsalita kasi akala ko… kaming apat lang nandito sa clinic.
Napatingin ako sa kanya ngayon na seryoso na nakatingin sakin. Ibinaling ko nalang ang paningin ko ulit sa kanilang tatlo. “a-ano ba talaga ang nangyari?” sa wakas! Nakapagsalita din.
“sa katangahan mo kasi kanina eh! Natamaaan ka ng bola sa mukha!kung ano ano kasing pinagiisip mo kanina! At kung san san ka na katingin!”pagalit na sabi ni kuya sakin.
Ano naman ginagawa ng gunggong nato dito?. Kaya pala masakit ang ulo ko ngayon kasi natamaan ako ng Ano? BOLA?! SA MUKHA?!
“BES! Tama ka ng naiisip ngayon!” sabi ni bakla na kagat kagat ang daliri nito.
“Ahhhhh!!!! Nakakahiya!!!!!!” tili ko. Jusko! Bakit naman sakin pa nangyari yun? Ang dami kayang nanonood kanina samin.. Parang gusto ko maiyak.
“tsk! Ikaw kasi eh! Sabing magfocus ka at makinig ka sakin!” si deo na hinihimas ang buhok na halata mong naawa sakin.
Tinampal naman ni jesthle ang kamay nito na nasa buhok ko na kinabigla naming lahat. Lalo na ako at sinamaan nito ng tingin si deo.
“eh! Kaya naman pala tinamaan sa mukha ang kapatid ko kasi nakikinig sya sayo imbis na magfocus eh!” si kuya na dinuduro si deo.
“kuya! Wag mo nga syang sisihin!” napaupo na ako ngayon sa kama kahit masakit parin kasi baka upakan nito si deo eh! “ nagulat kasi ako sa sigaw nung kaibigan mo kanina kaya hindi ko namalayan na tinamaan na ako ng bola kanina!” pag amin ko sa mga to. Ayaw ko pa kasi lumala kaya inamin ko na.
“pinagtatanggol mo pa ito?!” napatingin naman ako kay jesthle na hindi mabasa ngayon ang anyo at nagwalkout bigla.
“totoo ba yan?! Hindi ba gawa nitong lalakeng to?!” pagkukumpirma ni kuya sakin. “ oo nga po kuya! Yun po talaga ang totoo..” sabi ko dito habang hinihilot ng isang kamay ko ang sintido ko.
“sya! Ayusin mo na ang sarili mo at mamaya ay uuwi na din tayo! Mauna na ako sa inyo.kayo na bahala sa kapatid ko.” malumanay na sabi ng kapatid ko sa amin at umalis na din ito.
“Hayssss!!!! Akala ko mabubugbog na ako ng kapatid mo!” napaupong sabi ni deo na halata mong natakot din.
“akala ko nga makakakita na kami ng instant Panda eh!” sabi ni rica na natatawa.
“hay! Yan na naman kayong dalawa! Tumahimik na kayo!”suway ni she sa mga ito. “ ano? Okay kana ba bes?” tanong nito sakin na nagaalala.
“medyo masakit parin ang ulo ko.. I mean parang nawiwindang parin ako ngayon.” lalo na pag sabay sabay silang naimik.
Nagpahinga ako hanggang sa maguwian habang binabantayan ako ng tatlo. Magkakasama na kaming naglalakad ngayon paalis ng clinic.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend
HumorAre you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt?