*****
Pauwi na ako ng makasalubong ko si kuya harry na nagmamadali. Tumigil ito sa harapan ko na humihingal pa “pauwi ka na ba?” nahangos na tanong nito sakin. “ah.. Eh.. Huminga ka kaya muna?” parang kinakapos kasi ito ng hininga eh. Nirelax nito ang sarili at pinahiran ang mga pawis na tumatagaktak sa mukha nya at leeg. “hoooo….. Yan okay na ako”mukhang kalmado na ito ngayon kesa kanina na parang may humahabol.
“pauwi na sana ako ngayon eh” sabi ko dito. “tamang tama.. Tara hatid na kita?” simpleng sabi nito na nakangiti na. “eh hala! Ano ba nangyari sayo kanina at humahangos ka? May tinatakbuhan ka ba?” usisa ko dito. “sa totoo lang ahm.. Hays.. Kaya ako tumatakbo kanina ay may humahabol sakin.” pinagmasdan ko itong mabuti “oh!!! Wala akong ginawang masama bakit ganyan ang mukha mo? Hinahabol kasi ako nung babaeng may gusto sakin.” mahabang paliwanag nito na parang nagrarap sa bilis.
“ah akala ko naman may ginawa ka ng kasalanan eh! Kawawa ka naman para ka kasing nirerape kanina” sabay tawa ko dito.. Kasi naman ang epic ng mukha kanina yung tipong may humahabol na zombie sa kanya ganern! “tsk! Wag mo naman ako pagtawanan.. Tulungan mo nalang ako na makatakas” pag mamakaawa nito sakin.
“oo na.. Kaya tara na para makauwi na tayo.” sabi ko dito at hindi ko na pa hinayaan na magsalita ito kaya nauna na ako maglakad. “susme! Ayan na sya!” tumabi ito sakin at siniksik pa ang katawan sakin habang tinabihan ako maglakad,nakita ko ang isang babae na hingal na hingal din na halata mo na parang nakipaglaban sa marathon. Palapit na ito samin ngayon kaya binulungan ko ito na “akbayan mo ako dali!” kaya inakbayan nya ako ng mabilisan.
“sino yang kasama mo?! Tinakbuhan mo na naman ako.. Gusto ko lang naman na idate mo ako eh!” sabi nito kay kuya harry na naiiyak na ngayon. “ang tagal ko ng nagantay sayo.. At heto ako hinabol pa kita.. Ganon na ba ako kapangit para ayawan mo?!” tiningnan ko mabuti ang babae kasi hindi naman ito pangit eh… Sa totoo nga lang cute ito sa paningin ko. May ibang nakatingin na samin ngayon “please.. Gawan mo naman ng paraan para layuan ako nito” nagmamakaawang bulong nito sakin.
“ah.. Eh.. Miss.. Ahm hindi naman sa hindi ka gusto nitong lalakeng ito.. Kaya lang may girlfriend na kasi ang taong gusto mo” sabi ko dito in a nice way para hindi ito magwala… nakakahiya naman kung mageskandalo ito ngayon. “g-girlfriend? Sa pag kakaalam ko wala syang girlfriend?” tumahan na ito at napaisip.
“dati yon.. Pero ngayon meron na” sabi ni kuya harry dito, napatingin naman kami dito kasi ang alam ko wala din itong girlfriend.. Atsaka gawa gawa ko lang yung sinabi ko kanina noh! Hindi ko akalain na may girlfriend na pala talaga ito? Hala! Paano naman si bes kung ganon? Kailangan sabihin ko kaagad ang mga nalaman ko bukas na bukas din.
“talaga? Sige.. Kung totoong may girlfriend ka na talaga, ipakilala mo sya sakin para maniwala ako pagkatapos non titigilan na kita.” hamon ng babae dito kay kuya harry. “wag mo ng hanapin.. Kasi nandito sya!” napatingin naman ang babae sa paligid kahit ako pasimpleng tumitingin sa mga babae na nandito ngayon, sino kaya sa mga ito ang tinutukoy nito?
“eto sya oh..katabi ko lang!”napatingin ako bigla sa kanya at nagkatitigan kami habang matamis ito na nakangiti sakin. Oh my god! Feeling ko namumula ako ngayon.. “a-ako?” turo ko sa sarili ko.. “oo ikaw diba?” at tinitigan ako nito na -umoo ka nalang look- na nagets ko naman.
Nakatingin samin ang babae ngayon na naghihintay mg confirmation sakin. “a-ah.. Hehe.. Ano.. Ako nga.. Ako nga ang girlfriend nya” takte! Feeling ko mukha akong nakangiti ngayon na natatae ang itsura. Kung kanina nakaakbay ito sakin ngayon ay hinapit ako nito sa bewang para lalong maconvince ang babae.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend
Hài hướcAre you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt?