*****
ilang araw na din simula ng pumasok ako sa school, unang araw simula ng akoy gumaling ay puro chismisan ang nasa paligid ko akala ko nga wala ng katapusan ang story ng fight of the century namin nung babae.. At hanggang ngayon hindi ko pa ulit nakikita ito. Nalaman ko nalang na nagtransfer ito ng school kasama yung babeng naghahabol kay harry.
Sa totoo lang talaga hindi ko inalam pa ang mga pangalan nito dahil ayaw ko tumatak sa utak ko habang buhay ang mga pangalan nila sakin.
At kung tatanungin nyo kung ano na ang nangyari samin ni jesthle ay wala din akong masasabi dahil simula ng nangyari samin yun… After noon ay hindi ko na ulit sya nakikita at ilang gabi ko din sya iniyakan.. Oo iniyakan talaga! Sino naman kasi ang hindi iiyak sa mga ginawa nya sakin? Siguro ginawa lang nya ang bagay na yun sakin para pag laruan ako. Yun nalang iniisip ko para mas masakit mas madali ko syang makakalimutan, sinasanay ko na nga na nasasaktan ako lagi para pag nagpanagpo kami ulit ay wala na akong mararamdaman pa sa kanya! Kundi galit nalang!
Si harry? Yun.. Todo panggap pa kami. Nice boyfriend naman sya sakin.. Yung tipong nakakatipid ako sa pamasahe tapos nagaadjust sya ng schedule para mahatid at masundo nya ako… PeRfect jowa na sana sya pero para kay she ito at wala akong feelings para dito… mahirap na! Baka masaktan na naman ako ng kagagawan ko din.
“huy! Hello earth? Nandyan ka pa ba?” si joy na kinakaway ang kamay sa mukha ko. Habang yung tatlo ay masama na naman ang tingin sakin. “oh.. Bakit?” tanong ko sa mga ito.
“anong bakit?! Nakaalis na nga si sir pero tulala ka parin! Nakaalis na nga ang mga classmates natin para magpunta ng canteen noh!” mahabang reklamo na naman ni bakla sakin. Hindi ko na naman namalayan na nakatulala na naman ako.. Pagtingin ko sa paligid ko ay kami nalang ang nandito.
“sorry naman oh.. Tara na!” yaya ko sa mga ito para hindi na mainis sakin. “bes? Epekto ba yan ng pagsampiga sayo at pag sabunot? Tulala ka lagi!”tanong ni she habang nakahawak sa braso ko.
“ewan ko ba.. Wag nyo nalang ako intindihin” basta lagi nalang ako natutulala kasi ang daming gumugulo sa isip ko. “tsk! Sabi ko na sayo resbakan na natin yung nanakit sayo eh! Kakaisip mo siguro kung pano ka maghihiganti kaya ka natutulala noh?!” at umakbay pa si deo sakin.
“tss.. Ikaw talaga utak talangka ka minsan deo! Hindi ko magagawa manakit ng ganon noh! Atsaka wala sa isip ko ang maghiganti sa mga yun.. Praning ka talaga!” at tinanggal ko naman ang pagkakaakbay nito sa akin.. Ang bigat kaya ng braso nito.
“oo na sige na! Ang bait mo kasi kaya ka inaabuso minsan! Katulad nalang ng nakikita ko ngayon ang sarap sapakin!” at nakatingin ito sa pwesto nina harry. Nagsamaan naman ng tingin ang dalawa sa isa't isa.. Hays.. Lagi nalang nagaaway ang dalawang ito sa hindi malaman kung anong pinaghahatian lagi!
“oh! Wag mo sabihin na aawayin mo na naman ang fafa harry ko?! Gaganutan na kita!” banta ni bakla dito kay deo at pinanlakihan pa ng mata nito.
“guys! Wala ng upuan.. Pero sa pwesto nila meron pa!” at parehas na nagtatakbo umupo si joy at rica sa pwesto nina kuya. Bwisit talaga lagi ang mga ito! Pano ako makakaiwas kung ang dalawang ito ay hindi nagpapaawat? Napailing naman kaming tatlong naiwan nila kundi sumunod sa kanila.
Buti nalang hindi ko katabi si harry ngayon kasi nasa medyo unahan sya tapos ako naman ay nasa parteng likod. Kaya tuwang tuwa naman si deo habang inaasar ng tingin si harry habang nakain ang mga ito.
Siniko ko ito at sinabihan na tigilan na dahil nakain kami “wag kang magalala kasi naisahan ko yung isa.. Kaya maging happy ka nalang kasi happy ako ngayon” tatawa tawa nitong sabi at kumain na.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend
MizahAre you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt?