*****
“hello? Nandito pa ba si winnie?” sabay yugyog sakin kaya natauhan ako na kasama ko nga pala ito. “ano ba nangyayari sayo? Bago matapos ang foundation day natin hanggang sa magaouting tayo ngayon sa batangas ganyan ka parin. Ano ba nangyayari sayo?” sunod sunod na talak nito sakin. Tinaas ko ang hawak na maliit na lalagyan para magets nya.
“oh em gee.. Bes! Hanggang ngayon hindi mo pa ba ito naibibigay?!” ang tinutukoy nito ay yung graduation gift ko kay jesthle. Simula ng napagdesisyunan ko na kailangan ko na sya iwasan ay lagi nalang ako tulala natapos ang foundation day na hindi ko sya kinakausap o ano man.. Pag may order sila si deo nalang at bakla ang pinapahatid ko. After ng foundation ay final exam then graduation day ni kuya. Umattend lang ako pero lagi ko naman kadikit si nanay para di nya ako lapitan o imikan… pero hindi ko naman iniexpect na iimikan nya ako noh! Kaya nga baka lang naman, tapos baka bigla nalang bumalik yung feelings na halos mabaliw ako sa lalakeng yun.
Hindi ko din naibigay ang regalo ko kasi nung ibibigay ko na sana ay nakita kong magkasama yung babae na may gusto sa kanya at may gusto din ata sya dito? Ang saya saya nya pagkasama yung babae eh.. Na hindi ko naman madalas makita dati kasi puro pagsusungit lang naman nakikita ko sa kanya. Ano naman kasing laban ko kung halos kapatid lang ata ang tingin nya sakin? Anong laban ko kung ang karibal ko ay maganda at matalino? Sige nga! Sabihin nyo sakin kung pano ko pa ipagpapatuloy ang feelings ko sa kanya?!
“huy! Kumpleto na po tayo tulala ka parin!” si rica na pangalawang yumugyog sakin. “tsk! Naku! Ewan ko nga dyan! Kanina pa yang wala sa sarili! Gusto ko na nga sabunutan beks!” naasar na sabi nito kay beks.
“pasensya na.. Gutom lang ako.” pag dadahilan ko sa mga ito. “oh eto na pala sasakyan natin eh.. “ sabi ni deo. Papunta kami sa batangas para ituloy ang plano namin. At take note.. Kasama nga pala si kuya at barkada nya.. Plus gf ni kuya at yung babae ni jesthle. Para ngang sinakto ng tadhana na kasya kami sa van nina she eh.. Tsk!
Magkatabi kaming magkakatropa tapos kasunod na hanay ay yung maglove teams tapos the rest ng kaibigan ni kuya ay nasa likod. Makikita mo na excited ang lahat pero ako lang ata ang parang pinagsakluban ng langit at lupa!
Kinuha ni bes ang sandwiches na ginawa nya para makapag umagahan man lang kami habang nasa byahe. “guys.. Kain muna tayo!” sabay abot nito sa iba pa,kakagat na ako ng tinapay ng makarinig ako ng hindi kaaya-aya.
“eto sayo.. Kumain kana” sabi nito sa malumanay na boses. “hindi.. Busog ako.” simpleng sagot nito pero sa mga tenga ko parang hindi lang simple eh.. Parang ang sweet sweet pa nila! Mga bwisit tong mga ito! Dito pa talaga pumwesto sa likod namin.. Kaya naglagay nalang ako ng headset para makapagconcentrate at hindi makarinig ng kung ano mang salita galing sa kanila lalo na doon sa dalawa!
Hindi ko namalayan at nakatulog ako kung hindi pa ako ginising ni deo.. “win.. Gising na..” tinapik pa ako ng bahagya sa pisnge kaya napamulat ako.isa isa na silang nagsibabaan sa van dala ang mga kanya-kanyang kagamitan kaya nagmadali na din ako sa pagbaba. Kukunin ko na sana ang gamit ko pero naunahan na ako ni deo sa pagkuha kaya hinayaan ko nalang din.
“wow! Ang ganda naman”
“swerte naman natin kasi may rest house na maganda”
“matagal ko ng gusto talaga makarating dito eh”
“ligo tayo mamaya ah?”
Kanya-kanya silang mga opinyon samantalang ako ay nagmamasid parin sa paligid.habang nagaayos sila ng mga gamit ay nandito ako sa may bintana, nakaupo habang nakatingin sa kagandahan ng dagat. “ang ganda ng view noh?” napalingon ako sa nagsalita at pinagmasdan ito. “alam mo gustong-gusto ko talaga ang dagat” habang nagkekwento ito ay pinagmamasdan ko lang sya. Ang ganda nya talaga halos perfect kung titingnan sya at ang bait pa nya kaya hindi maiwasan na magustuhan sya ni jesthle. Hindi sya yung tipong kaaway-away unlike sa ibang mga babae na una palang ay gusto mo na sabunutan agad.. Pero ang isang to.. Hayz! Wala talo na talaga ako.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend
HumorAre you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt?