Chapter 3♥️💜

24 3 0
                                    

Chapter 3

Nagbabike na kami sa school ng magsalita ang kuya ko tungkol na naman kahapon “uy! Winnie the pooh! Wag ko lang mababalitaan na nakikipaglandian ka ah! Kundi ilalaglag talaga kita dito sa bike!” okay eto na naman kami ni kuya.. Parang kagabi lang na paulit-ulit!



“alam mo kuya! Ikaw na nga nagsabi na akoy pangit diba? Ano pa ang pinuputok ng butche mo dyan ah?!” yinugyog ko pa ang balikat nito sa asar ko.  “tumigil ka nga! Baka mamaya mabangga tayo!” kaya tumigil kagad ako sa kakayugyog sa kanyang balikat.


“alam mo kuya.. Nalate lang ako ng uwi kagabi ay ganyan na utak mo! Ano ba sinabi ni ku-kuya jesthle ah?!” hays.. Kakasuka talaga yung tinatawag kong kuya si jesthle.  “ wala naman… nagkwe-kwek ka lang naman kasama yung kaibigan mo na sosyal!” tinutukoy nito ay si she. “tsk!may kotse lang.. Sosyal agad? Hindi yun maarte!di yun katulad ng iba na may kotse lang eh hambog na!” never talaga… matagal ko ng friend si she kaya pinagtatanggol ko sya.



“Whatever! Baka bad influence yun sayo ah?! Humanap hanap kana ng ibang kaibigan!” dahil sa asar ko kay kuya ay kinurot ko ito. “ano ba! Masakit yun ah! Napaka sadista mo! Kaya walang magkakagusto talaga sayo!” asar nito sakin. “HUWAW! kagabi at kanina nambintang na nakikipaglandian ako.. Tapos ngayon sasabihan akong pangit!” irap ko dito na as if naman makikita ni kuya.



“kapatid kita kaya kahit pangit ka… I always care for you!” awww! Ang sweet talaga ng kuya ko… kaya kahit inaasar ako nito nabawi naman minsan yun nga lang may pamumula parin.



“oo na! Bawal palang malate sayo kuya eh! Kung ano ano kasi naiisip mo agad sakin!” sabi ko dito bago ako bumaba ng bike. “Sadya! Kaya patay sakin magkakagusto sayo! iuumpog ko sila sa ABS ko!” matapang na sabi nito habang pinaparada ang bike. “si kuya talaga patawa! Ni wala ka ngang abs! Baka sa buto mo iiumpog kamo!” panlalait ko dito.



“May ABS ako! Gu-” hindi na natapos magsalita si kuya kasi may tumawag pansin samin.


“Win! I'M BACK! MY GAHD! I MISS YOUUUUUU!!!!” parang linta na yumakap sa likod ko si Rica.


“RICARDO! di ako makahinga!” sabi ko dito na tatawa tawa. Napatingin naman ako kay kuya na parang diring diri sa ayos ni rica.


Naagaw pansin naman ng bigla akong pinalo nito sa braso. “grabe ka naman! Sabing RICA EH!” nakasimangot na sabi nito sakin. “oh! Hi! Kuya sean” malandi na sabi nito kay kuya na may pagflip pa ng buhok… As  in feel na feel nya ang headband nya na hello kitty hahahaha….


“a-ah sige! Una na ako sa inyo..”nagmadali magpaalam si kuya at bigla pa itong napatakbo hahaha.. Nagulat ata ito kay rica. “oh my god! Bakit ganon lagi si fafa sean noh? Well! Baka naman kasi inggit lang sya kasi may bago akong headband!”sabay touch pa nito kay hello kitty na kinatawa ko.


“tara na nga! Puro ka talaga kalokohan! Pero beks! Na miss kita!”humarap ako dito at nagyakap kami.


Bigla nalang kami nagulat ng may naghiwalay samin “agang-aga dito kayo naglalandian!” sabay daan saming gitna. As in wow! Ano yun?!



“anung trip ni fafa jesthle? You know what friend.. Parehas silang gwapo ng kapatid mo.. Pero parehas silang weird!” sabi ni rica habang nakatingin kami sa papalayong si jesthle..  Oo nga! Ang weird nya ah!


“pffttt… HaHahahahaha…. Napagkamalan ka atang lalake niya!” tawa parin ako ng tawa. Si bakla naman nakabusangot sakin.



“haller! Anlaki nitong hello kitty ko para mapagkamalan nya akong lalake noh!” nakapamewang na sabi nito sakin. “ maigi pa tayo ng umakyat bago pa ako mabadtrip sa dalawang yun! At ikaw impaktita ka! Tigil tigilan mo na pagtawa mo dyan ah!” sabay kurot nito sakin ng pino sa bewang.



“Aray ah! Masakit yun!tara na nga.. Baklita ka talaga!” magkayapos ang braso namin ngayon habang naglalakad habang nagkekwentuhan pero bigla na naman may humawi samin akala namin si jesthle na naman si she lang pala.


“grabe! Inggit ako sa inyo… ako din!” kaya 3 kaming naglalakad ngayon na magkakayapos ang mga braso.


*****

Nasa room na kaming tatlo habang nagkekwentuhan parin ng dumating si deo.


“yow! Wazzup! Ang aga nyo ah!” sabi pa nito na wagas ang ngiti.

Alam ko magtataka kayo kung bakit ngayon lang nagsulputan ang mga to. Si ricardo este si rica ay gay bestfriend namin na nagbakasyon ng 1week lang naman sa province nila kasi may binisita na lupa ang mga magulang nya… So kung bakit sya kasama? Kasi akala nya makakabingwit sya ng fafabols don.. Eh hindi nya alam kabundukan pala ang pinuntahan ng magulang nya na hanggang ngayon pinagtatawanan namin. Etong guy bestfriend namin si Deo ay absent kahapon kasi masama daw pakiramdam kuno? Tsk tsk! As if naman.. napuyat lang to kakalaro sa computer nya!



“anong acting mo naman deo?! Napuyat ka na naman kakalaro sa computer mo!”si she na pinapagalitan eto.



“sssshhh… wag ka ngang maingay dyan! Marinig ka eh maisumbong pa ako!”sabay upo nito sa tabi namin.



“anong meron at adik na adik ka sa computer mo ah?! Siguro nanood ka ng porn noh?!”sabi ni baklita na kinatawa namin. Si deo naman ay pulang pula.



“Ricardo! Wag mo akong itulad sayo!”asar na sabi nito kay bakla.


“ay joke lang! Rica nalang.. Bati na tayo!” nagpuppy eyes pa to kay deo na biglang nandiri sa tinuran ni bakla.


“ulitin mo pa yun...buong taon kitang tatawagin na RICARDO! hahaha” asar nito. “eh ikaw? Anyare sa bakasyon mo?! Wow ah! 1 week din yun!swerte!” excited na tanong nito kay bakla.


“ay naku! Wag mo na tanungin yan! Bigo ang beauty nya.. Kasi puro puno ang nakita nya! Bwahahahaha” nagtawanan kami lalo.


“napala mo! Puro ka kasi kabaklaan eh! Kiring kiri ka kasi lagi! Yes! Yan ba epekto ng mga puno? May pa hello kitty ka pa!” tudyo nya kay beks..


“tse! Magtigil nga kayo! Palibhasa inggit lang kayo sa beauty ko!” irap nito samin.


“yeah! Tawa lang ng tawa si win oh..” pansin sakin ni deo. “teka! Parang sumeksi ka ng isang kilo ah?!” sabay hipo nito sa 1layer na bilbil ko.


Tinapik ko nga ang kamay nito “ako na naman napagdiskitahan mo ah! Sapakin kita eh!” irap ko dito. Yung dalawa natatawa samin. “ pano walang rasyon na pagkain galing sayo kaya nangayayat yan! Hahaha” si she na nangaasar.

“Hmm.. Hirap pala ng naabsent ako!namamayat ka. Wag kang magalala mamaya bibigyan kita ng foods!” sabay akbay nito sakin na tatawa tawa.


“TALAGA?!” parang musika sakin ang pagkakasabi ni deo kaya ang laki ng ngiti ko. “Aba! Baka naman maisama mo kami?!” si beks na nagpuppy eyes..


“hoy! Magtigil ka! Eh ikaw nga na nagbakasyon wala kang bigay eh! Bwisit na to!” sungit nito kay bakla.


“ay mapanghusga! Sige mamaya wala ka! Bwisit nato!” sabay talikod nito samin.

Inalis ni deo ang pagkakaakbay sakin at pumunta to kay bakla na nagtatampo. “grabe naman to! Di naman mabiro.. Anong pasalubong mo samin?” mala demonyo na ngiti nito habang akbay si beks. “kiss mo muna ako?” sabay turo ni beks sa pisngi nya. “eww! Mandiri ka nga! Pati ako na kaibigan mo tinatalo ako!” sabay tanggal nito ng  pagkakaakbay kay bakla.

“Classmates nandyan na si maam!” sabi ng president namin. Kaya nagkanya kanya kami ng ayos bago pa makadating si maam. Yung dalawa nagaasaran parin hanggang makarating si maam.


Sana hanggang makapagtapos kami ng highschool kumpleto parin kaming apat. Hindi man perpekto ang pagsasamahan namin, mahal na mahal naman namin ang isa't isa.

My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon