Chapter 20❤️💜

17 4 0
                                    

Papasok na ako ng school ng sumulpot sa bahay namin si kuya harry kaya sinabay ako nito papasok ng school. Hindi ko kasabay si kuya kasi tanghali pa pasok nya, hindi din sila magkacourse ni kuya kasi civil engineering si kuya samantalang si kuya jesthle naman ay architecture ang course.

“hmm.. Kamusta ang first day mo kahapon?” tanong sakin ni kuya harry na nakangiti habang katabi ko sya ngayon. Tumabi ako sa kanya kasi ayaw ko na magmukhang driver sya.. Nakakahiya kaya kasi nakikisakay lang ako. “hmm.. Okay naman po. Malayong malayo sa highschool life kasi naman sobrang daming tao tapos kung sino sino pa makakasalamuha ko. Pero mababait naman” sabi ko dito habang nakatingin sa dinadaanan namin. Ngayon ko lang napansin ang gwapo pala nito sa malapitan kaya pag tumingin ako dito feeling ko magbablush ako.

“maigi naman kung ganon! Wag ka masyado maglalapit sa mga boys kasi minsan nanamantala lang ang iba” sabi nito habang nagmamaneho. “grabe! Parehas pala kayo ni kuya! Akala ko kung di ko sya makakasabay ngayon walang sermon ako maririnig hahaha…. MeRon din pala!” asar ko dito na kinatawa din nito.


Natigil lang pagtawa namin ng tumunog ang cellphone nito. “wait lang ah.. May natawag.” kinuha nito ang cellphone sa bulsa at sinagot ito. “hello? Ano? Nasan ka ba? Ah.. Hindi pa naman papunta palang.. Ah sige!” at pinatay nito ang cellphone at binalik sa bulsa.

“okay lang ba kung may dadaanan tayo?” tanong nito sakin.. Syempre oo nalang ako kasi nakikisabay lang naman ako at medyo maaga pa naman. “oo naman po… Maaga pa naman eh” sabi ko dito. “hays! Natanda ako sa pag “po” mo eh.. Wag kana nga mangupo.. Ituring mo lang ako na parang kasing edad mo okay?” Napatingin naman ito sa salamin na hinihintay ang sagot ko.. “h-huh? Ah.. Eh.. Nakakahiya naman kapag may nakarinig na iba.. iisipin nila na bastos ako” pag aalangan na sabi ko dito habang nakatungo.

“nakakatanda kasi eh.. Ilang taon lang naman agwat ko sayo diba? Hays.. Sige na oh..” sabi nito na naka pout, ang cute pa naman tingnan nito. Hays.. Siguro kung ito ang una kong nakilala.. Sya siguro ang magugustuhan ko at hindi si jesthle hays.. Sorry bes! Cute lang ang isang to.. Pero loyal ako sayo kaya di ko ito magugustuhan. “hays.. Sige na nga” nakangiting sabi ko dito na kinangiti din nito sakin.


Tumigil ang kotse sa isang talyer at may nagbukas ng pinto sa hulihan kaya napatingin ako kung sino..

“oh! Pare! Swerte mo at papasok palang ako.. Kasama ko nga pala si win” bati nito sa pumasok sa loob ng sasakyan. Tumingin ito sakin.. Yung tingin na nagtataka, siguro nagtataka ito kung bakit nandito ako sa kotse ni kuya harry? “tsk!” sabi nito at umirap sakin.. Bumaling naman ito ng tingin kay kuya harry “nasiraan ako” simpleng sabi lang nito habang kumportableng nakaupo sabay pikit ng mata.

Tss.. Feeling naman nya gusto ko sya makita? Mukhang may papikit pikit pa ng mata eh kung tusukin ko kaya mata nito?! Tumingin ako kay kuya harry at nagkibit balikat lang ito sabay paandar ng sasakyan nito. May sasakyan na din pala ito.. Siguro si kuya nalang wala sa magkakabarkada?

“anong oras nga pala ang out mo?” napatigil ako sa pagiisip ng magtanong sakin si kuya harry.sinilip ko ang notebook ko kasi nakasingit ang schedule ko dito.. “ahm.. 5:00 ang out ko.” sabay turo ko sa sched ko na sinilip lang nito para iconfirm. “4:30 out ko.. Tatambay lang ako sa library para hintayin ka.” sabi nito na kinabigla ko.

Napatingin naman ako sa salamin ngayon na feeling ko may nakatingin sakin ngayon kaya nakita ko na nakamulat na ito ngayon.. Oo si jesthle.. Si jesthle na iniiwasan ko kaya nakakabadtrip lang na makita ko sya ng ganito kaumaga. Masama tingin nito na kinairap ko naman dito para makabawi. “ahm.. Hala! Hindi kaya nakakahiya sayo?” sabi ko dito kasi hinatid na nga nya ako tapos pati ba naman sa paguwi? “ano ka ba.. Okay lang yun wala naman akong gagawin atsaka 30mins. Lang naman aantayin ko bago ka magout diba? Plus.. Makakaless ka ng pamasahe diba?” nakangiting sabi nito sakin na may kasamang kindat pa. Argh! Ang gwapo nito talaga.. Na kinaiwas ko ng tingin.

My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon