Chapter 10♥️💜

16 3 0
                                    

*****

Nasa gate na kami ni kuya ngayon pero parang ayaw ko na pumasok. Kinakabahan ako na paguusapan na naman ako at pagtatawanan.

“ano? Bakit di ka pa napasok? Tutunganga ka nalang ba dyan?” si kuya na naasar na sa akin.

“e-eh.. Kuya.. Wa-wag na lang kaya ako pumasok?” nag aalangan na sabi ko dito. Eh kasi naman hindi ako kumportable na pinaguusapan lalo na kung kapalpakan ko!

“alam mo.. Kailangan mo din harapin yung mga taong yun. Sa palagay mo ba pag umabsent ka ngayon hindi ka parin paguusapan? Sa palagay mo pag sumapit ang sabado at linggo pag pasok mo ng monday hindi ka parin paguusapan?” sabi ni kuya sakin habang naka Cross arm ngayon.

Kunsabagay tama si kuya… Hahayaan ko na nga lang siguro na malimutan nila ang kahihiyan ko.

“sige! Salamat kuya! Papasok na ako!” napangiti si kuya sa sinabi ko.

Habang papasok kami ni kuya ay panay tingin parin ng mga students na nakatambay at mga papasok na din.

“hayaan mo lang sila… Mananawa din ang mga yan!” sabay gulo ng buhok ko. Samantalang ako ngayon ay kinukumbinsi ang sarili na maging matatag.

“oh! Dito na ako…Gusto mo pa ba na ihatid kita sa classroom mo?” tanong ni kuya pero umiling lang ako at nag wave ng kamay tsaka umalis papunta sa room namin.

Papasok palang ako ng room ay nakikita ko na ang mga tawanan ng ibang students sakin. “oh! Nandito na pala sya eh!” bungad sakin ni jeff ang bully ng section namin. “kamusta ang mukha? Grabe ah! Solid na solid ang tunog ng bola sa pagtama sa mukha mo winnie!” dugtong pa nito at nagtatawanan yung ibang classmates ko na maaga din na pumasok.


Hindi ko sya pinansin at dumiretso ako sa upuan ko para magtulogtulugan nalang.

“wag mo na nga ibully yan jeff.. Alam mo naman na siguro masakit parin ang mukha nyan! Hahahaha” akala ko tagapag tanggol ko na.. Isa pa palang mambubully sakin.

“siguro umalog ang buong mundo nyan kahapon?! Hahaha grabe naman kasi eh!” sulsol pa nung isa.

“problema nyo?! Nasaktan na nga ang tao ganyan pa kayo sa kanya!” wow! Himala napaaga ata ang pasok ni deo.

“tumahimik na kayo.. Nandyan na ang mga so called friends nya! Hahahahaha” at nagtawanan pa sila ulit.

May humaplos ng buhok ko kaya sinilip ko ito si deo nga “hayaan mo nalang ang mga yun.. Kulang lang sa pansin sila!” pag kocomfort sakin ni deo. “thank you talaga ah?” sabi ko dito. “ hayaan mo nanalo naman tayo kahapon eh… Habang wala ka kahapon eh pinagpatuloy parin namin at kasali ka parin sa grades na ibibigay ni sir.” wow! Nanalo pala kami kahit papano.. Akala ko tinigil na nila eh salamat naman pala kung ganon.


Unti-unti ng nagdadatingan ang mga classmates namin kaya medyo gumulo na ang classroom. “oh! Cheese cake.. Comfort food mo” abot sakin ni she “ salamat!” alam nya talaga ang magpapalubag ng loob ko. “ eto naman ang bigay ko sayo.” sabi ni beks habang kinakalkal nito ang bag nya. “wow! Salamat beks!” binigyan lang naman nya ako ng isang balot na marshmallows. Napatingin naman ako kay deo “ah.. Eh.. Wala akong comfort food.. Mamaya nalang sa canteen ah?” sabi nito sakin na kakamot kamot sa batok. “okay lang! Pinag tanggol mo naman ako kanina eh” sabay ngiti dito.

“nandyan na si maam!” announce ng president namin.

Kanya kanyang ayos ng mga posisyon ng upuan at gamit namin. “good morning class! So for today ay wala kayong gagawin o magiging klase!” naghiyawan naman kami. Pati ang ibang room ay rinig namin ang hiyawan. “tigil!” sigaw ni maam na lahat naman ay tumigil “ wag kayong maging masaya kasi may gagawin kayo at alam namin na magiging busy din kayo!” biglang kanya kanyang ungot naman at reklamuhan. “patapusin kasi ninyo ako!nalimutan nyo siguro ang foundation day.. Kaya lahat kayo magiging busy dahil per year level ay may gagawin okay?” lahat naman ngayon ay excited na nakikinig kay maam.


My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon