Pagpasok na pagpasok ko palang sa school ay ang nabungaran ko kaagad ay ang mga matang nakatingin sakin habang mga nagbubulungan. Jusko! Talo pa nito ang nangyari sakin nung tinamaan ako ng bola sa mukha nung highschool ako.
Pagkatapos ako kausapin ni kuya este kami pala ni kuya harry kagabi ay hindi ako nakatulog kakaisip sa mangyayari sakin ngayon. Pasalamat nalang ako kagabi kasi hindi pa nakakauwi si kuya harry at sya na ang nagexplain nang nangyari kahapon. Samantalang ang mga tropa naman nina kuya ay natatawa samin habang pinagagalitan kami lalo na kay kuya harry.. Siguro nga after non ay nabully pa nila si kuya harry.
Flashback
“WINNIE!!” kinalibutan ako sa tawag ni kuya sakin ngayon kaya nag aalangan ako bumaba kasi sinasapian na naman ito ng masamang espiritu pag ganyan ang tono ng pagtawag sakin eh.
“WINNIE!!! WAG MONG GAWIN NA PANGATLO PA ANG TAWAG KO SAYO KUNG AYAW MO NA KALADKARIN KITA DYAN SA KWARTO!!” patay na talaga! Galit talaga ito! Kaya nagmadali ako bumaba.nakatayo si kuya na hinihintay talaga ako bumaba, Katabi ni kuya si nanay at ang mga tropa naman nito ay nakaupo ngayon na natatawa. Samantalang si kuya harry naman ay parang tuta na nakatungo at gulo gulo ang buhok na nito. Anyare dito?
“ba-bakit ku-kuya?” pusang gala! Nagkabulul bulol pa ang pananalita ko. Naku! Mahahalata talaga nito na may ginawa na naman akong kalokohan.
“WAG MO AKO MABAKIT BAKIT KUYA KA! IPALIWANAG MO’TO!” at hinagis bigla nito ang cellphone sa kamay ko buti nalang nasalo ko ng ayos kung nahulog ko pa… Lalong lala ang sitwasyon!
Tiningnan ko ang picture at ang video na nakapost na ngayon sa facebook. Napakagat labi ako kasi hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag to! Napatingin naman ako kay kuya na pulang pula ang mukha sa galit nito sakin pati kay kuya harry kasi pabaling baling lang saming dalawa ang tingin nya.
“ANO NA?!” Nagitla naman ako sa pagsigaw nito. “ku-kuya.. A-ano kasi.. Hay! Pano ko ba ipapaliwanag to! Kuya! Mali to.. Mali talaga!” para na akong maiiyak sa pagpapaliwanag kasi hindi ko alam kung pano ko sisimulan eh!
“Anong mali ito?! Eh kitang kita sa video oh! May mga pictures pa! Ginagago nyo ba akong dalawa?! HAH?!” hala! Sumisigaw na naman ito. Napatingin ako kay kuya harry ngayon na nalilito din siguro kung pano ipapaliwanag. Napatingin ito sakin at tiningnan ko ito na
- ikaw na ang magpaliwanag look-
“BULLSHIT!!! WAG KAYO MAGSENYASAN DYAN! SAGUTIN NYO AKO!” nagitla na naman ako sa pagsigaw ni kuya.
“brad! Mali yang iniisip mo.. Walang kinalaman ang kapatid mo sa nangyari kanina.. Ako talaga ang may kasalanan” nakita ko na itong nakatayo habang nageexplain kay kuya
“EH G*GO KA PALA EH!”
mabilis na nasuntok ni kuya si kuya harry na kinabigla namin nina nanay. Napapunta naman ako dito at agad itinayo “okay ka lang ba?” tanong ko dito na may dugo na ang bibig sa lakas ng suntok ni kuya dito. Tumango lang ito sakin para sabihin na okay lang sya.
“TINATALO MO BA AKO?!MAGKAIBIGAN TAYO AT SINABI KO NA SA INYO NA WAG NYONG PAKIKIALAMAN ANG KAPATID KO! HINDI BA MALINAW SAYO YUN?! KEBATA BATA PA NITO EH! NGAYON MAGPALIWANAG KA!”
“anak huminahon ka at pakinggan sila muna..” agaw atensyon ni nanay na na kinabuntung hininga ni kuya.
“kuya! Mali kasi iniisip mo samin! Pag paliwanagin mo kasi muna sya! Pano makakapagpaliwanag kung sinusuntok mo?!” pagalit na sabi ko kay kuya kasi naawa naman ako kay kuya harry na wala naman ginagawang masama. Kulang lang talaga sa paliwanag si kuya kaya ganito..
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend
MizahAre you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt?