Chapter 24 - The Nobles

977 51 6
                                    

Masaya si Headmistress Mira nang makabalik ang lahat ng ligtas at nasorpresa din siya dahil sa dala ng mga ito. Napatingin siya sa bata na nakatago sa likod ni Ana at saka siya litong napatingin sa kanila.

"Who is she?" tanong niya sa kanila.

"She's Alyana, namatay ang ina niya sa pagsugod ng Black Meister at wala narin siyang pamilya. Napalapit siya kay Ana kaya dinala nalang namin siya" sagot ni Lance. Mangha naman siyang napatingin kay Ana. Hindi niya akalain na sa loob ng isang araw ay may mapapalapit na bata dito. She always thought that Ana is scary na kahit siya ay natatakot din pero nag-iba ang pananaw niya.

"Headmistress, I will take the responsibility of taking care of her kaya sana ay payagan mong tumuloy siya sa dorm ko kahit pansamantala lang" seryosong saad ni Ana kaya napabuntong hininga siya at napatingin din sa bata.

"Nandito na din naman siya kaya sige papayagan kita pero Ms. Fuery, you are busy with studies hindi ba nito maaapektuhan ang performance mo sa pag-aaral?" tanong ni Headmistress kay Ana. Hindi naman nakasagot agad si Ana at napaisip. Hindi niya iyon naisip.

"Headmistress, I will also take the responsibility of taking care of her."singit naman ni Calli.

"We all are actually" segunda naman ni Lance.

Natahimik ang headmistress at malalim na napaisip. Ayaw naman niyang ipadala ang bata sa ampunan dahil nakita niya na malapit ito sa kanila. Hindi na din siya pwedeng umayaw dahil nasabi na niya na pwede itong tumuloy sa dorm ni Ana pansamantala. Ang ikinababahala lang niya ay ang pag-aalaga dito. They are still studying at hindi nila kayang pagsabayin ang pag-aalaga sa bata. Hindi din ito pwedeng isama sa klase nila. She only knows one way to settle this.

"Sabay-sabay ang pasok niyo kaya hindi niyo siya maaalagaan kahit salitan pa kayo pero may naisip akong ideya para manatili siya dito" aniya.

"Ano po iyon?"

"I don't know if this will work, it depends on her" sagot ng headmistress at napatingin sa bata. Takot naman itong nagtago ulit sa likod ni Ana.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ni Calli.

"She can stay here if she will enrol as a pupil in the elementary division. Hindi ko lang alam kung mayroon ba siyang ability or element. Iyon lang ang paraan para makapasok siya doon" aniya at nanlaki ang mga mata niila.

"Mayroon dito nun?"sorpresang tanong ni Calli.

"Oo nga pala, hindi ko naisip iyon. The elementary division. Medyo malayo sa Higher Divison which is dito pero nasa loob parin naman ng Aesthia academy lahat. Mayroon ding Secondary Division, mga edad 12 to 16 ang mga nag-aaral doon. " Sabi ni Fenaia. Namangha naman si Calli sa sinabi niya.

"Seryoso? Ang laki pala talaga ng Aesthia Academy" hindi parin makapaniwala si Calli sa nalaman. Buong akala niya ay sila lamang, from 1st to 6th year students ang tumutuloy sa Aesthia Academy, mayroon din palang mga bata.

"Yup, now kung ieenrol natin siya doon wala na tayong problema"

Nagkatinginan sila at nagkatanguan. "It's good"

"Pwede po bang ikaw nalang ang mag-enrol sa kanya?" tanong ni Ana. Napangiti naman si Mira at napatingin kay Mikael.

"We can leave it to Mikael since her mother is the Head in the Elementary Division"

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon