Chapter 30 - Ayana's inventions

922 40 3
                                    

"SERYOSO talaga kayo?" tanong ni Sayaka sa kanila. Nakangiti silang lahat dala-dala ang malalaki nilang mga bag. Nasa harapan sila ng mansion ni Sayaka at nakalinya pa talaga at naghihintay lang na papasukin sila.

"Yup" wika ni Fenaia. Napatingin naman ang ilang mga tauhan sa pamamahay ni Sayaka sa kanila. Malakas na napabuntong-hininga si Sayaka at sinenyasan ang mga tauhan. Kinuha ng mga tauhan ang mga gamit nila at dinala sa loob.

Masaya namang napayakap si Fenaia kay Sayaka. "Thank you Ate Sayaka. I know we could count on you" Sayaka rolled her eyes and asked someone to open the door fully. Pumasok naman sila doon at namangha nalang dahil sa ganda doon. Galing ito sa ina ni Sayaka na hindi noble pero parang noble na kung tingnan ang mansion.

"Nice house" komento ni Calli.

"Iofi, tell your mother to prepare breakfast. Pakisabi damihan narin dahil marami tayong bisita" utos ni Sayaka sa isang babae na sa tingin nila ay nasa katorse anyos pa.

"Masusunod po Ate Sayaka" anito at umalis na.

"Sa lahat ng oras bakit 5 a.m. pa?" magkasalubong ang kilay ni Sayaka nang tinanong niya iyon. Napakamot naman sa ulo si Fenaia at napalunok naman si Daffodil at Alice.

"Mas mabuti na iyong maaga para maraming oras para magtrain"si Calli na ang sumagot. Napahawak nalang sa noo si Sayaka. Ang aga niyang nagising dahil sa tawag mula kay Fenaia. "And why did you decide to train here in my property?" tanong ulit nito. Tumawa lang ng mahina si Calli.

"We heard that the training gadgets made by the CAPTAIN of theDevereux Crest and Clemence league are all here. We want to try it out. Hindi mo naman siguro ipagkakait iyon sa amin di'ba?" wika ni Calli na diniinan pa ang salitang 'Captain'.

Wala ng magagawa pa si Sayaka. Nasa pamamahay na niya ang mga ito at hindi naman pwedeng palayasin pa niya. "Fine. After Breakfast I will show you the training area"

Napahigh-five si Calli at Fenaia habang napasuntok naman sa ere si Levi at Mikael dahil sa sinabi niya. "Babalik ako sa kwarto ko para matulog ulit. I will have someone to show you to your rooms and just a reminder. Don't break any things here"

Mabilis silang napatango at umalis na nga ito. Ilang segundo pa ay may dumating na ilang mga tauhan at ginabayan sila patungo sa sarili nilang mga kwarto.

"Maraming salamat po" pasasalamat ni Calli sa naghatid sa kanya saka isinara ang pintuan. Nandoon narin ang mga gamit niya at naka-arrange na sa isang cabinet. Napaupo siya sa kama niya at napangiti. Napatingin din siya sa  veranda ng kwarto niya at nakikita niya ang ilang mga ibon.

Maganda ang lugar ni Sayaka at namamangha din siya sa dami ng mga tauhan doon. Parang siya lang ang namamahala ng lahat ng ari-arian ng ina niya na loyal pala sa pamilya nila.

Ilang sandali pa ay lumabas na siya at bumaba na. Wala rin naman kasi siyang gagawin sa kwarto kaya mamamasyal nalang siya at mukhang hindi lang siya ang nakaisip na mamasyal dahil nakita niya si Ana na naglalakad palabas ng Mansion.

"Ana wait!" tawag niya. Napatigil naman si Ana at napatingin sa kanya. Mabilis niya itong nilapitan at tinapik ang braso niya. Sabay silang naglakad palabas at dumeretso sa hardin.

Parang ang palasyo lang pero mini version ang mansion ni Sayaka. "It's beautiful here" komento ni Ana. Calli giggled.

"Yeah"

"Alam mo bang may waterfalls doon sa Palasyo. Your mother made that for mommy" biglang wika ni Calli. Napangiti naman si Ana sa sinabi niya.

"Really? They must really love each other"

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon