Chapter 54 - Aftermath

844 34 2
                                    

Tulalang nakaupo si Fenaia habang inaalala ang mga nangyari dalawang araw na ang nakalipas. Nanalo nga sila sa tournament pero parang natalo narin sila dahil sa hindi nila pagprotekta sa orb. Hindi rin siya makapaniwala sa ginawa ni Ana at Professor Griffith. Biglaan ang nangyari at sino ang mag-aakalang magkasabwat pa talaga ang dalawa.

"Fen, are you okay?" tiningnan lang ni Fenaia si Mikael atsaka ibinalik ang tingin sa kawalan. Wala talaga siyang enerhiya para dumaldal kagaya ng nakagawian.

"Looks like you're not. You know you're sulking won't do anything, right?" sinamaan niya ng tingin ang pinsan saka tinapunan ng papel na nilukot niya.

"Shut up, I'm not"

Napabuntong hininga nalang si Mikael. Alam niyang malapit sa puso ni Fenaia si Ana. Si Ana ang pinakaunang kaibigan niya na talagang kinulit niya ng mahabang panahon hanggang sa bumigay ito pero napunta lang sa ganito. Parang nasayang lahat ng effort niya para lang kaibiganin ito. Ni hind nga niya alam kung bakit gustong gusto niya itong maging kaibigan kahit hindi gaanong kaganda ang ugali ni Ana noong una nila itong makilala.

"Fen, don't worry. The next time we see her we will capture her and asked her why she's doing this. Para naman gumaan ang pakiramdam mo"

Malakas na napabuntong hininga si Fenaia. Napangiti narin siya dahil sa pinsan niyang pinapagaan ang pakiramdam niya. "Thank you Mikael, pasensya na nasungitan kita"

Napangiti narin si Mikael. "No worries, pinsan kita at kapatid na ang turing ko sa iyo atsaka sanay na sanay na ako sa mood niyong mga babae"

Natawa nalang din si Fenaia sa sinabi ni Mikae. " Are you talking about Calli?"

Ngumiti lang si Mikael. "Sino pa nga ba. Paiba-iba ang ugali niya, minsan mabait sa akin minsan naman iritado"

"Well, mukhang first impression last ang dating mo sa kanya"

"What? Ang tagal na nun. May tinatago parin ba siyang galit sa akin?"

Tinawanan lang siya ni Fenaia. Saka lang  niya naalala ang nangyari sa tournament. Hindi niya makakalimutan ang ginawang pagkontrol ni Calli sa tubig na itinapon sa kanya. Gusto sana niyang komprontahin si Calli tungkol doon pero lahat sila ay hindi pa maayos na nakakapag-usap nitong huling dalawang araw.

Masyadong busy ang mga elites at sina Calli naman ay tumutulong din sa pagbabantay sa mga lugar na inaatake ng mga black meisters.

"Our club is starting to go back as it was. Just the four of us" biglang wika ni Mikael.

Ganoon din ang tingin ni Fenaia. Silang apat nalang ang palaging magkasama kagaya noong una. Nakakalungkot pero wala naman silang magawa dahil may pinagkakaabalahan din ang mga kasama nila. May mga responsibilidad narin ang mga ito.

"Yeah, ang saya na sana ng club dahil marami na tayong myembro na kasundo talaga natin pero dumating naman ang panahon na ito. To be honest, I'm expecting this to happen but not this early. The war is our priority now. We can't just have fun all the time."

Sumang-ayon si Mikael sa sinabi niya. "Everything is changing"

"You guys are so serious, give yourself a break" singit ni Levi na kararating lang kasama ni Lance. Napatingin sila dalawa.

"You are done with your league duties?" tanong ni Fenaia. Siya lang kasi ang walang consistency. Kung kani-kanino lang siya sumasama para tumulong hindi katulad ng tatlo na may schedule talaga sa mga league nito at sa elite responsibilty nila.

"Yep"

Tiningnan ni Mikael si Fenaia. Alam niyang bumabagabag parin sa isip nito ang tungkol sa league. Gusto sana niyang sabihin na sumali nalang sa league ng ama nito pero alam niyang gusto ni Fenaia na sumali sa league kung saan kabilang ang ina nila. Mikael also knew how Fenaia admire and Idolize the captain of the Devereux Crest and Clemence league base on the stories told by her mom.

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon