Chapter 20 - Aeras game

1K 51 5
                                    

Wala pang araw pero gising na si Calli at nasa harap siya sa pintuan ng room ni Happy. Huminga siya ng malalim saka kumatok. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at sumalubong sa kanya ang bagong gising na si Happy. Napakunot-noo pa ito nang makita siya.

"What are you doing here? Ang aga pa ah baka may makakita pa sa iyo" anito.

"Kaya papasukin mo ako kung gusto mong walang makakita sa akin" Happy fully opened the door. Pumasok naman si Calli doon at dumeretso sa sofa at umupo.

"What brings you here?"tanong ni Happy at isinara ang pinto.

"I think you know" sagot naman ni Calli. Happy just sigh. "There are many reasons Calli, I just don't know which one so please be specific" Happy went to the mini kitchen and prepared some water and coffee.

"We went to the palace yesterday" natigil si Happy sa ginagawa at napatingin sa kanya. Wala sa sariling napatango siya at iniwan ang ginagawa saka umupo narin sa sofa.

"So you already know" aniya.

"Yes"

"Galit ka ba sa akin?" tanong ni Happy. Umiling naman si Calli. "No, cause I know you have your reason, right? Gusto ko lang malaman kung bakit mo tinago sa amin"

"Well, hindi ko alam kung nakabubuti nga bang itago sa inyo. Kilala ko na kayo. Kung sinabi ko lahat sa inyo gagawa agad kayo ng hakbang. I want both of you to have fun first dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari in the future. Gusto ko rin na kayo mismo ang makakadiskubri ng totoong identity niyo. If I'm not mistaken, Tita Ayana hid the truth from the both of you too. Gusto niya lang kayong protektahan kahit pa nasa ibang mundo kayo. We never know if the black meisters already know where you are kaya nagawa niya iyon"

"I see" Calli undertands Happy's reason. She also appreciate it. Tama din naman ito dahil kung agad nilang nalaman malamang nagkakagulo na dahil sa gagawin nila.

"Alam na ba ni Ana?" tanong ni Happy.

"Nope, she was sick kaya hindi siya nakapunta kahapon" sagot niya. Talking about perfect timing. Nagkasakit talaga ito sa araw kung saan malalaman sana nito kung sino siya.

"Sasabihin mo ba sa kanya?"

"No, just like you I want her to enjoy here first. She's the prophecy everyone was talking about. Ayokong mapressure siya. Hayaan nalang nating siya mismo ang makaalam kung sino ba talaga siya" Calli thinks it's the best thing for Ana. Kung ano sa tingin niya ang nakakabuti para rito ay iyon ang gagawin niya, nila.

"Ate Happy, do we really look like our mother?" napatawa ng mahina si Happy sa tanong niya.

"Very, Ana and the queen could pass as twins and you and Tita Ayana also. Alam mo bang iniimagine ko minsan ang mga reaction ng lahat kapag nakita nila ang totoong itsura niyo"

Natawa at napailing nalang si Calli sa sinabi ni Happy. "Baliw"































TAHIMIK na kumakain si Ana sa canteen nang may umupo sa harap niya. Lihim siyang napairap dahil ang kaklase lang naman niya na isang noble ang umupo sa harap niya. Sawa na talaga siya sa inaakto nito sa kanya. Daig pa nito ang high school bullies eh nasa mataas na antas na sila.

"How's life?" tanong nito sa kanya. Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy lang ang pagkain.

"I'm talking to you lowly commoner" galit pero mahinang wika nito. Blanko niya itong tiningnan.

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon