Chapter 67 - Sealing the totem

646 36 0
                                    

Humihingal habang nakatago sina Daffodil, Alice at Fenaia sa isang malaking generator mula kay Felix na ngayon ay hinahanap sila. Akala nila ay matatalo nila ito ng madali pero malakas pala ito. Wala sa itsura nito ang maging malakas at iyon ang pagkakamali nila, ang husgahan ito dahil sa pisikal na itsura. Kahit ganoon, kailangan parin nila itong talunin pero hindi nila alam kung paano. Nakokontrol nito halos lahat ng bakal sa silid kung nasaan sila ngayon. The room is full of steel and metal and its a disadvantage for them.

"Let's think of something" natatarantang wika ni Alice nang makita ang anino ni Felix na paparating na sa kanila. Napakagat nalang si Daffodil sa kuko nito sa daliri habang tinitingnan ang paligid hanggang sa makita niya ang ilang mga makinang nakakonekto sa isang makina din na lumilikha ng kuryente.

"Let's create fire" biglang wika ni Daffodil. Napakunot noo naman sina Alice at Fenaia na napatingin sa kanya.

"We can't make fire Daf, hindi tayo Fire master" ani Fenaia. Umiling si Daffodil at itinuro ang nakita kaya napatingin doon ang dalawa. "Oh" anang dalawa nang maintindihan na ang sinasabi ni Daffodil.

"But we need to wait for the cancellation of the weapon to finish first. I'll go back to the computer while you guys wait for my signal to destroy that machine. Sana nga lang ay umapoy ito or else we are dead here. This room is made especially for him so he has a high chance of defeating us here. We should not make a mistake" tumango ang dalawa sa sinabi ni Daffodil saka huminga ng malalim.

"I'll distract him so you can go back there" wika ni Alice. Naghanda na si Alice at naghintay nalang na mas makalapit pa si Felix saka siya tumakbo papunta sa ibang direksyon. Agad naman siyang pinaulanan ng matutulis na bakal ni Felix pero mabuti nalang at nakaiwas siya. Tumakbo pa siya at sinundan naman siya ni Felix.

Daffodil made sure that Felix is distracted by Alice and when she saw how distracted he was she immediately run towards the computer. May kung ano siyang pinindot doon at nakita kung ilang porsyento nalang ang kulang para macancel ito. Napamura nalang siya nang makita nasa 60% pa ito. Kailangan pa nilang maghintay ng ilang minuto at hindi iyon maganda dahil baka mapano si Alice.

"Fenaia, we might need to help Alice, it's still far from finish" wika ni Daffodil mula sa earpiece nila. Napamura nalang si Fenaia.

"Stay there and I'll help her" balik na wika ni Fenaia at nakita ni Daffodil na sumugod si Fenaia kay Felix. Hindi ito napansin ni Felix kayo tumilapon ito sa pader. Agad naman ginamit ni Fenaia ang elemento nito kay Felix kaya hindi ito makabangon pero ginamit nito ang mga bakal para isangga sa hangin ni Fenaia. Hindi din nagpahuli si Alice at ginamit ang kanyang sandata at lumikha ng isang matulis na bagay na yari sa tubig. Kinontrol niya ito papunta kay Felix pero sadyang matigas ang mga bakal na ginagamit nito kaya hindi ito napano.

Daffodil tried to help and summoned some puppets. She made a shadow and the puppets went inside it. The shadow then travelled towards Felix without him noticing. While Alice and Fenaia was busy distracting Felix, Daffodil made her puppets appear from the shadows and attacked him. Natamaan sa panga si Felix at dahil sa lakas nun ay napalipad siya sa itaas na sinundan naman ng suntok ni Fenaia mula doon kaya malakas siyang napasalampak sa sahig.

Nanghihinang napatayo si Felix saka sinamaan ng tingin ang mga puppet at si Daffodil. Napalunok naman si Daffodil dahil sigurado siyang siya naman ang susugurin ni Felix ngayon. Sinenyasan niya si Fenaia na bantayan ang computer sa likod niya dahil siya naman ngayon ang kakalaban kay Felix. Tumakbo siya sa ibang direksyon habang pinatatamaan siya ng mga matutulis na bakal ni Felix. Napakagat siya sa labi nang matamaan siya sa braso pero hindi niya iyon ininda at patuloy siyang tumakbo. Mabilis na tumakbo papunta si Felix sa kanya at ginawaran siya ng suntok pero agad niyang kinontrol ang kanyang puppet para sanggain iyon.

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon