Chapter 4 - New friends 2

1.2K 43 3
                                    

Calli

Naglalakad-lakad lang ako habang bitbit ang mga pinamili kong pagkain sa canteen. Hindi na ako doon kumain dahil wala naman akong kasama. Hindi ko kasama si Daffodil dahil kailangan niyang ire-take ang quiz namin kanina kaya eto ako, nag-iisa.

Speaking of naglalakad-lakad, napunta na ako sa 4th and 5th year buildings at ang ganda doon. Hindi na ako pumunta sa 6th year na building dahil nandoon nga iyong nakakatakot na president, don't get me wrong, hindi ako natatakot sa kanya ayoko lang talaga ng gulo. Sa tingin ko kasi ay kapag nagkita kami, gulo ang resulta. Hindi narin ako pumunta sa 1st year at 3rd year dahil nakakapagod na kaya pabalik na ako ngayon sa building na kinabibilangan ko which is 2nd year.

Habang naglalakad nakita kong mayroong nagkakagulo sa tabi ng building namin na mukhang garden pero parang park narin dahil sa laki. Each building has it actually, pahingahan siguro ng mga estudyante.

Dahil sa may pagka-chismosa talaga ako ay lumapit na ako sa nagkakagulo. Nakita kong tinatapunan ng mga earth masters ang isang babae na hindi umiimik. She didn't move, like a frozen potato. Nakayuko lang ito at tinatanggap lahat ng binabato sa kanya. Nagtatawanan naman ang mga bumabato sa kanya. Napailing nalang ako nang makitang hindi lang babae ang bumabato pati narin ang mga lalaki.

Bakit ayaw niyang lumaban?

Naiyukom ko ang kamao ko. I don't like what I'm seeing. Hindi na nga lumalaban yung babae ayaw parin nilang tumigil. Nakakaasar din iyong mga nanunuod lang, wala silang ginagawa dahil mukhang takot. I think I'm gonna make my first decision here. Ate Happy, Ana forgive me for I will welcome trouble with open arms.

Lumapit ako sa babae at ang mga putik na binabato sa kanya ay sinasangga ko gamit ang elemento ko. My dark element is sucking the things they are throwing, it was more like a blackhole.

Nakita ko ang pagkabigla ng lahat. "Tumigil na kayo" mahinahon kong sabi sa mga earth masters pero sinamaan lang nila ako ng tingin. As if I'm scared. Hinila ko ang kamay ng babae at itinayo, nanlalaki naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Alam mo ba ang ginagawa mo?" tanong ng isang lalaking earth master. One of the bullies. I looked at him with my usual smile. "Yes and it's called helping" sagot ko sa kanya.

"The earth masters will have a new victim" dinig ko sa kung sino. I mentally rolled my eyes. At sa tingin talaga nila ay magpapabully ako? Nagkakamali sila, baka nga sila pa ang ibully ko. Hindi nila ako kilala.

"You will be in trouble miss" anang babae na tinulungan ko. Nakita ko ang takot sa mukha niya at konsensya. Konsensya dahil siguro sa tinulungan ko siya at ako na ang pagtitripan ng mga earth masters na'to. "Watch me" I said and smirked.

Muli kong tiningnan ang mga earth masters na nakangisi na ngayon. Huminga muna ako ng malalim and like a speed of light, nasa harapan ako ngayon ng isa sa mga earth "bully" masters. Nanlaki ang mata niya at bago pa man siya makagalaw ay tinuhod ko ang tiyan nito. I grabbed his head and slammed it in the ground. Biglang natahimik ang paligid at alam kong dahil iyon sa ginawa ko. Umatras ako ng kaunti sa lalaking pinatumba ko at tiningnan ang mga kasama niya. I released a small amount of power, enough to scare these bastards and bitches. It's so satisfying to see them trembling in fear.

"Don't do this again, okay?" I sweetly said. Tumango sila at mabilis na kinuha ang lalaking pinatumba ko at nagsitakbuhan. Nagsialisan narin ang ibang mga chismoso at chismosa and I know they will spread the tale, my tale. Wala narin akong pakialam, nagawa ko na ang ginawa ko. I just hope this won't affect our plan.

Muli kong ibinalik ang tingin sa babae na alam kong natakot din. "A-anong ginawa mo?" tanong niya. "Tinulungan kita" simpleng sagot ko. Kinuha ko ang kamay niya at plano ko siyang dalhin sa clinic. May ilang bruises kasi siya at kailangan din niyang malinisan ng katawan dahil puno ito ng putik.

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon