Chapter 28 - Competing for the tournament

906 51 3
                                    

Maingat na naglalakad si Ana habang nakasunod kay Seth. Earlier she overheard Seth and Sayaka talking about the student who went inside the forest. She remembered what Calli said. Mayroong nakatago sa gubat na iyon na gustong makuha ng black meisters. They need to know what thing the Academy was hiding and the only one who can answer their question is the student.

Napadpad na sila sa isang underground na malapit lang sa building kung saan nandoon ang opisina ni Headmistress Mira. Seth went inside a room and Ana can't go in there so she decided to wait outside. She guessed maybe the student is inside. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang coach kaya napatago siya sa isang dulo. Hindi umabot ng sampumg minuto si Seth sa loob at lumabas narin. Magkasalubong ang kilay nito at nagtatagis ang mga bagang. Naghintay si Ana na mawala na sa tingin niya si Seth saka siya dahan-dahang pumasok sa loob. She wasn't surprised when she saw the student but she was taken aback when she saw how beat up the students was. The student was half naked and was tied tightly in a chair too. Blood from his face flowed down in his body. Isinara na niya ang pinto na lumikha ng kaunting ingay kaya napatingin ito sa kanya. Fear is written in his face. "S-sino ka?"

Lumapit pa si Ana sa kanya at umupo sa kaharap na upuan nito. "You don't need to know who I am. May gusto lang akong malaman. Ano ang bagay na nakatago sa gubat?" Ana asked in a monotone. Galit naman siyang tiningnan ng lalaki. Ana's expression didn't change and maintained a blank face. "Wala akong sasabihin sa'yo" madiing wika ng lalaki. Napabuntong hininga naman si Ana.

"I won't forced you. You will willingly tell me everything" napakunot noo ang lalaki at nanlaki ang mata nang biglang nagbago ang mga mata ni Ana. Her eyes became silver and right when he stared at it he instantly became her slave. A slave that will do everything his master would tell him to do. Kahit anong sasabihin ni Ana ay susundin niya because he is under the spell of her eyes. The Order.

"Now, tell me everything you know let's start with the thing in the forest" wala sa sariling tumango ang lalaki saka nagsimulang magsalita.

"Noong araw na pumunta ako sa gubat ay sumugod din ang mga black meister. Ginawa nila iyong diversion para walang makapansin sa akin pero nahuli parin ako. Hindi ko alam kung anong bagay ba talaga ang nasa loob ng gubat pero ang sabi sa akin. Kapangyarihan iyon na makakatalo sa propesiya. Ang makakapatay sa prinsesa, iyon ang sabi ng karamihan pero hindi pala. May iba pang kayang gawin ang bagay na iyon." Napatango si Ana sa sinabi nito.

"Why did you do this?" Tanong ni Ana.

"Wala akong magagawa. Hawak nila ang buhay ko. Kung hindi ko sila susundin papatayin din nila ako"

"I see. Anything else?"

"10 years ago. August 22. A person named Zenny Ruther was killed and another unknown person was captured. Narinig ko lamang iyon noong inutusan akong pumasok dito" nagsalubong ang kilay ni Ana nang marinig ang binanggit nitong araw. That was her birthday and the day her tita mommy died.

Ipinitik ni Ana ang kamay at bumalik ang lalaki sa dati.

"Anong ginawa mo sa akin?" Tanong ng lalaki at halata sa mukha nito ang takot.

"Kusa mong sinabi sa akin ang lahat. Good bye for now and don't worry makakawala ka din sa kanila" tumayo na si Ana at tinungo ang pintuan pero tinawag siya ng lalaki. "Sandali lang!" Muling siyan tiningnan ni Ana.

"Tutulungan mo ako? " He asked but Ana didn't answer. "Hindi basta-basta ang mga kalaban lalo na at kasama nila ang mga traydor" lumakad pabalik si Ana at linapitan ang lalaki.

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon