Chapter 23 - The Kid from Summer Town

953 49 0
                                    

Sumalubong sa kanila ang mga kawal pagdating nila si Summer Town. Halong sorpresa, awa at galit naman ang naging emosyon nang makita ang lugar. Mga umaapoy na mga bahay, mga sirang tindahan at mga mamamayan na nasa daan. Naiyukom ni Calli ang kanyang mga kamao dahil sa nakikita.

"Maraming salamat at dumating na kayo, hindi na namin kayang depensahan pa ang lugar lalo na at marami ang mga Black Meister" bumaba na sila sa kanilang mga kabayo at hinayaan ang ilang kawal na kunin ito.

"Sigurado na ba kayo na sila ang nanggugulo?" tanong ni Lance. Walang pagdadalawang-isip na tumango ang mga kawal.

"Gumagamit sila ng black magic na sinamahan pa nila ng kanilang elemento. Malakas po sila, wala man lang kaming nagawa" malungkot na saad ng kawal.

Nagtagis ang bagang ni Mikael sa narinig. "Black Magic?" biglang tanong ni Calli kaya napatingin ang lahat sa kanya.

"Black Magic, isang mahika na gawa ng tao. Mahikang hindi pinahintulutan ng Divine Enchantresses. It is one of the sacred law in this world. Mukhang ito ang isa sa paraan nila para panlaban sa kapangyarihan ng propesiya. Black Magic allows them to boost their power kaya malakas sila. They are using this magic since 30 years ago, ang panahon ng pagrerebelde ng Black Kingdom" Paliwanag ni Fenaia. Napatango naman si Calli pero hindi nakatakas sa pangdinig niya ang isa sa sinabi nito.

"Isa sa paraan nila? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Calli.

"We are not allowed to talk about that, Sorry" hindi nalang nagtanong pa si Calli tungkol doon pero may pakiramdam siya na iyon ang bagay na nakatago sa gubat ng Aesthia Academy. Maaaring ang nakatagong bagay na nasa Academy ay panlaban kontra sa propesiya at maaari ding mali siya.

"Ano pang ginawa ng mga Black Meister maliban sa pagnanakaw at pagsira ng mga establisyemento at mga bahay?" tanong ni Levi.

Malungkot namang napayuko ang mga kawal sa kanila. "Kinukuha nila ang mga bata. Hindi namin alam kung bakit at wala kaming magawa para pigilan sila. Ilan lang ang nailigtas namin. Hindi rin basta basta lang nagpapadala ng mga kawal pa ang palasyo dahil maaring lusubin din nila ang iba pang mga lugar sa Aesthia."

"Saan nila dinadala?" napatingin sila kay Ana nang magtanong ito. Mukhang nakuha nito ang atensyon niya.

"Hindi namin alam pero kapag umaalis sila ay doon sila sa gubat pumupunta. Mukhang malapit lang doon kung saan sila nagtatago."sagot ng kawal. Napatingin naman sila sa gubat na tinutukoy nito. Medyo may kalayuan ito pero tanaw parin nila dahil malapit lang ito sa may bundok.

Nararamdaman ni Ana ang itim na kapangyarihan doon. Hindi niya alam kung bakit at kung paano niya nalaman pero may hindi tama. Lihim namang napatingin si Calli sa kanya. Calli knows how Ana adores children. Isa ito sa nagpapasaya sa pinsan at alam niyang gagawin nito ang lahat para mailigtas lang sila sa mga kalaban.

"Alam ba nilang dadating kami?" tanong ni Calli kaya napakunot noo sila.

"Hindi" sagot naman ng kawal.

"Good, I have a plan" para silang nanibago sa tono ng pagsasalita ni Calli. She's like a different person. Seryoso ang mukha nito at mga mata nito.

Nagkatinginan naman sina Fenaia, Lance, Mikael at Levi. Kadalasan sa mga misyon nila ay sina Seth at Sayaka ang gumagawa ng plano kaya medyo naninibago sila.

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon