Chapter 19 - The Queen's tears

943 53 2
                                    

Hindi parin makapaniwala si Calli sa nalaman niya. Napatingin ulit siya sa portrait at tinitigan itong mabuti. She's a hundred percent sure now about her and Ana's identity. Hindi lang sila noble, they are part of a royal family. Oswald, is that my father's surname?

Now she knows why Happy wanted them to disguise as someone. Mabibigla ang mga ito kung makikita sila, ang totoong itsura nila.

'If ever you find out just stick to the plan'

She remembered what Happy said to them. She needs to stay quite for the meantime. Kailangan niya ding makausap si Happy sa lalong madaling panahon. She wants to know the truth. Though she knows already who they are, she still need to talk to Happy. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari ilang taon na ang lumipas.

"Are you okay Ms. Elric?" Nag-aalalang tanong ni Professor Griffith sa kanya nang mapansing natahimik siya.

"Y-yes, Professor. Ahm babalik na po ako doon baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Saan po ba ang tamang daan?" Tanong niya.

Itinuro naman ni Professor Griffith ang daan at sinunod niya ito. Nang makarating sa kinaroroonan ng mga kaibigan ay umarte siya na parang wala siyang nalaman na importanteng bagay.

"Calli, where have you been?" Nakapameywang na tanong ni Daffodil sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Naligaw kasi ako eh" sagot niya at pilit na tumawa. She hoped no one would notice the changed of her mood.

"Anyway, punta daw lahat tayo sa throne room. The  former Queen wants to see us"

Muling tumibok ng mabilis ang puso niya nang banggitin ni Daffodil ang dating reyna. Hindi niya alam kung bakit pero natatakot siya na naeexcite na makita ito.

Hinila na siya ni Fenaia at Daffodil patungong throne room. Sumunod naman sa kanila si Alice. Nakita niyang nandoon na ang lahat ng mga estudyante, mukhang sila nalang pala ang wala doon.

Calli roamed her eyes everywhere pero wala siyamg nakitang reyna.

"Where is the queen?" Tanong niya.

"Paparating na siguro" sagot ni Fenaia sa kanya. Tumango lang siya. Hindi naman siguro halatang gusto niya itong makita.

Ilang sandali pa ay may mga kawal na nagbukas ng malaking pintuan at doon iniluwa si Freid Kingsley kasama ang isang magandang babae na karga-karga si Amelia.

Calli's eyes widen as she stares at the face of the woman. She also felt a warm liquid in her eyes. Pinunasan niya agad iyon dahil baka may makakita pa sa kanya at magtaka. She calmed herself but deep inside she wanted to burst out her tears.

Habang nakatitig sa babae ay hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman niya. Magiging masaya ba siya o malulungkot. Habang nakatitig siya ay mayroon siyang napansin sa mukha nito. The woman's eyes is so sad yet she was still smiling.

"Grabe no, ang bata paring tingnan. Parang nasa 20's lang" bulong na komento ni Daffodil.

Napatawa naman si Fenaia. "That's Tita Amanda for you" Napatingin si Calli kay Fenaia.

Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung makita niya ang totoong itsura ni Ana?

"Students, pay respect" Yumuko silang lahat at bumati sa babae nang makaupo na ito sa trono at ganoon din ang asawa nito.

"Magandang hapon din sa inyo" bati din nito.







Calli

Parang kaharap lang namin si Ana. The queen really looks like her. From head to toe, kamukhang kamukha talaga sila. Parang teenager lang din sila kung tingnan. Ganino nga siguro dito sa Aesthia. Even the headmistress looks so young. Parang mga ate lang namin sila kung tingnan.

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon