Calli
Nakatutok ako sa sarili ko sa salamin at huminga ng malalim. Ito ang totoong ako, walang wig, contact lens o kahit na anong makeup para matakpan ang totoo kong itsura. No more lying, no more secrets. I admit, I found myself get used to the look of Calli Elric but now I am Callissa Marie Oswald.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok at ilang sandali pa ay bumukas iyon. Pumasok doon si Ana at Ate Happy saka isinara ulit ang pintuan. May dala silang pagkain at paborito ko lahat ng mga iyon.
"Bumalik ka nga sa higaan mo at magpahinga lang" sabi ni Ate Happy.
"Okay na ako Ate Happy" sabi ko.
"Are you sure?" tanong pa ni Ana. Tumango naman ako. Nilapitan ko sila at kinuha ang pagkain saka bumalik sa higaan ko at umupo. Dito nalang ako kakain dahil wala namang mesa sa kwartong ito.
"Oo nga pala, ilang oras akong natulog?" tanong ko. Pagkagising ko kasi ay umaga na. Dahil wala namang orasan dito ay hindi ko alam kung ilang oras akong natulog.
"Almost 11 hours, I think" sagot ni Ana na hindi sigurado. That's long. I never expected I would pass out last night. Siguro dahil narin doon sa first contact ko sa totem at sa pagod. Iyon ang sabi ni Mommy. Me, Caden and Calliope actually felt the same. Hindi lang nakayanan ni Calliope ang sakit.
"Okay na ba ng lahat?" tanong ko.
"The demons are still outside the barrier and the Black meisters are still causing trouble. Kahit pa muntik na silang matalo kagabi ay umaatake parin sila." Wika ni Ate Happy. Good thing our plan worked, the orbs really did protect us from the demons. Now I want to know what's our next move. Since mommy is here, I'm sure she's already planning something.
"You know what Calli, we are thankful you passed out last night?" my forehead creased when Ana said that. Why would she be thankful I passed out?
"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Kasi kagabi diba nag-aaway sila dahil sa pangalan nating magpipinsan. When you passed out they started panicking and stopped fighting." Aniya. Napailing nalang ako. Hindi ako makapaniwalang nag-aaway talaga sila kagabi dahil sa pangalan namin. We had a serious situation and all of them was fighting just because of our names. Crazy family.
"How is Calliope by the way?"
"She's fine now, she's with your other cousins" mabuti naman. Para talagang pinipiga ang puso ko kagabi. It was really painful. Mabuti nalang at nawala din kalaunan. Mukhang iyong iba rin naming pinsan ay naramdaman iyon pero kinaya parin nila at tumulong parin kagabi.
Binilisan ko na ang pagkain ko at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na ako at nagstretching pa. I can hear my bones cracked and it felt so good. "Let's go" sabi ko.
"Shouldn't you rest a bit more?" sabi ni Ana at halata sa boses niya ang pag-aalala.
"I am fine, don't worry"
"If you say so then let's go meet them at the fields. Mukhang halos lahat ay nandoon" wika ni Ate Happy.
Umalis na kami doon at lumakad kami patunong fields. Habang naglalakad ay saka ako may naalala. "Ana, nag-usap na ba kayo ng magulang mo?" tanong ko. Umiling naman siya.
"What? Why?" I thought she will talk to her parents.
"Nang mahimatay ka ay dinala ka namin doon sa clinic. I stayed there until I fell asleep" aniya. So she's with me the entire night? I'm touched.
"Kaninang umaga, maaga kang gumising diba?" tanong ko.
"I went to the dorm and changed my clothes and then I cooked some food after that I fell asleep again" aniya. Akala ko ba gustong gusto niyang makasama na ang pamilya niya bakit parang umiiwas pa siya? She's just spitting reasons to avoid them.
BINABASA MO ANG
Ana
FantasíaSi Ana ay parang isang blankong papel. Wala kang makikita kahit na ano sa kanya maliban sa walang buhay niyang mukha. She was a jolly and a happy girl once but an unfortunate night happened. Hindi na ito ngumingiti at kung ngingiti man ito ay sa har...