The long break is over. Mahigit tatlong linggo din silang nanatili sa mansion ni Sayaka at natapos na nga ito. They are now ready for the Grand Element Tournament. Pagkabalik palang nila sa academy ay ramdam na nila ang tension sa pagitan ng mga grupo. There are many banners, small or big, inside the academy and each element group has one. Katulad noong festival, may ilang mga stalls narin ang nakahanda doon.
"Tomorrow is the day" huminga ng malalim si Alice. She's really nervous. Who wouldn't? Almost all girl participants are nobles and she's just a commoner. Tinapik siya ni Calli sa likod kaya napatingin siya dito.
"Don't be nervous. Your 3 week training will be paid off. Just trust yourself and give us a good fight" ani Calli. Napangiti naman si Alice at tumango.
"Other schools will visit and all noble family league will be here watching. I'm sure maraming tao bukas. This event is one of the most anticipated event every year" wika ni Fenaia. Calli was looking forward. She wanted to meet the members of her mother's group. She already met some but she wanted to meet all of those who stayed. Who knows, maybe, someday, she will work with them in the future.
"Let's walk around the academy. I'm sure marami na namang pagbabago" Daffodil suggested. They all agreed and walked together. Marami nga talagang nagbago katulad noong festival. Marami ding desinyo doon. Karamihan din sa mga kulay ay mga kulay ng elemento nila.
As they roam around, they saw a group of people walking towards them. "Oh, the elites are here" wika ng isang babae at tumaas pa ang isang kilay nito.
"Oh the brat is here" balik din na wika ni Levi. Nagsalubong naman ang kilay ng babae at akmang susugod pero pinigilan ito ng isang lalaki na kahawig nito.
"Stop it Megumi" pigil nito. "But Saito" sinamaan lang siya ng tingin ng kapatid.
"Make sure you'll entertain us tomorrow and I hope you'll not disappoint us. We wouldn't want to battle a weak person for the Aesthian Element tournament" wika pa ng isang babae. Medyo napangiwi naman si Calli sa inasal nito. May pagkamayabang kasi.
"She's right, weaklings" wika ng babaeng tinatawag na Megumi. Napataas naman ang kilay ni Ana at Calli sa huling sinabi nito.
"Show us some respect Megumi, matanda parin kami sa inyo" wika ni Lance. Inirapan lang sila ni Megumi at nagmartsa papalayo. Sinundan naman siya agad ng kapatid niya.
"See you tomorrow" sabi pa ng babaeng mayabang sa kanila at umalis narin pati na ang ilang kasamahan nito.
"Who the fuck are they?" tanong ni Ana sa malamig na tinig. Matalim din ang tingin nito sa papalayong grupo na iyon.
"A-ah, iyong si Megumi at Saito, sila iyong kambal na kapatid ni Ate Sayaka. Iyong isang ambisosya naman ay si Karen, galing din sa isang noble family. Iyong noble family na trying hard. They always say na mas malakas daw sila kesa sa ibang noble family and they always claim that they are better than the Devereux and Clemence. They came from a different school, exclusive only for noble families." sagot ni Fenaia. Napatango naman si Ana.
"What about the Aesthian Element Tournament na sinabi niya?" tanong ni Calli. Marami palang tournament sa Aesthia at hindi niya iyon alam. Marami ng event sa Academy palang nila mismo pero hindi niya akalain na mayroon pa pala sa labas ng Academy.
"Parang Grand element tournament lang pero ang mga kalahok ay sa iba't ibang school na nandito sa Aesthia. I think there are more than 10 schools in Aesthia pero hindi lahat ay sumasali sa Tournament." sagot naman ni Lance. She smiled secretly, another goal for her.
"Paano sumali?" tanong ni Ana na hindi parin nagbabago ang mood nito simula nang kinausap sila ng mayabang na babae. Napalunok naman sila dahil sa talim ng tingin ni Ana. Inakbayan naman siya ni Calli. "Calm down Ana. Magfocus muna tayo sa Tournament natin ngayon. We both want to kick their asses but that's for later, okay?" napabuntong hininga nalang si Ana. "Fine" wika nito.
BINABASA MO ANG
Ana
FantasySi Ana ay parang isang blankong papel. Wala kang makikita kahit na ano sa kanya maliban sa walang buhay niyang mukha. She was a jolly and a happy girl once but an unfortunate night happened. Hindi na ito ngumingiti at kung ngingiti man ito ay sa har...