Parang gusto ng lumabas ng puso ni Daffodil dahil sa kaba. Unang beses niyang sumali sa paligsahan at iba pala talaga ang pakiramdam na siya na mismo ang lalaban. Sanay siya na isa sa mga sumisigaw at nagchi-cheer sa mga manlalaro pero ngayon ay isa na siya sa mga kalahok.
Nasa harapan sila ngayon ng maraming tao kasama ang ilang mga kalahok mula sa iba't ibang paaralan na nasa Aesthia. Seryoso ang mga ito at hindi man lang ngumingiti.
"Sa lahat ng tao na nandito ngayon, mga professors sa iba't ibang paaralan, students, nobles welcome to the Aesthian tournament. I would also like to acknowledge the presence of the elders who made time to visit us today!" nagpalakpakan at nagsigawan ang mga tao.
"This tournament will be a 3 day tournament na paglalabanan ng Aesthia Academy, Elite School of Lalweth, Maeginns School of Elements, Academy for Ability Users, Flebury Institute of Magic, ........" there are 12 participating schools and every school has 16 participants including both gender. Marami nga talaga sila ngayon na maglalaban. Less chance of getting the last place.
"This is so cool" bulong ni Calli kay Daffodil. "Magrelax ka nga" dagdag pa ni Calli nang mapansin na parang hindi na gumagalaw si Daffodil sa kinatatayuan nito.
"I'm trying pero hindi mawala ang kaba ko. I feel like I need to go the the restroom" wika ni Daffodil. Malakas namang tinapik ni Calli ang likod niya kaya nanlaki ang mata niya at sinamaan ito ng tingin. Mukhang hindi na nga iyon tapik kundi sapak na.
"Ang sakit nun, gaga ka." Daing niya.
"Pero nawala kahit kaunti ang kaba diba?" Daffodil noticed right after Calli said that. Nawala nga talaga ang kaba niya dahil napalitan iyon ng sakit.
"Yeah, Thanks"
"Don't worry, kung sinabi kong mananalo tayo, mananalo tayo" anito at nginitian siya ng misteryoso.
"Calli, tinatawag lahat ng captain sa gitna para sa oath" mabilis namang naglakad si Calli sa gitna at kasama niya ang iba pang mga captain na nandoon. Hindi tumagal ang oath taking nila at mabilis na bumalik sa kani-kanilang mga grupo.
"Now that everything is ready, let's get this tournament started but before that I would like to ask each team to go to your designated places for this tournament"
Pumunta na sila sa isang maliit na parang veranda na inihanda sa bawat team. It looks like a big booth designed for each team. Makikita nila lahat ng mga laro at kahit mga tao ay nakikita nila dahil nasa pinakataas sila ng Arena. May mesa, upuan at mga pagkain din na inihanda doon.
"For our first game, paramihan ng makukuhang gem sa bawat halimaw na kakalabanin. Choose your representatives now and proceed to the center"
Nagkatinginan sila at nag-usap kung sino ang lalaban. " Gusto niyo bang ako na ang mauuna?" tanong ni Calli.
"Let's see first kung sino ang representative ng ibang schools and we will decide" suhestyon ni Daffodil. Sumang-ayon sila at naghintay ng kaunti. Nang makita nila kung sino ang lalaban sa Elite School of Lalweth ay saka sila nagdesisyon kung sino ang lalahok.
"I'll do it." Wika ni Calli. Si Karen Belefort ang lalahok kaya gusto ni Calli na siya ang lalahok. All of them agreed since they don't know what tricks Karen has and if she really has they are sure Calli will notice it and will make it through.
Bumaba na si Calli at pumunta sa gitna kasama ang ilang mga representatives. Wala namang nararamdamang kakaiba si Calli kaya confident siyang magiging maayos ang performance niya. Aside from the sharps looks from Karen, she hasn't notice any cheating yet.
BINABASA MO ANG
Ana
FantasiaSi Ana ay parang isang blankong papel. Wala kang makikita kahit na ano sa kanya maliban sa walang buhay niyang mukha. She was a jolly and a happy girl once but an unfortunate night happened. Hindi na ito ngumingiti at kung ngingiti man ito ay sa har...