Maraming scientific theories na sumasagot sa katanungang:
Saan nga ba nagmula ang universe? Ngunit, ang pinaka sikat na teoriya ay ang tinatawag na teoriya ng malaking pagsabog o mas kilala sa Ingles na Big Bang Theory. Hindi ito ang Korean Pop Band na Big Bang, kundi ito ay isang scientific theory ng sinaunang pagkakabuo o pinagmulan ng kasalukuyang uniberso. Sinasaad sa Big Bang Theory na ang universe ay nagmula sa isang masikip at napakainit na estado, at ito ay lumalawak na naging sanhi ng malamig na klima ng universe. Ngunit, sa paglawak din nito, ay nagbigay daan ito sa pagkabuo ng bilyon-bilyong galaxy.Ang Earth o ang mundo ng mga tao ay nasa isang galaxy na tinatawag na Milky Way galaxy. Ngunit, isa lang ang solar system na kinabibilangan ng Earth sa bilyon-bilyong pang galaxies na nabuo ng dahil sa big bang.
At sa kaisipang iyan, ay nabuo ang idea na mayroon pang isang Earth like planet, o isang planeta na kagaya ng Earth sa ibang galaxy, nabuo rin and idea na mayroon ding mga tao sa ibang galaxy, or worst mas advance pa sa mga tao.
Mula sa mga idea na 'yan ay nabuo ang study about the "Parallel Universe".
Ang parallel universe, ay isang dimension na nasa iisang space kasama ang earth o ang mundo ng mga tao. Ngunit, dahil nasa ibang dimension ito, it remains invisible in science and human eyes.
Dahil din sa parallel universe ay naisipan ng mga scientist na maaring may mga dinosaurs sa harapan mo ngayon habang nagbabasa ka or nanonood ng tv, o mayroong ibang nilalang na katabi mo ngayon, na hindi mo nakikita. Pwede rin na sa mundo ng mga tao ngayon, ay hindi pa mabatid ang cure ng cancer, eh doon sa ibang dimension or universe ay nabatid na nila ang cure sa lahat ng mga deadly diseases and viruses. To make it more clearer to you, another example is that kung si Elvis Presley ay matagal ng wala sa mundo, ngunit sa mundong iyon ay buhay na buhay pa siya ngunit isa siyang chef at hindi isang sikat na celebrity.
Sa pag aaral tungkol sa Parallel Universe, ay nakapag come up ng Idea ang mga scientists na mayroon tayong kaparehong solar system at may posibilidad na mayroong multiple copies ang earth.
At dahil diyan, posibleng mayroong another you o another me sa ibang dimension and there are assumptions that they maybe actually beside us or even within us.
Isang theory ang sumusupporta sa posible existence ng Parallel Universe. Ito ay ang M Theory. Na base sa mga researches, ang meaning ng M ay pwedeng magkahulugan ng Magic, Mystery and Membrane (n. a pliable sheetlike structure acting as a boundary, lining, or partition in an organism). M theory proposes that we all live in a giant and energetic membrane, and that our universe is attached to a wall via invisible extra dimension, to make it more complicated, M theory proposes na ang ibang mga dimensions ay napakaliit at isang dot lang ang pagitan mula sa ilong.
Pero bakit nga ba hindi nakikita ang ibang dimension?
The best example to that is; you go fishing at isipin mo na ang sea bed ay isang other dimension, at ang mga isda sa ilalim ng tubig ay nasa ibang dimension rin at hindi nila alam ang iyong existence, maliban kung makipag-ugnayan ka sa kanila at matamaan mo ang isang isda sa ulo.
BINABASA MO ANG
ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)
Science FictionHindi lahat ng bagay may katotohanan, yung iba ay kathang isip lamang. Pero paano kung ang lahat ng ito ay mapunta sa realidad? Ikaw kaya'y makaligtas? Napadpad sa hindi inasahang mundo. Kakaiba sa lahat, hindi maipaliwanag. Sayang bigla na lamang...