Masama ang gising ko ngayon dahil sa nangyari pa rin sa'kin kahapon. I know, I shouldn't be thinking about it. But, the chismis is spreading faster! Hindi pa naman siya umaabot sa Facebook, pero sana hindi na umabot!
FINDER
Unknown sent you a message.
Ang kapal ng mukha niyong makipag date sa boyfriend ko! 19 ka palang pero mukhang na train ka ng maging kabet!
Naningkit ang mata ko. My father didn't raise a war freak. But, my father didn't also raise a loser! This woman actually owes me an utang na loob. Tinutulungan ko na nga siya para hiwalayan niya yung boyfriend niyang uto-uto, pero ako pa pinupunterya niya.
FINDER
xynahatesyou replied at your message.
Hello, gurl! I only have three things to say. First of all, you're so boba. Why are you attacking me when in the first place, I helped you na? Second, I already gave you an advice to dump your trash boyfriend, bakit hindi mo ako sinunod? Last but not the least, ang boba mo, okay. Don't attack me or else, wala ka ng house bukas.
I blocked her. This is one of the main reasons why I don't enter a relationship. Lagi kang nagiging bulag at tanga para lang sa pagmamahal. Kahit na gawin na ang seven deadly sins diyan sa harap mo at kahit makipag apir pa kay Satanas sa sobrang sama ng ginagawa, pumipikit pa rin.
It was just a prank lang pala when I said that I am going to uninstall Finder, because I realized... why should I stop doing it just because of that cheater? Makakahanap pa rin ako ng better guy, ano.
I was left alone in our house since my father owns a huge responsibility for his people. Mabuti na lang pwede pa akong maiwanan sa bahay ng hindi nagiging abo ito.
Niluluto ko ang bacon ngayon nang biglang may kumatok sa gate namin. Hininaan ko muna ang stove at sinilip kung sino 'yon. It was Elisa! Anong ginagawa niya rito umagang umaga?
"What's up?" Pagbati ko sa kaniya.
Nang makalapit ako sa kaniya, nagulat ako dahil mukha na siyang mumu. Nangingitim ang mga dark circles sa ilalim ng mata niya.
"Xynah," She suddenly cried like a baby.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?! Stop crying like a baby! I'm not a babysitter!" I told her and invited her para pumasok sa loob. Pinuntahan ko naman ang bacon ko at luto na ito. Kumuha ako ng plato para sandukin ito.
Ang niluto kong bacon ay tama na para sa'kin. Pero, ibibigay ko na lang ito kay Elisa dahil mukhang mas kailangan niya.
"Xynah, Gino broke up with me..." Panimula niya.
Inilagay ko ang plato na may kanin at bacon sa harap niya at pinantaasan siya ng kilay. Who the fuck is Gino? Parang kahapon lang may Simon siya ha?
"Who's Gino? Don't tell me you cheated on him, Elisa. Kilala mo ako. I hate cheaters!"
"What?! No!" Suminghot pa siya. Kumuha ako agad ng tissue sa kwarto ko at binalibag sa kaniya.
"Huwag kang suminghot! Kita mong may food sa harapan mo!" Pagtataray ko.
I am very conscious especially sa hygiene. This may sound clichè but health is wealth.
"He broke up with me earlier. Mga 5 AM. Wala pa kaming 7 hours bilang magjowa, pero hiniwalayan niya na agad ako!" Umiyak siya at kumuha ng tissue.
"What the hell, Elisa? Nakahanap ka na agad ng boyfriend?! Dapat inaway mo muna yung nahanap mo sa Finder!"
Matindi 'tong si Elisa. Daig niya pa ako dahil nakahanap na agad siya. Pero, ako itong kakaaway ko pa lang sa ibang mga tanga diyan sa paligid, stressed na stressed pa ang inabot ko.
"Bakit ko aawayin 'yon? Siya naman nagbayad ng mga pinamili natin kahapon,"
I rolled my eyes. Sabi na nga ba eh. She won't get mad at someone kahit gawaan pa ng kung anong katarantaduhan, basta mabilhan lang siya ng damit!
Umabot kami ng hapon na puro kwento lang siya sa nangyari sa kaniya. Paulit-ulit na nga, but I still chose to comfort her, because no one else will do it aside from me. Paano ba naman kami magkaka friends pa kung binansagan na kaming mga plastik?
Maybe, true yung mga sinasabi nila. I admit that I am a plastic. Sila rin naman ang dahilan kung bakit ganoon ako makitungo sa kanila! Ang akala nila, sila ang inaaway ko, pero hindi nila alam na alam ko ng binabackstab nila ako.
"Elisa, tumawag na ang kuya mo. Kanina ka pa niya hinahanap. Anong sasabihi--"
"Ang kapal talaga ng mukha ni Gino. Hayup siya!" Halos wala na siya sa sarili niya. Sobrang bilis niyang ma attach. Same lang din naman kami, pero mas mabilis akong maka get over.
I need to send Elisa home. Ayaw ni Daddy ko na nakikihalubilo ako kay Elisa dahil unang una, kalaban ni Daddy ang tatay niya. At pangalawa, bad influence raw si Elisa sa'kin. Naniniwala siya sa tell me who your friends are, I'll tell you who you are.
Nang may bumusina na sa gate namin, alam kong kuya niya na 'yon kaya itinayo ko siya para alalayan at inabot siya sa kuya niya. Ang gwapo talaga ni Kuya Damian! Crush na crush ko 'to ever since!
"What happened to you, Elisa?" Napakunot ang noo niya nang makita ang gulong gulong buhok ni Elisa. Siya, nakatingin lang sa kapatid niya, pero ako, nas starstruck sa kagwapuhan niya.
In behalf of Elisa, ako na ang sumagot sa kaniya. Inilagay ko muna ang iilang takas ng buhok ko sa likod ng tenga ko.
"Uhm, Kuya Damian, medyo brokenhearted lang si Elisa dahil sa isang subject niya," Nagpapabebe pa ako sa harap niya, pero kahit crush ko itong Kuya ni Elisa, hindi ko siya ibubuko.
"Why? Did she fail a subject?"
"No naman, Kuya. You know Elisa... sobrang sipag niya kaya mag-aral. Medyo na hurt lang siguro siya sa result ng midterm exam nila," I convinced him. Hindi niya pwedeng malaman na ang kapatid niya ay nagkakaroon na ng maraming flings, dahil baka sumama lang din ang reputasyon ko sa kaniya.
Minsan minsan na lang nga kami nakakagala ni Elisa dahil pina stop ako ni Daddy ng isang taon. Pero, secret lang namin ni Daddy 'yon. Walang pwedeng makaalam na nag stop ako.
He only nodded at me. I waved my fingers to say goodbye. Nang masara ko na ang gate namin, todo talon talon ako. Oh my gosh! Kung uto-uto lang ang kuya ni Elisa, I should've hit on him a long time ago na!

BINABASA MO ANG
Love in Bangketa
RomanceKANTOBOYZ SERIES #2 - Sa pagkatagal tagal na unrequited love ni Maximo Colt Fablo sa kaniyang kaibigan na si Maria Magdalena Burkot, akala niya ay hindi na ito magtatapos. Ngunit, nang dumating ang panahon na nasaktan ito, doon na siya nakasigurado...