11

219 13 1
                                    

I woke up so early in the morning just to have an exercise. Simula nang makalipat ako rito, doon ko lang naalala na hindi na pala ako masiyado nakakapag exercise. Masarap pa naman magluto si Manang Tina. I might lose my shape if I won't have an exercise.

"Hija, saan punta mo?" Salubong ni Manang nang makababa ako.

"I'll just take a jog, Manang. Exercise po,"

Nagtaas ito ng isang kilay. "Mage-exercise ka pa? Fit na fit ka na nga," Tinuro niya ang outfit ko ngayon. I was wearing a sports bra and dolphin shorts, with a cycling underneath, of course.

"You call this fit, Manang? I am about to lose my shape na nga," Tinuro ko ang mga bilbil kong maliliit. Napailing na lang siya. She reminded me to go home before 7 pm.

I wore my pink rubber shoes. I was about to pick the black one. But, I realized that the color of my nails and  dolphin shorts won't complement if I will wear the black one. Nilakad ko ang park kung saan ako unang dinala ni Aezy. This park was quite spacious, you will actually see some people who also do their exercise. May iilang nagd-date lang pasimple.

Why would they make this place a dating place, anyway? Dapat sa medyo private sila nagd-date. Napangiwi ako nang makitang nagkukurutan ang dalawang mag nobyo sa gilid ko. Sinusubuan pa nila ang isa't isa ng fishball. The girl looked so happy.

Nag stretching muna ako sa gilid bago ako mag jog. It is very important to stretch your bones muna bago mag exercise. Kahit hindi naman heavy exercise ang gagawin ko, still I don't want to go home na ika-ika.

After the five minutes warm-up I did, nakisama na rin ako sa mga tumatakbo. I left my hydro flask in an area that I, only know. Hindi pa ako nakakaisang buong ikot sa pagj-jogging, I noticed children playing at the playground, too. May iilan ding nilalakad lang nila ang mga aso nila. I suddenly remembered my puppy. I was 14 when my Daddy gave her as a present to me. But, after two years, she passed away. We only had an ample amount of time, but I was happy when I was with her.

The way she wiggled her little tail at me still makes me smile whenever I try to reminisce it. Hindi na ako nagpabili ulit ng tuta pagkatapos no'n. It will just leave me devastated kung mawawala ito ulit. I don't want to shed tears anymore. Isa pa, malaki na rin ako.

Naka walong ikot ako sa park. Napagdesisyunan ko pang mag squat at arm exercises bago ko namalayan na lumubog na ng tuluyan ang araw. Ang mga taong masayang nasa park kanina, umuwi na pala. Tanging ang ilang lang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag sa buong park ngayon. Binalikan ko ang hydro flask ko, uminom ako rito habang pinupunasan ang sarili ko ng towel. I am proud of myself. I miss the feeling of burning in my legs.

Nilakad ko ang daan pauwi sa bahay nina Tito Gerard. Good thing, I can now go home even without Aezy. Hindi ko siya pwedeng dalhin na lang kung saan-saan dahil baka maulit pa na napagalitan siya. If my Daddy was strict, Tito Gerard was times two strict.

"Pst, Miss,"

"Uy, ganda,"

"Sexy mo, Miss. Lika, sama ka sa'min,"

I tried to ignore them because I wasn't sure if I was the one they're pertaining to. Pero, nang sumipol na sila, I started to feel uncomfortable. Tumayo pa ang isa mula sa pangi-inom at nilapitan ako. Binilisan ko ang lakad ko, pero bago pa ako makalayo, hinawakan na nito ang braso ko. I shivered.

"Nako, ang arte mo naman. Ba't ka nanginig sa hawak ko?" A stranger asked. Amoy na amoy ko ang alak sa bibig nito na parang sinaluhan ng pulutan. Tumayo na rin ang dalawa at nilapitan ako.

"Fuck you! Bitawan mo 'ko!" I pinched him, but he didn't let go of my shoulder.

"Bibitawan kita kung sasama ka sa'kin. Ano, tara? Masisiyahan ka sa gagawin natin," Nagtaas baba pa ang kilay nito. I wasn't raised dumb not to get what he meant.

"Ang sexy pa. Mukhang galing jogging 'to, ah. Medyo pawis pa. Pero, mabango pa rin," The other guy went near me and tried to sniff my hair, and that's where I lose my patience, I punched him directly in his face.

"Fucking bastard! Manyak!" Tumakbo ako palayo sa kanila. I felt my adrenaline being triggered. I couldn't look back because I could still hear their footsteps behind me. I am sure that they're still following me! Muntik na akong madapa nang may tricycle na sumalubong sa harap ko. Napayuko ako at doon na bumuhos ang luha ko.

"Hoy, bakit ka umiiyak?" A familiar raspy voice asked me. For a sudden moment, parang nabuhayan ako. May kakilala ako. Inangat ko ang tingin ko at sumalubong sa'kin ang mukha ng lalaking nasa bangketa. Puno ang mata niya ng pagtataka at... pag aalala?

"Miss, teka lang, hindi pa tayo tapos mag-usap, ano ka ba," Agad na pumunta sa harap ko ang lalaking taga bangketa.

"Anong problema niyo?"

"Inaano ka ba? Umalis ka riyan. Hindi ikaw kausap namin. Miss ganda, saan kana? Yuhoo," Sumipol pa ito. Mas lalo akong napapikit.

"Umuwi na kayo kung ayaw niyong umuwing bali ang leeg niyo," Pagbabanta ng lalaking nasa harap ko.

"Ka ano-ano mo ba 'yan? Nagpapanggap naman yata 'to e,"

"Girlfriend ko 'to. Kaya mawalang galang na dahil mukha kayong may mga misis na. Umuwi na kayo, kung ayaw niyong isumbong ko pa kayo sa baranggay,"

"Sus. Girlfriend daw. Eh kakahinto mo lang nga sa harap niya!" Asik pa nito.

"Sinusundo ko siya. Pwede na? Umalis na kayo!" Tugon nito. Ilang sandali pa, wala akong narinig na pagu-usap. Dahan-dahan kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. Takot na takot ako kanina. I don't even know what to fucking do next!

"Okay ka lang ba?" He faced me. He towered me over. Hanggang bibig lang niya ako. Titig na titig siya sa ekspresyon ng mukha ko. But, I didn't bother to look away. Hell. Bahala na kung isipin niyang pala iyak ako. What happened to me was certainly scary!

"Do I look okay to you?" Pambabara ko.

Huminga ito nang malalim. Walang nagsalita sa'ming dalawa. Up until now, I am still shivering. My mind's buffering. Tila hindi ko pa mawari kung ano ang dapat kong gawin.

"Sakay," Aniya. Tinaasan ko siya ng kilay. Does he mean...

"Oo. Sa tricycle ko. Hahatid kita," Sabi nito na para bang nabasa niya ang katanungan sa isip ko.

"I can manage to go ho--"

"Pagkatapos ng nangyari sa'yo, tingin mo magkakaroon ka pa ng lakas ng loob para umuwi mag-isa? Hindi ka nga halos matigil sa panginginig. Pumasok ka na,"

"K-Kaya ko. Wala na naman sil--"

"Sakay sabi. Huwag ka ng makulit," Wika niya na para bang Tatay siya na pinapagalitan ang anak na sumakay. Wala na akong magawa. Medyo malapit na rin naman ang bahay nina Tito Gerard. Pero, may dalawang kanto pang dapat lakarin. Sumakay na ako sa loob ng tricycle niya.

May iilang mga nakalagay na kahon dito sa loob. I also noticed that there's a box at the top of his tricycle, too. Pero, nagkasiya pa naman ako sa loob. Itinigil niya ang tricycle niya hindi masiyado kalayuan sa bahay nina Tito Gerard. Bumaba na ako at nagpasalamat nang hindi siya tinitignan.

Akala ko'y aalis na siya kapag nakababa na ako, but he didn't even start his engine! What is this guy trying to play?

Hinarap ko siya. "Bakit hindi ka pa umuuwi?"

Umangat ang gilid ng labi nito. "Aalis ako kapag nakasiguro na akong nakapasok ka na sa loob ng bahay niyo,"

Hindi ko siya pinansin at nilakad ko ang distansya sa bahay nina Tito Gerard. Narinig ko pa ang tricycle nito sa pag alis.

It was damn scary and traumatizing, but thanks to him.

Love in Bangketa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon