As soon as we got home, I tried to erase everything that happened in that Bangketa. Walang kaalam-alam si Aezy sa nangyari. Whenever I close my eyes, I could still see their deadly glares! Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa kung saan ang kinakatayuan ko no'n!
"Hey, Xynnah. You looked pre-occupied. You okay?" Aezy asked me. I smiled and nodded at her, even though I wasn't really sure if I was okay! Mukha na siguro akong natatae sa harap niya! She landed her gaze back on her laptop while I continued nail polishing my growing nails. I decided to choose the color pink, pero hindi yung pink na sobrang baduy na tignan. Naglagay pa ako ng minimal na design.
Nang matapos ako, inangat ko ito at tinapat sa langit. Blue-pink. They actually matched! Pinatuyo ko ito habang may tinatype lang si Aezy sa kaniyang laptop.
I started to imagine if I didn't start to rebel before. Maybe, what makes Aezy busy will make me busy, too. But, sooner, I realized that it was better, because I had fun naman.
"Manang, did you call me raw?" Bumaba ako nang magising ako. It was already late breakfast na at malapit na mag lunch.
"Oo, hija. Papatulong sana ako sa'yo," Ngumiti ito habang may hawak na mga... malunggay? Alam ko na kung ano ang ipapatulong niya. Binigay niya ang mga ito sa'kin at tinuruan ako kung paano himayin 'tong malunggay. What the freak. Medyo nahiya ako. Ang easy lang himayin ng malunggay, pero parang kinder ako nang turuan ako ni Manang.
"What are you gonna cook, Manang?"
"Magti-tinolang isda ako. Nagrerequest sila Sir ng sabaw e,"
I went near her and watched her as she cleaned the fish. She was thoroughly washing the fish in the running water. When she noticed that I was looking at her, she smiled.
Kinuha niya ang sibuyas, bawang, kamatis, at luya. Ginisa niya 'yon. It made my stomach growl. Sinunod niyang timplahan ito at nilagyan ng katamtamang tubig. She waited until it boils, nilagay niya na ang isda. Manang Tina was doing it expertly.
"Hija, pakiabot naman ang Malunggay,"
Ibinigay ko ito sa kaniya. Hinalo niya ito nang malapit na matapos ang niluluto niya. After a half an hour of cooking, Tito Gerard entered the house. But, I guess, he wasn't the only one who entered because I heard him talking to someone.
"Pasuyo ako. Paki-ayos ang lamesa, Xynnah," Manang Tina asked a favor. Kinuha ko naman ang mga placemats na ginagamit namin tuwing kumakain. Nilagay ko ito roon.
Since the dining area's near the living room, I was now certain that he was not alone. He was talking to a man. Hindi na ako nag abala pang silipin kung sino 'yon.
"Uh... Xynnah. Pakilagyan ng extrang placemat," Ani Tito Gerard. I nodded and put an extra placemat. It occupied Aezy's seat dahil nga naga-aral ito ngayon. Ilang sandali pa ay may dala si Manang Tina na platong may kanin at ng niluto niyang ulam. Nang matapos kami sa paghahanda ni Manang Tina, pumunta na rin si Tito Gerard at Auntie Rona sa hapagkainan habang kasama ang... what the hell?!
When our eyes met, he immediately grinned. Siya na ang nag-iwas ng tingin agad. I suddenly wanted to punch him right in the face... again. Ang higpit ng pagkakahawak ko sa pitsel.
"Hijo, upo ka rito," Inimuwestra ni Auntie Rona ang pwesto ni Aezy. Nilapag ko ang pitsel ng tubig sa hapagkainan. Medyo napalakas pa ito dahil sa glass ang pitsel pati na rin ang lamesa. Tito Gerard looked at me and furrowed his eyebrow. I only apologized.
"Pasensiya ka na at ito lang ang ulam namin ngayon. Nirequest ko rin kasi kay Manang na ito ang iluto,"
"Ayos lang po, Sir. Hindi naman po ako pihikan,"
"Xynnah, nasaan ang mga baso? Nagdala ka ng pitsel, pero walang baso," Asik ni Auntie Rona. Bago pa ako makakuha, naabutan ko si Manang Tina na may dala ng mga baso. Umupo na ako. Anong ginagawa niya rito? Gusto ko na agad siyang sampalin habang nakikita ko siya sa harap ko.
Nagsimula na kaming kumain. Abalang-abala pa sina Tito Gerard sa pagpapakain sa lalaking 'to. He was acting all shy! Ang pretentious! Kulang na lang nga tignan niya ang mga pagkain na parang hindi siya nakakain ng isang linggo.
Sumandok na rin ako ng kanin pati ng ulam. Muntik ko nang tampalin ang kamay niya nang magkasabay kaming kunin ang serving spoon. Siya na mismo ang nagpa ubaya na dapat lang!
"Matagal ka na bang gumagawa ng mga nasirang tubo, hijo?" Panguusisa ni Tito Gerard. I thought he was a full-time snatcher! Plumber din pala 'tong siraulo na 'to.
"Opo, Sir. Medyo matagal-tagal na rin,"
"Mabuti na lang. Kasi, yung dating taga gawa namin ng nasirang tubo, may duty pala hanggang sa mga susunod na linggo. Sabi-sabi naman diyan ay masipag kang magtrabaho. Medyo matagal nga kitang nahanap dahil ang sabi-sabi'y nagsi-sideline ka raw sa bangketa," Sambit ni Tito Gerard. I almost puked my food. I wanted to sigh heavily! Hindi na nga tinantanan ng isip ko ang nangyari sa bangketa, naalala ko na naman dahil kay Tito Gerard!
I was eating silently, but I could see in my peripheral view that he was looking at me while Tito Gerard was saying that. Nag angat ako ng tingin. Nagu-usap na ngayon si Auntie at Tito.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Stop looking, you fucker," I mouthed. Ngumisi lang ulit ito at umiling-iling. I gritted my teeth.
Natapos kaming kumain na puno pagtitimpi lang ang ginawa ko. I went upstairs and decided to take a bath. It took me an hour bago pa ako natapos. Lumabas na ako pagkatapos ko at nag bihis ng pambahay. Saktong natapos akong magbihis, someone was throwing pebbles at my window! I suddenly felt the irritation crawling. Binuksan ko 'yon at naabutan ko ang lalaking naghahanap pa ng maliliit na bato. How did he know that this was my room?! Oh my god! Nagsimula na akong kabahan.
"Stop throwing small rocks o isusumbong kita kay Tito!" Sigaw ko rito. Medyo malayo siya ng kaunti sa bahay nina Tito, pero ang pagbato niya ng mga bato'y umaabot pa ng bintana ko.
He didn't stop and threw pebbles again. It almost hit my face, but thank god, I dodged! Tumatawa pa ito. What the fuck is this guy's problem?! May saltik ba ito sa utak?!
"Go home, you asshole! Ang childish mo!"
"Warfreak ka naman!" Tumawa muli ito at nagbato ulit. Halos puno na ng maliliit na bato ang kwarto ko.
"Magnanakaw! Umuwi ka na!"
Kumuha ulit ito ng bato at binato sa bintana ko. He has been throwing pebbles for god knows how many times already! Gusto ko siyang banggain ng kotse!
"Lintik lang walang ganti!" Tugon niya. Sa inis ko, pinakyuhan ko siya mula sa magkabilang kamay! Bago pa niya 'yon makita, si Tito Gerard ang naabutan ko at nakapameywang ito sa'kin!
Lumagpas ang tingin ko at nakita kong pasimpleng naglalakad na palayo ang lalaking 'yon! Nakapamulsa pa ito.
Just... what the fuck.

BINABASA MO ANG
Love in Bangketa
RomanceKANTOBOYZ SERIES #2 - Sa pagkatagal tagal na unrequited love ni Maximo Colt Fablo sa kaniyang kaibigan na si Maria Magdalena Burkot, akala niya ay hindi na ito magtatapos. Ngunit, nang dumating ang panahon na nasaktan ito, doon na siya nakasigurado...