"Giovannah, I am dead serious right now. This is your last chance! If you are not going to take your life seriously, pasensiyahan tayo anak, hindi ko na alam kung anong pagdidisiplina ang kaya kong ibigay sa'yo," Napahilot si Daddy sa sentido niya habang pinapagalitan ako ngayon.
I just had a few drinks with my someone. Had a little fun with some boys. Unfortunately, something bad happened. Parang napasukan ng hangin sa utak ang kasama ko kanina sa bar at nakipagbasag ulo just because someone is trying to hit on me.
While they were fighting, I didn't even dare to stop him. Even the bartenders were trying to convince me to stop the guy from making a mess. Napapairap lang ako e. Why would I stop him? I mean, it's his fault, okay. Not mine. Hindi dahil magkasama kami, I also have to take responsibility. Landi landi lang kami. Kasalanan niya ng pikon siya dahil umaakto siyang kami kahit hindi naman.
"Daddy, please, believe me this time. Hindi ako ang nagkalat, Daddy. You don't need to take responsibility for his action," I am still convincing my Daddy to stop overthinking.
Namromroblema siya sa perang binayad niya sa mga nasira ng lalaking 'yon. Napaka kapal talaga ng mukha! Gagamitin pa ang pangalan ko at sasabihing jowa ko siya. Halatang matakaw sa money.
"I already did, Giovannah. You way too late," Aniya at umakyat na lang habang umiiling iling pa rin. His eyes were tainted with disappointment.
Maaga akong nagising para makapag work out. Pumunta ako sa malapit na gym sa'min habang dala dala ang bike ko. Naka dolphin shorts lang ako ngayon at sports bra. Napapalingon na ang mga lalaki sa'kin pero hindi ko sila pinapansin.
Habang sineset ko ang treadmill, may biglang lumapit sa'king hindi ko kilala. Alam ko na ang intensyon nito.
"Miss, may boyfriend ka na?" Pagtatanong nito sa'kin. Sinuot ko na lang ang airpods ko at nag jog na. Nakatingin lang siya sa'kin habang tumatakbo ako. He creeps me out!
Sa gilid ng mata ko, nakikita ko siyang may sinasambit sambit. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya dahil hindi ko nga siya naririnig. But, this time, he crossed the line, because while I was running in the treadmill, he touched my butt!
I lost my patience. Feeling ko naging dinosaur ako sa ginawa niya. Agad ko siyang sinapak sa mukha niya. Napadaing naman siya sa ginawa ko.
"May saltik yata itong babaeng ito! Bigla akong sinapak!" Pinalaki yata itong hindi dumaan sa Good Morals and Right Conduct. He acted as if he was the victim when people were staring at us! Kukuha pa 'to ng simpatya sa iba, huh?
"You dipshit! Matanda ka na, pero sinungaling ka pa rin! Paano mo naaatim manghipo ng pwet, ha?!" Sigaw ko sa kaniya at pinaghahampas pa rin siya. Lumalayo layo na siya sa akin pero hindi ko pa rin siya tinitigilan.
"Ano kamo? Hinipo ko pwet mo? Bakit ko hihipuin 'yan?! Hindi nga malaki 'yan eh!"
"You motherfuc--"
Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, isang kurap ko pa lang ay nasa sahig na ang lalaking kausap ko habang dumudugo ang ilong niya. Serves him right tho!
Pero, dumapo ang tingin ko sa lalaking sumuntok sa kaniya. And there I saw Kuya Damian, still clenching his fist while having uneven breathing. I could feel his gigil at him!
"Putangina mo, kakatapos lang ng bagong taon, manyak ka pa rin!" Asik ni Kuya Damian sa kaniya. Hindi ako oportunistang babae, pero feel ko, ito na ang tamang panahon upang kunin ang oportunidad!
I held Kuya Damian's jersey and hid behind him, mocking that ugly guy. I even raised my middle finger at him. Hindi nakatakas sa pang amoy ko ang mabangong amoy ni Kuya Damian. Ang bango ng crush ko!
"Yabang mo! Hindi ka naman kasali, nakikisali ka!"
Napaismid ako nang sumagot pa ang lalaki. Wow, where did he get the audacity to answer him?!
"Syempre, makikisali siya kasi boy--"
"Kapatid ko itong binabastos mo, pare! Tarantado ka! Nakita ko ang lahat!" Napasinghap ang lahat nang sabihin ni Kuya Damian 'yon. But, I am more shocked when he told everyone that he is my Kuya. What the hell? I am supposed to tell them that he is my boyfriend!
Humupa na ang away nang hablutin ng mga nagbabantay sa gym ang lalaki matapos makipag usap ni Kuya Damian sa kaniya. This is the only opportunity that I didn't want to grasp anymore. Napasimangot ako.
"Hey, Xynnah. Don't frown anymore. Gusto mo pa bang sampahan 'yon ng kaso?" Lumapit si Kuya Damian sa'kin pagkatapos niyang makipag usap doon sa lakaki.
I am not frowning because of that guy. I am frowning because he told them that he was my brother! Argh! I can't get over with it! I may look overreacting, pero bakit brother? So, it means, he only sees me as his little sister? Just like how he sees Elisa?!
"Hindi na kailangan. Thank you, Kuya Damian," Diniinan ko pa ang pagtawag ko sa kaniya ng kuya at ginawang sarkastiko. Pero, napakamanhid niya dahil wala siyang ibang sinagot. He only patted my head as if I am his puppy.
Iniwan niya ako saglit at pagkabalik niya, nakita kong may dala na itong varsity jacket. Ibinigay niya ito sa'kin.
"You can finish your workout session now. Wear this when you go home,"
Ngumiti ako ng pilit at tumango sa kaniya. Tinuloy ko na lang ang pagw workout ko. I am gonna tweet this one and I will vent out everything to twitter.
Kuya Damian is my long time crush. He has been my crush for three years. Hindi ko lang magawang magpapansin sa kaniya dahil kay Elisa. Gigil na gigil akong nag workout at nagpapawis. When will he see me as a lady, tho? Maybe, I should ask him someday if how he finds me. If he finds me pretty... Or what, so I could adjust.
After working out, I already showered and wore his varsity jacket. It smells like him. Pero, nagtatampo pa rin ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Love in Bangketa
Roman d'amourKANTOBOYZ SERIES #2 - Sa pagkatagal tagal na unrequited love ni Maximo Colt Fablo sa kaniyang kaibigan na si Maria Magdalena Burkot, akala niya ay hindi na ito magtatapos. Ngunit, nang dumating ang panahon na nasaktan ito, doon na siya nakasigurado...