"Omg, Xynnah! What took you so long? Ang tagal kong naghihintay dito! Naka ten na on the way ka na, pero ni anino mo, walang lumilitaw!" Iritang sambit ni Elisa habang hinihintay niya ako sa bukanan ng mall.
"Really? Did I say on the way ten times na? Nagf-fail kasi ang text message sa'kin! I thought hindi siya nase-send kaya inuulit ulit ko i-send," I said with a convincing tone. Kahit ilang beses na akong nagpapalusot kay Elisa, mabuti na lang at hindi niya ako nabubuko.
While I was taking a bath earlier, napaka moody ng water! May times na hihina, may times na lumalakas. Hindi ko alam kung may nakaharang na bang frog sa tubo namin at baka iniinom niya yung mga 'yon!
"I thought unlimited ang load niyo? Maybe, you're running out of load na, Xynnah!" She concluded.
"No way! Hindi kami mauubusan ng load,"
I called the waiter to order a cold drink. Napagisipan naming mag Mall ngayon to shop for some clothes and to of course, chitchat with some boys na tinawag niya.
"Xynnah, have you seen this dress? It's so pretty, omg! Kailangan kong maghanap nito dito!" Masayahing sabi niya habang pinapakita ang isang sheath dress.
Napangiwi ako. Even though I am always with Elisa, our taste about fashion is completely different from one another. Elisa likes warm colors, but I like neutral ones.
"That's too ugly, Elisa! Sobrang plain!" Asik ko. Sakto namang dumating na ang order ko.
"You're too blunt, Xynah! Ang ganda kaya ng color!"
I shrugged and just sipped on my cold drink. Isa pang pagkakaiba namin ni Elisa, she likes conservative clothes. Pero, ako, mas gusto ko yung medyo sexy, because you know. I am a blessing to every man. And they must see what kind of a blessing God has bestowed them.
"Elisa, saan na ang mga boys na nakita mo sa Finder?" Halos yelo na lang ang nasisipsip ko sa inumin ko, wala pa rin sila!
Finder is a dating app. Obviously, we use it to catch some boys. Pwedeng natitipuhan namin. Trip trip lang. Or, yung mga boys na pwede naming mabola ng pera.
"Naglalakad na sila sa likod mo, Xynnah. You're too impatient kasi!" Kinuha niya ang sling bag niya habang nakatingin sa likuran ko. Kinuha ko na rin ang purse ko, tumayo at tumingin din sa likod.
To my surprise, konti na lang ay magdala ako ng isang rice cooker na punong puno ng kanin dito because these guys are a freaking dish!
"Xynnah, your saliva! Kadiri ka naman! Don't make it too obvious that you've been wanting to eat them," Siniko ako ni Elisa. I rolled my eyes at her and touched my chin. Omg, akala ko nagbibiro lang siya! May konting saliva nga ako!
Kumuha ako agad ng tissue sa purse ko at pinunasan ito. Nakikita ko na ang nakausap ko one time sa Finder. I'm sure ito na yung guy na 'yon!
"Hi! Are you Gabriel?" I approached the tall man in front of us. Hindi ko pinansin ang kasama niya dahil yun ang bet ni Elisa.
He only nodded at me and he didn't even bother to greet me back. Although he was tall, I could sense that he was very timid! Bakit ganito siya? Noong nagchachat kami, kulang na lang nga lumabas siya sa screen ng phone ko e!
Elisa and the other guy are already starting to chitchat. Pero, kami ni Gabriel, wala man lang progress!
Papasok na kami sa isang clothing store at kasama ni Elisa na maghanap ang isang guy. Medyo inunahan ko si Gabriel para hanapin ang gusto kong damit.
Tumingin ako sa mga tank tops. Kinuha ko ang isang tank top na nakakuha ng atensyon ko. Gabriel was behind me. Pinakita ko ito sa kaniya habang tinatapat ito sa katawan ko.
"What do you think of this one, Gabriel? Sa tingin mo, bagay sa'kin?" I tried to smile seductively. Pero, iniwas lang niya ang tingin niya at nag thumbs up sa'kin. I frowned.
"Ang pangit na pala. I won't take this anymore," Pagpaparinig ko pa. It was useless tho. Hindi niya ako pinansin.
Ang ending, I only waited for Elisa and her guy sa labas ng clothing store. Hindi ako tumabi kay Gabriel dahil galit ako sa kaniya. Nakakairita siya! Does he even know the word "pakikisama"?
Elisa was laughing with that guy nang lumabas sila. Ang daming dalang paper bag ng lalaki. Mukhang enjoy na enjoy si Elisa. Pero, ako, ni isang paper bag, walang dalaga.
"Xynnah? Saan na ang mga pinamili mo? I thought you--"
"Wala. Tinamad na ako. Ang papangit pala ng mga damit dito," I emphasized the last sentence while looking at Gabriel. I rolled my eyes. Nagsasayang lang ako ng oras ko dito!
"Elisa, bathroom lang ako," Sabi ko. Tumango ito at sumunod naman ang dalawang lalaki sa'kin.
"Where are you guys heading to?" Pinanlisikan ko sila ng mata. Baka takasan kami ni Elisa nito! No, wait. Baka takasan lang pala si Elisa because I don't care anymore kung uuwi 'tong si Gabriel. Ini-stress niya ang iilang piraso kong bangs!
"Mag CR lang din," Kaswal na sambit ni guy ni Elisa. Hindi ko na sila pinansin at nag bathroom na.
Hindi ko inexpect na ganito pala ang dadatnan ko ngayon. What the hell was that? Hindi niya man lang ako kinakausap! Ni ha, ni ho, ni ni hao, wala! He only got the looks, but he doesn't know how to make the moves.
I washed my hands. Kinuha ko ang pressed powder ko sa purse ko. Nakailang kunot ako ng noo today. Feeling ko magkaka wrinkles na ang noo ko. Hinilot hilot ko pa ito para maging straight ulit.
Papalabas na sana ako when I heard the two of them having a conversation din.
"Ayoko nito, Simon! Alam mo namang may girlfriend ako, hindi ba?" I bet that was Gabriel's voice. Napatakip pa ako sa bunganga ko nang marinig ko 'yon. He has a girlfriend?!
"Sandali lang naman 'to, p're. Alam mong may makukuha ka dito kapag nakuha ko na si Elisa!"
"Hanggang kailan pa ba 'to? Nakakainis, p're. Hindi ko kayang magtaksil sa girlfriend ko!"
Ha! Mas lalo naman ako! Ayokong mabansagan na relationship wrecker! Lumabas na ako at hinarap ko sila. I don't care if I will make a scene here. Mapahiya ko lang 'tong dalawang panget na 'to!
"How dare you! You're after my friend pala ha?!"
Nagulat yung lalaking kasama ni Gabriel nang sumigaw ako. I went to him and slapped him real hard. Ang tanga rin ng mga 'to! Gagawa na nga lang sila ng plano, dito pa talaga sa CR pagu-usapan.
"Mali ang iniisip m--"
"Ano tingin mo sa'kin? Baliw? Rinig na rinig ko kayong dalawa! Don't even try to conceal your bullshit actions dahil huling huli ko na kayo!"
Pinaghahampas ko silang dalawa at pinagsisigaw. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao sa banyo. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Elisa. Sinusubukan niya akong pigilan, pero hinila ko lang siya palabas.
"Douchebags! Fuck you!" Pinakyuhan ko sila bago makalabas. That explains why Gabriel was shy! I am going to uninstall Finder na pagka uwing pagka uwi!

BINABASA MO ANG
Love in Bangketa
RomanceKANTOBOYZ SERIES #2 - Sa pagkatagal tagal na unrequited love ni Maximo Colt Fablo sa kaniyang kaibigan na si Maria Magdalena Burkot, akala niya ay hindi na ito magtatapos. Ngunit, nang dumating ang panahon na nasaktan ito, doon na siya nakasigurado...