05

267 9 0
                                    

"Nakakainis lang si Mommy kasi ayaw niya akong bilhan ng Chanel ba-- Xynnah?! Are you even listening to me?!" Napalingon ako nang sigawan ako ni Elisa. Disappointment was now painted in her expression.

"What?"

"You're not listening to me!" Asik niya. Napahikab naman ako. I was busy stalking his brother yesterday. Alas kwatro na ng umaga ako natapos sa pangs-stalk sa kaniya.

I don't know, but this thing became my routine whenever I like someone. Akala siguro nila, scroll scroll ka lang sa Facebook, stalking na 'yon. Ang hindi nila alam nag PhD na ako sa paghahanap ng butas sa mga crushes ko. Kahit mga nagcocomment, in-stalk ko na rin until I satisfy myself to find relevant pieces of information.

"Oh, wait. This jacket is familiar!" Tinuro niya ang jacket na nasa likuran ko at agad na hinablot 'yon bago ko pa makuha sa kaniya.

"Hey, Elisa! What the hell, balik mo nga 'yan!"

"Oh my gosh! Sa brother ko ba 'to?! This belongs to Kuya Damian, right?!" May hinahanap pa ito sa jacket na para bang siya lang nakakaalam. Nanlaki ang mata niya nang mahanap niya ang hinahanap niya, pero ako nakataas lang ang isa kong kilay. She looks at me suspiciously.

"What? I didn't steal that from him!"

"Paano napunta dito? Nag teleport?!"

If Elisa's not my bestfriend, siguro sinabunutan ko na siya sa mga sarcasm niya. I think, this is also the right time to tell her that I like his brother.

"No. Actually, nagkasabay kami ni Kuya Damian sa gym. Shit happens. Tapos, ayan. Basta, napunta na sa'kin jacket niya,"

"Do you have a crush on my Kuya, Xynnah?"

"I do," Straightforward kong sabi. I've got nothing to hide anyway. She already found out about his brother's jacket. There's no way I could still think of any excuses.

"Since when?" Panguusisa niya.

"Sobrang tagal na," Umiling ito sa'kin na para bang may mali akong sinabi.

"I am sorry to burst your bubble, Xynnah, but he has a girlfriend already,"

Nagpalit naman kami ngayon ni Elisa dahil ako na ang nanlaki ang mata. What?! How come na nagkagirlfriend siya? Kakacheck ko lang kagabi, pero wala akong nahanap!

"What the? Paano? I stalked him, but I found nothing!"

"They're not active on Facebook. But, if you'll stalk his Twitter, you'll see  both of them being sweet. Nakakadiri!"

Hindi ko na sinubukan pang kunin ulit ang jacket ni Kuya Damian mula kay Elisa. Hahayaan ko na lang na iuwi niya 'yon. That's the reason kaya siguro he only treats me like a sister! As if magkakapatid kaming tatlo nila Elisa.

For a little while, I was sad. Nakuha nang makauwi ni Elisa dala dala ang jacket ng kapatid niya, pero malungkot pa rin ako. I was busy scrolling and finding my matches in Finder when my mom called.

Sinagot ko naman ito kahit na naabala ang pagf Finder ko.

"Hey, Mommy,"

"Hi, darling. How are you?" Malambing ang boses ni Mommy nang kamustahin niya ako. Mabuti na lang at naisipan niya pang kamustahin ako after not talking to me for a month.

"I guess, I'm fine. Why?" Nilagay ko ang phone ko sa pagitan ng leeg ko at ulo at inipit ito. Sana hindi ako tama ngayon na may hihingiin na namang favor siyang favor that's why she called.

"I just wanna know if you are doing fine," Huminga ito nang malalim.

"I am, Mommy. What else?"

"What are you talking about, Giovannah?"

"Hindi ba't tumatawag ka lang kapag may kailangan ka? What do you need right now? Anong favor na naman ang hihingiin mo?"

"You're getting the wrong idea, Giova--"

"No, Mommy. Gets ko na gusto mo lang ako makausap dahil sa favor. I am hanging up now. Bye. Take care," Pinatay ko na ang tawag. I sighed. I just really... hate to think na ganoon nga ang dahilan ng Nanay ko. Pero, hindi ko mapigilan.

Nagpapatay malisya lang ako noon. But, I had enough. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa bigat na nakapatong sa puso ko.

"Giovannah, open this goddamn door!" I woke up to my father slamming my door. Inis na inis pa akong napabangon. What's the matter?

Nang buksan ko ito, sinalubong ako ng galit na galit na ekspresyon ni Daddy. Habang hawak hawak ang... Fuck!

"When and where did you learn to steal this from me, huh?" Hawak hawak niya ang atm card niya. Putangina! I must have left this somewhere... Alam kong nilagay ko lang ito sa bag ko.

"Ah... Daddy... About that thin--"

"And yes, Giovannah, ano rin 'to?! Kantyawan ka sa Facebook ngayon na pati mga taong nagsisimula ng pamilya, ginugulo mo!" Pinakita niya sa'kin ang isang post na puno ng screenshots. It blew up after being posted for five hours. What the fuck?!

Kinuha ko ito sa kaniya at tinignan ang mga nakalagay. Yung gagang nakausap ko sa Finder! I already settled this with her! Siraulo talaga mga cheater!

"Daddy, I didn't do that. Fake news lang 'ya--"

Napahawak siya sa sentido niya. Wrinkles started to appear on his face. Parang dadami na nga 'yon ngayon dahil sa stress niya.

"What's your excuse this time, Giovannah?! Nahuli na kitang ninakaw ang atm ko! And this post only proves that you did it! Ginamit mo itong card ko para manira ng pamilya, hindi ba?"

I held my breath and my brows furrowed. Am I hearing things right? Is my father saying these things to me right now? Ganoon ang tingin niya sa'kin?

"Daddy, please. I can explain. I am sorry... about your atm. Pero, hindi ko 'yon ginamit para sa guy na 'yon, Daddy! If you only know that he was actually the one who play--"

"I am done, Giovannah. Kinausap na kita last time. Kay Tito mong Gerard kita ipapadala ngayon!"

What?! Tito Gerard was our former driver. He's my father's cousin, pero I think, nasa third na? His family is kind to us, pero no way! Ayoko!

"Daddy, no! Please, one last chance!"

"Pack your things, Giovannah. Ihahatid kita bukas nang maaga," He used that serious and strict tone again. Tumalikod ito sa akin at bumaba.

What am I going to do now?! Hindi ako sanay doon! Hindi ko nga alam kung napaano na yung lugar na 'yon dahil batang bata pa ako noong last time na makapunta ako doon! Pabagsak kong sinarado ang pinto ko.

Love in Bangketa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon