One week has passed, but the work of that bangketa boy in Tito Gerard's house hasn't stopped yet. There were times that I would just like to feed him with soil, because every time I look at him, he would always smirk! Mas lalo lang akong naiinis sa kaniya nang malaman kong pumupunta siya sa kwarto ko, dahil may sira rin ang tubo roon.
Kaya naman tinago ko ang lahat ng mga importanteng bagay ko. If one of them was lost, I would undoubtedly point fingers at him! Bumaba lang ako saglit para kumuha ng chichirya, then unfortunately, nakasalubong ko siya.
Hindi ko lang siya pinansin, pero bilang siya ay feeling close, hinarangan ako!
I gawked at him. "Excuse me,"
He raised an eyebrow. "Tama ba narinig ko? Nage-excuse me ka?" Sabay lapag sa basong ininuman niya.
Lumilinga-linga ako sa gilid. Baka mamaya, bigla na namang sumulpot si Tito Gerard, and he would accuse me of showing an attitude to this git! "Umalis ka sa harapan ko. Kung hindi ka ba naman bastos, why are you blocking my way? Close ba tayo?" He towered me over. Ang tangkad niya masiyado, at sa tantya ko, hindi man ako umabot sa lebel ng mata niya. Hanggang sa chin lang.
Umalis siya nang sabihin ko 'yon. He even gestured as if he was welcoming me on my way. I rolled my eyes at him. Kumuha na lang ako ng chichirya at umakyat na pabalik. I just wish that he wouldn't touch any of my things. May record pa naman sa'kin 'yon bilang magnanakaw, and up until now, I am still traumatized.
Aezy darted her eyes at me as I closed the door, dahil sa naiinis ako, medyo napabagsak ang pagsara ko roon. "Nasa baba ka pa lang, pero naririnig ko na ang pagkainis mo dahil sa mabigat na bagsak ng paa mo,"
"Ah... yeah. Natama lang kasi paa ko sa table. That's why... medyo mabigat ang paghakbang ko," I gave her one chichirya. She just shrugged to my statement and looked back on her laptop. I opened my chichirya and surreptitiously gazed on whatever she's doing. Focused na focused siya sa ginagawa niya na hindi man lang niya ako napansin na sumisilip sa gawa niya. I missed the feeling of going to school, but at the same time, I don't.
Inabot ko na lang ang remote at nilipat ang nasa tv. Naghanap na lang ako ng magandang series na panoorin. Gladly, Aezy let me to stay in her room while my bathroom's under construction. Hindi naman ito nadidistract sa pinapanood ko and I don't know how she could handle it. I, myself, alam kong madaldal ako, but I couldn't stand when someone's being nosy!
Dahil sa wala naman akong ibang ginawa kun'di ang kumain at manood, hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang tawagin ako ni Aezy for dinner. I rubbed my eyes at sumunod na sa kaniya. On my way downstairs, I thought the bangketa boy already went home, but I was wrong, because it looked like he would join us in dinner.
Since the last time he came here, wala si Aezy and he occupied her seat, ngayon na nandito siya, mas lalo akong nabigla dahil may nakalagay na plato na sa tabing upuan ko. What the fucking f-
"Xynnah, what are you doing? Umupo ka na," Auntie Roan stated. Wala akong choice kung hindi ay ang umupo na. Before that guy could even sit, nilayo ko na nang bahagya ang upuan ko sa kaniya. I guess, no one has noticed, which is a good thing din naman.
Tito Gerard reached for the rice. "Naku, sa loob ng isang linggo, magaling na pala magtrabaho itong si Maximo. Dapat ipapagawa ko na ito bago pa makapunta rito si Xynnah, pero nakalimutan ko,"
Auntie Roan looked at Tito Gerard and agreed to his words. Habang si Aezy, wala siyang sinasabi. Parang silang tatlo lang dito ang nagkakaintindihan.
"Nasanay lang po siguro, Sir. Kaya medyo... mabilis na rin gumalaw," The guy beside me replied and reached for the ulam. I shrunk my nose as he reached for it. Maghapon siyang nagtrabaho. Baka amoy putok pala ang isang 'to.
"Bata pa lang ba ay namulat ka na sa mga ganitong gawain?" Auntie Roan interrogated. As the guy beside me answered, Aezy already looked at him, also curious. Ako lang talaga walang pakialam sa lalaking 'to, dahil unang-una, wala naman sa kanila ang nakakaalam ng nangyari sa Bangketa.
He cleared his throat. "Opo, Ma'am. Hirap din kasi sa buhay, kaya wala akong ibang choice kun'di pag-aralan ang ganitong trabaho,"
"Hindi ka ba nakatapos?"
"Hindi po. Hanggang second year lang po ako ng college. Nag-drop na rin po ako dahil hindi kaya ng Mama ko na pag-aralin ako,"
He must have a miserable life kaya siguro nagawa niya akong pagdiskitahan sa bangketa. Right now, I am still not convinced that he wasn't the mastermind of that nakaw thingy. Napatawa ako nang tahimik. Hindi ako judgmental, pero, hello?! Confirmed na nga na ganoon siya.
"Why are you laughing all of a sudden, Xynnah? May nakakatawa ba sa sinabi niya?" I only let out a giggle, and after a while, na sa'kin na agad ang mga tingin nilang lahat. Feeling shy, I thought of anything that I could say.
"Ah... no. I wasn't laughing at his statement po. I just... thought of something funny,"
Auntie Roan seemed to doubt my answer. "Really? But, that's not how I see it, Xynnah,"
"But, yun po talaga, Auntie. Sorry,"
Hindi na lang nila ako pinansin at nagusap-usap na lang sila ulit. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko para makaiwas sa pwede nilang sabihin. I will enter the house na lang ulit once this guy already went home.
Lumabas ako at umupo sa may swing. Tinulak ko ang sarili ko habang nakatingin sa buwan. The moon and stars were shining so brightly in the dark. May mga nakikita rin akong iilang mga nasa labas, pero umuuwi na. Noong nasa bahay ko pa lang ako, night is morning. Mas nagigising lang kami sa gabi kaysa umaga, dahil tulog kami panigurado sa umaga dahil sa hangover.
"Sigurado akong... ako pinagtawanan mo kanina," Agad naman akong luminga kung sino ang nagsalita. I wasn't surprised when I saw the guy.
"Ang feeler mo talaga. Hindi nga ikaw 'yon!"
"Huwag mo na pagkaila,"
I raised an eyebrow at him. "Ang hilig mong magself-pity kaya ako tuloy nagmumukhang masama. Bait-baitan ka riyan. Akala mo true!"
He went near me, but before he could even close our distance, I already stopped him. "Anong self-pity? Kinukwento ko lang naman dahil nagtatanong sila,"
"You shouldn't have mentioned the status of your education. Duh! Ang simple lang kaya ng tanong,"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Hindi ko alam kung anong problema mo sa'kin. Pagkatapos kitang sagipin sa mga adik na 'yon, patuloy ka pa ring nagtataray,"
"What's your pake ba?"
"Mukha kang bata," He answered.
I crossed my arms. "If you couldn't stand me, being masungit sa'yo, then get the fuck out of my sight! Simple lang naman, ako pa ba paga-adjust mo?"
"Ako pa ba maga-adjust sa'yo," He mimicked me. I rolled my eyes at him.
"Ikaw, ang taray mo. Kung kapatid siguro kita, matagal na kitang tinapon sa ilog," Aniya. Pero, hindi pa rin ako sumasagot. Bahala siya riyan.
"Pero, mukhang gusto rin kitang kaibiganin," Dagdag niya. Ako naman ngayon ang nagkunot-noo.
I imposed a fake and sarcastic laugh. "What made you think that I would like to be friends with you? Duh, hindi ako nakikipag-kaibigan sa mga magnanakaw,"
"Hindi nga ako magnanakaw. Ang kulit mo. Hindi mo ako pinapakinggan,"
"Whatever," Tinulak ko na lang ang sarili ko ulit. Akala ko ay umalis na siya dahil wala ng nagsasalita, pero pumunta ito sa harap ko at siya ang nag swing sa'kin.
"What the fuck! Umalis ka nga!" Sinwing niya ito nang pagkalakas-lakas. I almost fell!
"Bahala ka rin diyan, basta, friends na tayo,"
"I will never be friends with you, asshole,"
"Nye nye nye! Bye friend!" Kumaway pa ito at tumakbo palayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/222464650-288-k174647.jpg)
BINABASA MO ANG
Love in Bangketa
RomanceKANTOBOYZ SERIES #2 - Sa pagkatagal tagal na unrequited love ni Maximo Colt Fablo sa kaniyang kaibigan na si Maria Magdalena Burkot, akala niya ay hindi na ito magtatapos. Ngunit, nang dumating ang panahon na nasaktan ito, doon na siya nakasigurado...