Author's note:
I recommend you to listen to the attached YT cover above when you read this chapter hehe. Happy reading!
--"Max... Ito raw ang simbahan sa kasal ni Xynnah,"
Inabot ni Eric ang imbitasyon na nakuha niya. Sabi ko sa kaniya, huwag niya nang patuloy na sundan si Xynnah. Ngunit, sabi niya, last na raw 'yon.
Halos manginig ang mga kamay ko nang tanggapin ang sulat na 'yon. Napakaganda ng invitation card... Mukhang... mukhang pang mayaman nga talaga ang nagpagawa.
Two souls as one.
You are invited to soon-to-be Mr. and Mrs. Romualdez's wedding on...
"Tingin mo... magandang ideya na pumunta ako roon? Hindi ba... hindi ba ako papaalisin?"
Umismid si Eric. Hindi ko alam kung paano niya ito nakuha. "Hindi 'yan. Basta, pakita mo lang 'yan do'n. Pinadalhan na rin kita ng Barong na susuotin mo,"
"Paano mo ito nakuha?"
"Basta. Limited lang bisita nila, pero buti nga nakuha ko 'yan. BDO. I have my own ways," Ngumisi siya sa'kin.
Hinaplos ko ang invitation card nila. Kumikirot ang puso ko sa tuwing hinahawakan ko 'yon. Kamusta na kaya si Xynnah? Magi-isang dekada halos na rin ang lumipas.
Tingin ko'y sobrang saya niya na ngayon. Napangiti ako sa naisip ko. Sa bagay... Hindi naman siguro siya magpapakasal kung hindi siya masaya, 'di ba?
"Paano kapag nakita ka ni Xynnah? Anong gagawin mo?" Biglang pagtanong ni Eric sa'kin. Agad naman akong umiling.
"S-Sisilip lang ako. Wala akong... balak na magpakita. Lalong-lalo na sa kaniya,"
"Paano nga lang?"
Ngumiti ako. "Tatakbo ako pauwi,"
Humalakhak si Eric. "Siraulo ka! Basta, punta ka. Baka... baka ito na lang huli mong pagkakataon na makita ulit si Xynnah. Balita ko, pupunta sila ng ibang bansa,"
Tumango ako. Wala akong balak na masama sa kasal nila. Wala akong balak na manggulo. Gusto ko lang makita si Xynnah ulit... kahit na binawalan ako ng Tito Gerard niya kapalit ng pagpapagaling ko.
Umagang-umaga, maaga akong nagising upang makapaghanda. Isang taon nang maging cancer free na ako. Isa sa mga bagay na sobra kong pinasasalamatan sa Diyos. Na buhay pa ako.
Kinuha ko ang barong na ibinigay sa'kin ni Eric. Simula nang magkasakit ako, hindi rin nawawala si Eric. Pinansiyal o moral na suporta. Present na present siya.
Napakaganda ng burda ng barong. Naghanda na ako at isinuot ito. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Nagkakaroon na muli ako ng mga buhok. Medyo nagkakalaman na rin ako. Inayos ko ang aking buhok.
Ilang sandali pa ay sinundo na rin ako ni Eric. "Oh, handa ka na?"
Huminga ako nang malalim. May magagawa pa ba ako? Tumango ako sa kaniya.
Sa bawat pagtapak ni Eric sa gas ng kotse niya, kakaibang kaba ang nararamdaman ko. Paano kung makita nga ako ni Xynnah? Sisiguraduhin kong hindi naman.
Nanlalamig ang mga kamay ko nang biglang magsalita si Eric. "Chill ka lang, p're,"
At mas lalong hindi ako nakapag chill nang huminto kami sa isang simbahang engrande. Napakaraming tao, ngunit sa dami ng mga 'yon, batid mong magkakakilala silang lahat. Tumunog ang bell ng simbahan at nagsimula na sila.
Halos tumalon ang puso ko nang makita kong nakasuot ng puting gown si Xynnah. Ngunit, hindi ko maaninag masiyado kung ano ang itsura niya dahil nasa kotse pa lang kami ni Eric.

BINABASA MO ANG
Love in Bangketa
RomanceKANTOBOYZ SERIES #2 - Sa pagkatagal tagal na unrequited love ni Maximo Colt Fablo sa kaniyang kaibigan na si Maria Magdalena Burkot, akala niya ay hindi na ito magtatapos. Ngunit, nang dumating ang panahon na nasaktan ito, doon na siya nakasigurado...