21

142 11 1
                                    

After Max punched the pangit na Fred a while ago, sumakay na ako sa dala-dala niyang tricycle. Nasa loob ako ngayon, but sa mirror in front of him, his irritated and annoyed expression is very evident pa rin. He got iilang punches pa sa gilid ng lips niya, because the ugly Fred punched him, too.

Kulang na lang mag wrestling sila sa harap ko. I sighed in relief. Mabuti na lang... nandoon siya. I was still thankful that he came. Pero, nagtataka pa rin ako... paano niya ako nahanap doon?

My phone beeped and it was Elisa who texted me. Kakauwi niya lang daw sa kanila at halos pagalitan na raw siya ni Kuya Damian sa dami ng paper bags na dala niya. Nagtipa naman ako ng reply. I told her na minsan lang kami mag-shopping, duh.

I didn't bother to tell her what happened to me kasi hindi niya naman concern 'yon. Sinabihan ko na lang siya na sana magkita pa kami ulit. It was all fun, pero sinira lang ng pangit na 'yon. Sinong magaakala na sa bait-baitan ng hayup na 'yon ay mukha ng demonyong rapist ang nakatago?!

Focused na focused si Max sa daan. I bit my lower lip. Nakaramdam ako ng guilt, kahit hindi ko naman kasalanan. Well, partly... kasi ako dahilan kung bakit siya involved doon. I thought of anything that I could do aside from saying sorry. Nahihiya ako.

"Hey," Tawag ko sa kaniya. Pero, parang hindi niya ako narinig dahil ang lakas ng pagpapaandar niya sa tricycle niya.

"Hoy!" I called him again, but no response. Kaya kinurot ko siya ng kaunti. Napatigil naman siya at hinarap ako habang nakasilip ako mula sa loob.

"Ano bang problema mo?" Pagsusungit niya.

"Huwag mo muna akong i-uwi sa'min!"

His brows met. "Bakit?"

"Basta. Drop me off kung saan ko man gustong magpababa,"

Umismid siya. "Pagkatapos ng nangyari sa'yo? Hindi ka talaga nagi-ingat,"

"Who told you ba na bababa ako sa gitna ng daan or sa place na hindi ko know, ha?! Basta, mag drive ka na lang!" I crossed my arms over my chest. Bwisit! Nagmumukha tuloy na ako may kasalanan! As if I was the one who punched his face naman 'no!

The road was so dark. Kaunti lang mga posteng nagbibigay ng liwanag sa daan. The cold air enveloped me. Binantayan ko na lang ang mga paper bags ko. Baka sila ang tangayin. Ang mahal pa naman nito. At least, naperahan ko yung pangit na 'yon!

Nang makita ko na ang park, sinundot ko ulit siya sa tagiliran niya. Sinamaan niya na naman ulit ako ng tingin.

"Gusto mo bang mabangga tayo, ha?" He asked.

I rolled my eyes. "Sino bang may gustong mabangga? Tingin mo may balak akong sirain maganda kong mukha? Signal 'yon na bababa ako!"

"Edi sana sinabi mo na lang!" Hininto niya ang tricycle sa gilid. There are some pips who are still strolling, pero kaunti na lang. I bet, umuwi na yung iba. Curiosity crossed his face when I stepped out of his tricycle. Umupo ako sa isa sa mga benches dala-dala ang isang paper bag ko.

"What are you still doing there?! Samahan mo ako rito!"

"Bakit kita sasamahan? Ikaw mag-isa bumaba riyan,"

"Edi fine, huwag mo akong samahan!" The way he answered my questions are infuriating me! Feeling ko talaga I owe him so much! Well, I do, pero bakit feeling ko pilit niyang tinuturong kasalanan ko? I marched to the nearest sari-sari store open near the park.

"Ate, do you have yelo ba?" Tanong ko sa nagtitinda habang ngiting-ngiti pa ito. She was startled nang magsalita ako.

"Ah, oo, mayroon. Tatlong piso isa," Aniya. I gestured my fingers to one at kumuha ng 100 sa wallet ko. Wala akong barya. Puro blue bills lang ang nandito, at itong 100 lang ang blue bill na hindi sumobra ng isang zero.

Binigay niya sa'kin 'yon. She asked for a barya. "Keep the change na lang," The only thing I said at binalikan ang bench kung na saan ang iniwan kong paper bag.

Nakita kong nakaupo na siya roon ngayon habang binabantayan ang paper bag ko. I rolled my eyes. Ang pabebe! Bababa rin naman pala! When he saw me, nabigla siya sa hawak-hawak ko.

"Anong gagawin mo diyan?" Nakakunot ang noo niya.

"Ipupukpok ko sa ulo mo. Now, sit," I pointed the bench at masunurin siya dahil umupo rin naman siya. I rummaged through my paper bag to get a cloth. Napailing ako sa una kong nakuha. Nope, not this. Kaya kumuha ulit ako. I didn't like the color of this one, because that ugly fucking duckling chose that for me, kaya 'yon ang kinuha ko.

His hair was now messy. I also noticed that in every blink he make, parang pagod na pagod at antok na antok na 'yon. I sat beside him and wrapped the yelo around the not so thin cloth. He was only wearing a simple shirt, and a pair of pants, but he already look so freaking good. Kinalbit ko siya. Tinaas ko ang yelong hawak ko na nakabalot sa damit.

"I will mend your sugat," I told him. Ngumisi lang siya.

"Para dito? Huwag na. Kaya ko gamutin sarili ko. Uwi na ta--" Before he could even stand up, I grabbed his hand. I rolled my eyes again.

"Ang arte mo! Gagamutin ko na nga, e!" Naiinis na talaga ako, super. Kung hindi lang ako mabait, hinayaan ko na silang nag WWE ni pangit doon!

He chuckled. "Bakit ka sumisigaw?" He asked in a low tone.

"You are stressing me out! Nagmamagandang loob na nga ako!"

"Walang magandang labas?" May dual personality ba 'to? Kanina naiinis siya sa'kin, but now he is making a joke. Hindi ko na lang siya pinansin at tinapat ang cloth sa gilid ng labi niya. Napaiwas pa siya.

"Dahan-dahan ka naman. Parang ikaw pa galit,"

"I am really mad at you right now, so shut up," Dinampi ko nang mas gentle ngayon ang cloth. Hindi na siya umiiwas.

He looked at me. "Ikaw pa galit?"

"Oo, ako talaga galit! You were putting the blame on me, as if ginusto kong mapaaway ka, duh?!"

"Hindi ko na sana papansinin. Pero, pasalamat ka, unique ka magsalita... pati yung tono ng boses mo. Na- identify kita agad," He laughed.

I slammed his broad shoulder. "How did you find me? Stalker ka talaga 'no?!"

He grinned. "Sa gwapo kong 'to? Stalker? Sinundo ko kasi kaibigan ko kasi nagtratrabaho siya sa mall na 'yon. Nasaktuhan na boyfriend niya sumundo sa kaniya at may date pa sila," When he said the last sentence, parang naging malungkot na voice niya.

"Do you like your friend?" I raised an eyebrow as I concluded that. Namilog naman ang mata niya.

"Hindi," Nag-iwas siya ng tingin.

"You are bad at lying, my god," I chuckled sarcastically. Hindi niya ako pinansin at kinuha na lang ang damit na may yelo. Siya na lang ang nag gamot sa sarili niya. Good thing, because my hand's getting numb, too.

No one talked between us. Mabuti na rin because I have nothing else to say, but in my peripheral view, I could see him staring at me.

"If stares could kill, kanina ka pa nakalibing," Sabi ko habang deretso pa rin ang tingin.

"RIP sa'kin," Tumawa siya. He didn't deny, huh? Guilty talaga?

Tinignan ko siya at agad ding nag iwas. I want to go home now. I want to rest. I feel... tired all of a sudden. Tumayo na ako, papasok na sana ako sa loob ng tricycle niya, but he held my elbow in a gentle way, unlike how that ugly Fred gripped it.

"What's your problem?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sigurado akong ikaw ang batang 'yon. Hindi mo ba ako natatandaan, Xy?" Naging seryoso ang boses niya.

"What? Xy? Binigyan mo ako ng nickname, e nickname na nga yung name ko,"

Tumayo siya. He towered over me. Sobrang lapit na naririnig ko ang malalim na paghinga niya. "It's really you,"

What is he talking about?

Love in Bangketa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon