1

202 9 1
                                    

Colton's P. O. V

"That's it for today class."Wika ni Prof. Angelie, kaya naman sabay-sabay kaming nag-ayos ng mga gamit namin, ang iba naman ay agad ng sinukbit ang kanilang bag habang ang mga babae naman ay nag-aayos at nagreretouch na at ang mga lalaki kanya-kanya na silang punta sa mga grupo nila.

"Colton, saan tayo ngayon?"tanong ni Vince sa akin.

"Dating tambayan."Sagot ko, tinawag na namin si Ezekeil para pumunta sa tambayan namin.

Habang naglalakad kami papunta sa tambayan namin, may nakabangga sa akin at natapon ang iniinom niya sa damit ko kaya nabasa ako.

"Hoy! Ikaw bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, kilala mo ba kung sino ang binangga mo?"sigaw ko sa kanya.

"S-sorry C-colton!" natataranta siyang humingi ng paumanhin sa akin pero agad kong hinawakan ang kwelyo niya.

"Anong sorry? tingnan mo nga yung damit ko! nabasa nang dahil sayo!"sagot ko tsaka tatama na sana ang kamao ko sa kanya nang biglang may sumigaw.

Liam's P. O. V

"Ok, yan nalang muna ngayon, sa Friday ulit."Wika ko sa tinuturuan ko.

"Sige po, Kuya Liam,"wika ni Earl sa akin.

Niligpit ko na yung mga gamit ko, tsaka ako lumabas ng school para makapag- lunch, pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko, may narinig akong sumigaw sa kabilang side.

Tinignan ko ito at nakita ko yung lalaki na hawak-hawak yung kwelyo ng polo ni Paul, susuntukin na sana niya si Paul pero agad akong sumigaw.

"Hoy! Anong ginagawa niyo? Bitawan niyo nga siya!"sigaw ko kaya napatigil yung lalaki sa gagawin niya kay Paul, binitawan niya si Paul tsaka lumapit sa akin yung lalaki.

"At sino ka naman para pigilan ako? "tanong niya sa akin na may halong nakakalokong ngiti.

"Wala kang pake,"sagot ko sa kanya, nilampasan ko siya tsaka ko hinila si Paul.

"Baka naman kasi boyfriend mo yan kaya mo ipinagtatanggol."wika nung lalaki, dahil sa inis ko humarap ako sa kanya.

"Ulitin mo ang sinabi mo!"

"Ang sabi ko baka naman kasi boyfriend--"hindi na niya naituloy yung sasabihin niya kasi agad ko siyang sinapak at saka ako umalis kasama si Paul.

"Liam, hindi mo ba siya kilala?"tanong ni Paul sa akin.

"Kilala ko anak ng Dean natin."Kaswal kong sagot kay Paul habang naglalakad kami.

"Hindi ka ba natatakot sa kanya?"tanong ni Paul sa akin.

"Hindi."sagot ko."Teka naglunch ka na ba?"tanong ko kay Paul.

"Oo, papunta na nga ako sa School eh."Sagot niya.

"Mamaya ka na pumunta sa School, sabay na tayo nila Karl at Dave,"wika ko kay Paul.

"Sige."sagot niya.

***

"Ano?! sinuntok mo si Colton? yung anak ng Dean natin?"gulat na tanong nila Dave at Karl.

"Oo."Sagot ko tsaka ako uminom ng softdrinks.

"Ang tapang mo naman pala eh, akalain mo sinuntok mo yung kinakatakutan sa buong school," wika ni Karl sa akin.

Hindi ko na lang sila pinansin, hanggang sa biglang napatulala silang tatlo at parang may nakitang multo sa likuran ko.

"Huy, parang nakakita kayo ng multo." Wika ko sa kanila.

Pero hindi sila sumagot, tumalikod ako para tignan kung sino yung nasa likod ko.

'Siya lang naman pala eh'

Tumayo ako saka buong tapang ko siyang hinarap."Anong kailangan mo?"tanong ko sa kanya.

"Bakit?Eh pwesto namin yan."Sagot naman niya.

"Binili mo ba to?"tanong ko sa kanya.

"Hindi."

"Hindi naman pala, edi pwede kaming umupo dito."Sagot ko.

"Alam mo ikaw lang ang matapang na lumaban sa akin, kilala mo ba ako?"tanong niya sa akin.

"Bakit? Porket anak ka ng Dean matatakot na ako sayo?"tanong ko sa kanya.

" Dapat--"hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil agad akong lumabas kasama yung tatlo.

***

"Parang nagkakatotoo na yung sinulat kong kwento ah."Wika ni Karl.

"Anong kwento?"tanong ko kay Karl.

"May kwento ba akong sinabi?"

"Oo, meron at kakasabi mo lang."Sagot ko.

" Wala baka nagiilusyon ka lang."Sagot niya, magsasalita pa sana ako pero biglang tumunog yung speaker.

"Mr. Liam Cruz, please come to the Dean's Office right now."Wika nung announcer.

"Halla ka, baka nabalitaan na ni Dean ang ginawa mo kay Colton,"pananakot ni Dave sa akin.

"Wala akong pake."Sagot ko tsaka ko sila iniwan at pumunta na ako sa Dean's Office.

***

"Good morning! Mr. Cruz have a seat,"bati ni Dean sa akin.

"Good morning too! Dean,"bati ko kay Dean.

"I heard the news about sa mga tinuturuan mo."Panimula ni Dean.

"Bakit po?"tanong ko.

"Sabi nila magaling ka daw na tutor."Sagot ni Dean sa tanong ko, biglang bumukas yung pintuan ng Office ni Dean at iniluwa nito si Colton na ang sama ng tingin sa akin.

"Bakit ka andito?"bulong ko sa kanya.

"Pinapatawag din ako."Sagot niya.

"Dad, bakit po ba?"tanong ni Colton sa tatay niya.

"Because I want Mr. Cruz to be your tutor for the whole school year."Sagot ni Dean.

'What?! Sa dinami-dami ba namang tuturuan ko si Colton pa?'

I'm Inlove With My Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon